Saturday, December 5, 2009

Elle Lopez - 7

Ilang buwan na ang nakalpas simula ng mangyari yun. At hanggang ngaun, hindi ko pa rin alam kung sino ang tao na yun. Kaya hanggang ngayon din ay litong-lito pa rin ako. Hindi ko pa rin alam kung bakit ko naramdaman iyon sa kanya na dapat ay kay Ryan ko lang maramdaman. And speaking of Ryan, hindi pa rin kami nag-uusap. Kung nuon eh naga-attempt siya, ngayon hindi na. Ni hindi nga niya ako tintgnan.

I sighed.

Gabing-gabi na pero nandito pa rin ako sa school. Sa dinami-rami kasi ng iniisip ko, hindi ko na namalayan ang oras. Kaya ngayon eh mag-isa nalang akong naglalakad sa halos deserted na hallway.

“Aray!” handang-handa na sana akong paulanan ng sermon yung taong bumangga sa akin ng pinto ng music room ng marinig ko yung boses na yun.

“Elle? I’m sorry. May masakt ba sayo?”

Pagtingin ko,

“Ryan…”

Para akong maiiyak. Ang tagal kong inisip kung kalian ulit kami mag-uusap. Ngayon pala. Oo at hinanda ko yung sarili ko para sa araw na ito. Pero hindi pala sapat yun. Kasi andun pa rin yung mabilis na pagtibok ng puso ko at andun pa rin yung pagmamahal ko sa kanya.

“Ok ka lang?”

Kaht ganito yung situation namin, concerned pa rin siya sa akin.

“Yeah.”

And there’s his smile. Kung alam lang niya kung gaano ko ka gusto na nginingitian niya ako.

“Bakit nandito ka pa?”

“Hindi ko kasi namalayan yung oras.”

Kung mag-usap kami ngayon, parang walang namagitan sa amin na masama noon. Everything seems like normal. And I like it this way. :)

“Nag-iisip ka na naman ba?”

I just smiled at him. Kilala na talaga niya ako sa konting panahon lang na pagsasama namin.

“Eh ikaw? Bakit nandito ka pa rin?”

“May ginawa lang ako.”

“Sa music room?”

“Oo.”

Nagintay ako na sabihin niya kung ano ba yung ginawa niya. Pero wala eh.

Naglakad lang kami ng naglakad papunta sa gate. We were quiet though. Walang nagsasalita at walang naga-attempt na magsalita. Weird, pero hindi boring yung feeling. Hindi awkward. I feel at ease with him. Alam kong ganun din siya sa akin. It’s just so nice. But good things don’t last for long. Nakarating na kasi kami sa gate and kailangan na naming maghiwalay.

“Sige Ryan, uwi na ako. Ingat ka.”

Hind ko na hinintay yung sagot niya at umalis na ako. Ayoko lang marinig na nagpapaalam siya sa akin. Hearing someone bidding me goodbye doesn’t feel good.

Nasa waiting shed na ako at naghihintay ng jeep pauwi. Malas ko lang kasi parating puno yung mga jeeps na dumadaan. And nakaktakot pa naman sa bahagi na iyon. Madilim kasi and natatakot ako na baka may mga basagulero na maligaw at may gawin silang masama sa akin.

“Hey,”

Napasigaw ako ng napakalakas. Pinaghahampas ko ng bag ko ang taong yun at pinagsususuntok ko siya. Hinawakan naman nya ako sa mga kamay ako.

“Bitiwan mo ako!” at pinagsususuntok ko na naman siya.

“Aw! Stop it--aw--stop it!”

“Huwag mo akong englishan rapist ka! Virgin pa ako! Hindi ako makakapayag na ikaw ang makakakuha sa virginity ko! Rapist!”

“Rapist? I’m not—aw—it’s me! Ryan!”

Natigilan naman ako. Did he say Ryan? Pagtingin ko,

“Oh my god! Ryan!”

Bigla naman akong napayakap sa kanya.

“You scared me to death! Akala ko, mare-rape na talaga ako!”

“Hmm…”

Natauhan naman ako. I was hugging him!

“Aww! Para saan yun?” hinampas ko kasi siya sa braso para makabawi ako sa pagkapahiya na naranasan ko.

“Huwag ka kasing mananakot!”

“Hindi ko naman inakala na matatakutin ka pala."

Hinampas ko na naman sya ulit. Kitang-kita sa mga mata niya na pinagtatawanan niya ako.

“Bakit ka ba nandito? Sa kabilang kanto yung sakayan papunta sa inyo diba?”

“Sinundan kita. You think hahayaan kitang umuwi ng mag-isa sa ganitong oras?”

Na-touch naman ako. Concern pala siya sa akin pero minaltrato ko lang. Nakonsensya naman ako.

“S-sorry nga pala kung nagawa ko yun sayo.”

This time, hindi na talaga niya tinago yung ngiti na kanina pa niya pinipigilan.

“Ok lang yun. Basta sa susunod, huwag mo ng ipagsigawan na virgin ka pa. Mahirap na. Baka—“

“RYAN CORTEZ!” pinigilan ko na siya sa kung ano man yung sasabihin niya. Hindi pa ako nakarecover sa pagkapahiyang inabot ko kanina. Pero tumawa lang siya at pumara ng jeep.

Hindi muna kami dumiretso sa bahay pagkarating namin sa village. Saturday naman tomorrow so naglakad-lakad muna kami sa park. Hindi na nakapagtataka na maraming tao ngayon ang nandito. May mga ilaw na nagmumula sa mga poste at may fountain naman sa pinakagitna ng park. May apat naman na pavilion at dumretso kami sa isa sa mga yun.

“Maganda ang village ninyo.”

“Yeah.”

Then I heard him sigh.

“Break na kami.”

Nagulat ako. No, sobrang nagulat ako. Kaya siguro hindi ako makapagsalita. Eh hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin, o ang dapat kong maramdaman.

“It’s been a week actually.”

“A-aah.”

Gusto kong batukan yung sarili ko. Naguguluhan ako. Dapat ba akong maging masaya kasi single na ulit si Ryan or malulungkot dahil nasaktan siya sa break up nila ni Jam?

“Yeah.”

“S-sino ang nakipag break?”

“Ako.”

Napatingin naman ako bigla sa kanya.

“Ikaw??”

Parang hind yata kapanipaniwala yun.

Tumango naman siya habang nakatitig sa akin.

“B-bakit naman?”

“I discovered na iba na pala ang mahal ko.”

Gusto ko siyang pagsasampalin at pagsusuntukin sa sinabi niya. Bakit parati nalang niya akong sinasaktan? Hindi ba niya nakikta na nasasaktan ako? Wala ba talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko?

“Good for you.” Thank God at nakakapagsalita pa ako sa kabila ng paninikip ng dibdib ko.

“You know, akala ko simpleng paghanga lang yung nararamdaman ko sa kanya. Pero hindi pala. Kasi hindi simpleng paghanga lamang ang sinasabi ng puso ko. Sinasabi nito na mahal ko siya. Mahal na mahal.”

“Ok, that’s it. Uuwi na ako.”

Pinigilan naman niya ako.

“Don’t touch me!”

“Ano'ng problema?”

“Ano'ng problema? Ikaw yung problema! Sinabi ko ba sayo na gusto kong malaman yung mga kwento mo tungkol diyan sa babae mo? Hindi! Oo at sinabi ko nuon na makikinig ako sa mga problema mo. Tutulungan pa kita kung pwede. Pero hindi ko kayang marinig yung mga kwento mo tungkol sa babaeng mahal mo. Nakapagpigil pa ako nuon kay Jam. Sinabi ko sa sarili ko na, ‘kaya mo yan Elle. Kaya mo yan.’ Pero ngayon, hindi na. Alam mo kung bakit? Kasi ang sakit-sakit na. Ang sakit-sakit na kasi mahal kita.” Nakita ko yung pagkagulat sa mukha niya. And then napalitan ng guilt. Gusto ko na naman siyang suntukin. Guilt? Bakit? Kasi hindi niya ako kayang mahalin? “Bakit Ryan? Bakit hindi mo ako kayang mahalin? Nandito naman ako parati para sayo ah. Ano ba ang wala sa akin at hindi mo ako magawang mahalin? Sana ako nalang Ryan. Sana ako nalang…” Napahagulgul ako ng iyak. Ako ba talaga yung nagsalita? Ang sagwa pakinggan. Kaya bago pa siya may masabi sa akin na makakadagdagsa sakit na nararamdaman ko, umalis na ako.

“Elle—“

“Don’t Ryan. Just… don’t talk. Ayokong marinig kung ano man yung gusto mong sabihin. Kalimutan mo nalang yung mga sinabi ko. Hindi naman mahalaga yun. Sige, salamat nga pala sa paghatid. Alam mo naman yung way pabalik diba? Sige Ryan, ingat…”

Tumakbo na ako pauwi ng bahay at dumiretso ako sa kwarto ko. At doon na ako umiyak ng umiyak. Ang nasa isip ko lang eh yung mukha ni Ryan at yung mga nagawa niya para sa akin. Kaya hindi ko na matandaan kung ano yung mga pinaggagagawa ko nung weekend nay un. O kung mayroon man akong ginawa. Kaya hindi ko na namalayan na,

Monday na pala.

Tuesday, September 29, 2009

Elle Lopez - 6

"Ready ka na?"

First day ngayon ng intrams namin ar ang cheerdance competition ang highlight ng araw. Tapos ng magperform ang Freshmen, Sophomores, at kasalukuyan namang nagpe-perform ang Juniors. Kami yung susunid. It's been one week since that incident. One week na rin kaming hindi nag-uusap ni Ryan. Sa one week na yun, maraming nangyari. Kasama na doon ang pagkakabalikan nina Ryan and Jam. Hindi na ako nagulat. I expected the worst after all.

"Yes," I replied to Justin.

Nasa harap kami ngayon ng Gymnasium at nagpe-prepare. Hindi lahat ang makakasali sa cheerdance. Yung mga naka-pass lang sa audition. Luckily, natanggap kaming apat.

"Goodluck."

I smiled. A real smile.

"Ikaw din."

Nawala lang yung ngiti ko nung makita ko sina Ryan at Jam sa unahan ng formation. They were talking and smiling to each other. They lookeed so sweet. My heart was hsattered into pieces with what I'm seeing right now.

"Just don't look at them Elle."

I looked at Justin. Tinitignan din niya yung dalawa. Alam nila yung status ng friendship namin ni Ryan. Pero hindi nila alam yung tungkol sa nangyari last week. I didn't dare tell them. Magkakaroon ng malaking gulo kapag ginawa ko yun.

A few minutes later, natapos na sa kanilang performance ang Juniors. Kaya oras na namin, Narinig ko nalang na sinabi ng emcee na,

"Let's give it up for the Seniors!!"

Ang daming nag-hiyawan nun. And then, we performed.

Our performance was a success. Sa dami ba naman ng nag-cheer pagkatapos naming mag-perform, sulit talaga ang one month na practie. Nag-settle down naman kaming lahat nung dumating yung awarding ceremony. And muntik na akong mabinig nung in-announce ng judge na,

"And our champion for the cheerdance competition school year 20**-20** is... The Seniors!!!" Siyempre nagtatatalon kaming lahat. 3 consecutive years na yung batch namin na champion sa cheerdance. Anong magagawa namin? Eh sa magaling talaga kami eh. ;) Kinuha ng cheerleader namin na lalaki yung trophy namin and pagbalik niya, binuhat siya ng mga lalaki. Natawa nga ako. Nagchant naman kami nun. A sign na, well, we are the champion!! Wohoo!! :D nag-group hug kaming lahat and then,

"1,2,3.."

"GO SENIORS!!"

After ng competition, nag-open na yung mga booths. May mga booths ng Jollibbe, Pizza Hut, Dunkin, Mr. Softy, Purefoods Hotdog, Tropical Shakes, and more. May mga booths din na nagtitinda ng mga kung ano-anong bagay. Pero and pinakapatok sa lahat eh yung booths ng games. May Wedding Booth, Handcuffed Booth, Blind Date Booth, Horsaback Riding Booth, Car Racing Booth, Play Station Booth, ang Message Booth.

"Congratulations to the five of you."

Pagtingin namin, si Sir Jess.

"Kahit first day pa lang, alam kong this year's intrams would be a huge success."

"Thank you, Sir."

"Sulit yung mga pinaghirapan namin."

"Hmm... Kung ako sa inyo, magtatago na ako sa kung saan pwedeng makapagtago."

Nagtaka naman ako. Feeling ko ganun din yung lima.

"Sir?"

"See those students over there?"

Tinuro naman niya yung mga tao na nakapila sa Wedding Booth, Handcuff Boothm, Blind Date Booth, and Message Booth.

"I bet na puno na ng pangalan niyo ang mga booths na yan."

Tumawa naman kami.

"You think so, Sir?"

"Uh-oh."

"Bakit Dustin?"

"Look,"

Nakita ko naman na mat mga students na papunta sa amin na may dala-dalang hankies and handcuffs.

"Well, I think we better go now, Sir."

"Off you go. And hurry up kung ayaw ninyong madakip."

"Thanks Sir."

"Let's go, Elle!" Hinawakan ni Justin yung kamay ko and tumakbo nga kami. Ang bilis nilang tumakbo! Kaya kahit hinawakan ni Justin yung kamay ko, naiiwan pa rin ako.

"Okay, stop."

Huminto naman kami.

"If you keep on running like that, mahuhuli ka talaga nila."

"I'm sorry. Pero ito lang talaga---Justin!!! What are you doing?!?"

Binuhat niya kasi ako.

"Ibaba mo nga ako! Nakakahiya!

"It'll be better if I'll just carry you. Baka mapatay ko pa yung mga humahabol sa atin kapag nadapa ka." Nakita ko naman na naghigh five yung tatlo.

"What? Wait! Let me down---ahh!!!" Sumigaw na talaga ko. Tumatakbo na kasi siya. And God!! Para akong mahuhulog sa bangil! Pumikit nalang ako and pinulupot ko yung braso kko sa leeg niya. Para akong mamamatay! I've never been carried before! And worse, tumtatakbo pa!

"Whoa! What a run!"

"We're here, pretty lady."

Pagdilat ko, nasa student buddy room na kami.

"Aray! Para saan yun?" Sinuntok ko kasi si Justin sa balikat pagkababa niya sa akin.

"You scared me to death! Huwag mo ng uulitin yun!" Umupo na ako sa couch kasi para akong mahihilo.

"Hindi na nila tayo masusundan dito. I locked the door just in case."

"I'm sorry." Nag-squat naman siya sa harap ko.

"Don't. Ok lang naman. Kung hindi mo ginawa---"

Napatigil ako sa pagsasalita kasi hinawakan niya yung mukha ko.

"Namumutla ka ah. Ok ka lang? Wait, ikukuha lang kita ng tubig."

"Wait, Justin---"

Pero nakapasok na siya dun sa kabilang room.

"Ok ka lang?"

“Yeah. Medyo nahihilo lang ako.”

“Takot ka talaga sa heights ano?”

I just smiled at Dustin.

“Sige Elle, next time, we’ll go bungee jumping. Para ma-overcome mo na yung fear mo sa heights.”

“Lol. Papatayin mo naman siya sa takot Rai.”

“At least mao-overcome na niya yung fear niya.”

“How can she overcome her fear eh takot nga siya?”

“Eh di tatalon siya.”

“Takot nga eh.”

“Tama na nga yan.” Sabi ni Justin nung makabalik na siya. “Ang gulo niyo. Here,” Inabot naman niya sa akin yung baso ng tubig.

"Thanks.”

Ininom naman yung tubig na binigay niya. Tumabi naman siya sa akin ang niyakap niya ako at pinahilig yung ulo ko sa balikat niya pagkatapos kon ginumin yung tubig.

“You should now rest, Elle. Para paggising mo, ok na yung pakiramdam mo.”

Close kaming apat. Pero iba yung closeness namin ni Justin. Sa kanilang apat, una kong nagging kaibigan si Justin. Then nakilala ko si Dale na kapatid niya and yung tatlo na kabarkada nila. Kaya normal na sa aking yun pinapakitang thoughtfulness and sweetness sa akin. Pero kappa isa sa tatlo yung yayakap sa akin ng ganito, baka magulat pa ako at suntukin ko pa sila. But kay Justin, nah. Comfortable akong kayakap siya.

“Bumabawi?” I chuckled.

“Pwede. But just rest. Sleep if you want.”

“Hindi ko tatanggihan yan.”

“Ako rin.”

“Ako rin!”

“Ako rin!!”

“Hindi kayo yung kausap ko.”

“Napagod din kami tol. So kailangan din naming magpahinga.”

“Tsaka nagseselos na ako sa ettention na binibigay mo kay Elle. Paano naman kami?” Then nag puppy look si Rai.

“Loko ka tol! Tigilan mo nga yan! Ang sagwa tignan!”

Rai just laughed. “Basta dito lang kami.”

I Laughed.

“Hayaan mo na sila Justin. Uhaw lang ang mga yan sa attention.”

“Ok.”

“Justin,”

“Hmm?”

“Thanks…”

Naramdaman ko nalang na hinalikan niya ako sa ulo ko.

“Just sleep.”

Nagulat ako sa ginawa niya. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit niya ginawa yun. But I was too tired to do so.

And with the five of us sitting on the couch side by side, I fell asleep.

***

Day 2 ng intrams. Ngayong araw na ito officially nag-start yung ibang games. Badminton yung sinalihan ko. Actually, varsity ako ng badminton team nuon. Nakasali na ako sa iba’t-ibang competitions. Umalis nga lang ako sa team dahil sa nangyrai kay Dale. But now, since I’m starting to move na talaga, bumalik na ako. Nag tryout ako last week. Nakapasa naman. Natuwa nga si coach nung malaman niya na may plano akong bumalik sa team. Ayaw pa nga na mag tryout ako kasi pasok na raw ako agad. Siyempre hindi ako pumayag. Magiging unfair yun para sa ibang students na gusting pumasok sa team. And matagal-tagal na rin akong hindi nakakapaglaro. Malay ko ba na kumakalawang na pala ako. :)

Tumunog yung intercom.

“First call. Badminton girls, singles. Freshmen versus seniors. Please proceed to the sports building now.”

Singles ako kaya pumunta na ako sa sports building wearing our red jersey uniform: t-shirt and shorts. Siyempre dala-dala ko yung racket ko.

“Sino yung kalaban ko?” Tanong ko kay Chris, team captain, pagkarating ko sa court.

Tinuro naman niya yung girl na nakasuot ng green jersey uniform at nagwa-warm up.

“Michelle Torres. Mag-iingat ka sa kanya. Magaling iyan. Although, alam ko naman na kayang-kaya mo siya.”

I chuckeld.

“Really huh? Tignan nalang natin captain.” Then I winked at him.

He laughed too. Kahit alam ko na ayaw niyang tinatawag ko siyang captain. Ewan ko nga kung bakit. Samantalang sa ibang members, ok lang naman sa kanya. Oh well.

I assessed Michelle. She’s a short girl. Napangisi ako. Mukhang alam ko na kung anong gagawin ko sa kanya.

Nagwarm up muna ako. Habang ginagawa ko yun, nakita ko si Ryan na nakaupo sa mga benches. He plays too. That explains kung bakit parehas kami ng suot and may racket rin siyang dala. He was looking at me. Napatigil ako sa ginagawa ko and I looked at him too. He’s handsome as ever. Nakadagdag pa sa dating niya yung dala niyang racket. Alam kong gusto niya akong kausapin. Ilang beses na siyang nag-attempt. Pero ako yung umiiwas. Hindi pa ako handa. And kahit alam ko na alam niya na tinitignan ko siya, hindi pa rin ako nag-iwas ng tingin. I just missed him a lot.

Hindi pa rin ako tuminag sa kinatatayuan ko kahit nung papalapit na siya sa direction ko. We’re now facing each other. Watching each other. And as he was looking at my eyes, bumilis na naman yung tibok ng puso ko. At alam na alam kong isa lang ang isinisigaw ng bawat pintig niyon,

“Ryan,”

There’s this certain expression that passed through his face pero sandaling-sandali lang talaga. Kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na i-interpret kung ano yun.

Namalayan ko nalang na pumuwesto siya sa likod ko. And then,

he ponytailed my hair.

“Hindi pwedeng nakalugay yung buhok mo kapag naglalaro ka. Madi-distract ka lang.”

I was dumbstruck. I mean, ilan bang lalaki ngayon ang may guts na magponytail ng buhok na isang babae? Konti nalang siguro. And kasama na si Ryan sa konti na iyon.

Hinawakan naman niya ako sa balikat and nilapit niya yung ulo niya sa side ng ulo ko. Alam ko na kapag lumingon ako, our lips will touch. So I didn’t dare do it kahit gustong-gusto kong mahalikan siya ulit.

“Good luck, Elle. And by the way,” Hinawakan niya yung buhok ko. “I love the smell of your hair.” Then umalis na siya.

Naiwan akong nakatulala. Hindi pa siguro ako matitinag sa kinatatayuan ko kung hindi pa lumapit si Justin. Madilim na madilim yung mukha niya.

“Kung ayaw mong ma-forfeit, pumunta ka na dun at magsisimula na yung game. Nilapitan ka lang, nawala ka na sa sarili.” Then tinapunan niya ng masamang tingin si Ryan. His expression is the same as Justin’s. Ano ba’ng nangyayari sa dalawang ‘to?

“Nag-away ba kayo ni Ryan?” kumunot yung noo niya.

“Paano mo naman nasabi yan?”

“Eh kasi kung magkatinginan kayo, para kayong magpapatayan.”

Nagulat nalang ako nung titigan niya ako sa mga mata. He’s staring at me like he’d never stared at me before.

“D-don’t look at me like that.”

“I can’t believe na may mga tao pala talaga sa mundong ito na matagal maka pick-up.”

Hindi ko naman naintindihan yung sinabi niya.

“Huh?”

“Wala. Sige na. Pumunta ka na dun.”

“O-kay.” weird.

“Good luck.”

I smiled at him.

“Thanks Justin.”

And then the game started. Marami nga ang nanood eh. And after a long time,

Second set. Score: 21-13

“Announcing the result of badminton girls, singles. Played between freshmen versus seniors. Winner,” narinig ko naman na may nagcount sa background. “Seniors! Congrats Elle!”

Natawa na lang ako. Aba, special mention? :)

“Wala ka pa ring kupas.”

“Thanks Chris.”

Nag-stay na lang ako sa court the whole day. Natapos na rin yung match ko sa sophies and juniors. Kaya wala na akong game sa afternoon. Championship nalang yung hinihintay ko and tomorrow pa yun. One reason kung bakit nag-stay lang ako sa court kahit wala na akong game is that para hindi ako hulihin ng mga gustong manghuli sa akin. They’re not allowed to catch anyone who’s is still playing. So kapag nakita ko na andiyan sila, nakikipaglaro agad ako sa kung sino-sino. So far, effective naman. Wala pa kasing nakakahuli sa akin.

Third day came and championship na. Sophomore and makakalaban ko. Hindi na ako nagulat. She’s really good after all. But alam ko yung weakness niya. Nahihirapan siyang tirahin yung bola kapag drop, kaya most of the time, yun yung gingagawa ko. Ilang beses din niya hindi na tirahan yung mga smash ko. So in the end, ito yung inannounce.

“Announcing the result of badminton girls, singles. Championship. Played between the sophomores and the seniors. Champion, SENIORS!!!”

Naghiyawan naman nun. Hindi lang ako na senior and nag champion. Pati yung boys doubles na sina Ryan and Chris. Ryan’s really good. Champion din kami sa boys singles and mixed doubles. Sa girls doubles lang kami ng second. But still, kami pa rin and overall champion sa badminton.

Last day na ngayon ng intrams and wala na akong laro, so I decided na ie-enjoy ko nalang itong intrams. Kung mahuli man ako, bahala na. At least may experience. Nanonood lang kami ni Rai ng game nina Justin, Dustin and Daniel sa basketball ng may lumapit na dalawang babae sa amin.

“U-uhm, excuse me. Hi Elle! Hello Rai! Ako nga pala si Trina, and this is Jen. Uhm, kasi…”

They look like may gusto silang sabihin pero hindi nila magawa. Nakita ko naman yung big yellow hanky sa likod ni Jen. Hmmm…

“Sino yung hinuhuli niyo?”

“H-huh? Uhm… I-ikaw Elle.”

“O-kay.” I smiled at them. “Rai, magkita nalang tayo mamaya. Hindi ko na matatapos yung game eh.”

“Bakit naman? May gagawin ka ba? Sasamahan na kita.”

“Hindi ka pwedeng sumama. May blind date ako.”

“Blind date?! Makikipag blind date ka? Bago yan ah!”

“Tange, makikipag blind date ako kasi hinuhuli nila ako. Di ka naman nakikinig kanina eh.”

“Hinuhuli niyo siya?”

“Ah… Eh…o-oo. P-pero ok lang naman na mamaya nalang namin siya hulihin. Tapusin mo nalang yung game Elle. Nakakahiya din naman kasi sa inyo.”

“O, Elle. Ok lang naman pala.”

Hinampas ko naman siya sa braso. Pero mahina lang.

“Aray Elle! Masakit yun ha!”

“Ang OA mo Rai. Mahina lang kaya yun.”

“Oo na. Pasalamat ka at mahal kita.”

“Alam ko.” Tumuwa naman ako. “Anyway, aalis na ako. Nakakahiya dun sa ka-blind date ko kung paghihintayin ko siya. Kita nalang tao mamaya ok? Bye!”

“Enjoy! Huwag pasaway!”

Natawa ako sa huling sinabi niya. Huwag pasaway? Hmm… ;)

“Pwede bang sa labas ng Gym nyo nalang ako i-blindfold? Baka kasi mahirapan kayo sa pag guide sa akin kung dito ninyo ako iba-blindfold. Marami pa naman tayong stairs na dadaanan.”

“Mabuti pa nga.”

Pero hindi pa kami nakakalabas ng gym ng may tumawag sa akin.

“Elle!”

“O Justin, bangko ka pa?”

“Oo, san ka papunta? Hindi mo ba tatapusin yung game namin?”

“Nah. Hinuhuli nila ako. Blind date.”

“Blind date? Sinong ka date mo?”

“Ewan.”

“Sinong ka date niya?” Tanong niya kay Trina.

“Ahh… h-hindi kasi p-pwedeng sabihin e-eh.”

“Justin, hind na ito magiging blind date kung sasabihn nila.”

“Pero...”

“Bumalik ka na nga dun. Congrats nga pala. I know naman na kayo yung mananalo. I’m sorry kung hindi ko matatapos yung game ninyo. Babawi nalang ako, ok? Bye Justin!”

“May gusto ba si Justin sayo Elle?” tanong ni Trina nung nakalayo na kami kay Justin.

“Huy! Ano ka ba!” Sabi ni Jen.

“S-sorry. Huwag mo nalang sagutin.”

“Paano mo naman nasabi iyan? Kasi close kami? Nah. Ganyan lang talaga kami ka-close ni Justin. Para ko na nga siyang kapatid. Actually, silang apat. So huwag ka nang mag-selos.”

“S-selos?” H-hindi k-kaya ako nagseselos.”

“Talaga? Okay.” Pero obvious naman na may gusto siya kay Justin. She’s blushing! ;))

“Dito niyo nalang ako i-blindfold.”

Nung naka-blindfold na ako, nag-guide naman sila sa akin sa kung saan ako papunta. Alam ko na sa music room nila ako dadalhin kasi doon yung venue ng blind date. Pero iba pa rin talaga kapag wala kang nakikita. Nakakatakot humakbang kasi baka may kung ano akong matapakan or what.

“Uy, si Elle!”

“Sinong partner niya?”

“Ewan. Akala ko ba close pa yung blind date?”

“Oo nga. Tignan mo h, may naka post na close sign. Marami na nga ang nagrereklamo.”

Close? Teka2, eh bakit nila ako hinuhuli??

“Wait, anong ibig sabihin ng mga narinig ko? Totoo ba ito o pinaglalaruan niyo lang ako?”

“Huwag kang magalala Elle. Totoo ito. Sinara namin yung blind date sa ibang tao pata makapgsolo kayo ng partner mo. Yun kasi yung request niya.”

“At pinagbigyan niyo naman? Unfair naman ata yun sa iba.”

“Hindi naman. Gusto lang talaga namin na tulungan siya sayo. Gustong-gusto ka nun eh. Bagay na bagay nga kayo.”

Hindi nalang ako nag-comment. Sino ba ang lalaking ito? Kilala ko kaya? Hay naku. Sana naman ok itong tao na ito ha. Kung hindi, ewan ko nalang.

“Andito na tayo. Uh, hindi nga pala namin tatanggalin yung blindfold mo.”

Huh?

“Bakit?”

“Ayaw kasi ng partner mo.”

“Eh siya? Naka blindfold din ba?”

“Hindi. Ikaw lang.”

Pinaupo naman nila ako.

“Aalis na kami ha."

“Good luck Elle. Sana makapagusap kayo ng mabuti.”

May narining naman akong nagbukas ng pinto and then, silence.

I sighed. Parang unfair naman ata sa part ko. Nakablinfold ako all along ang yung partner ko hindi?

Narinig ko na naman yung pinto na bumukas ulit. Siya na ata. Kinabahan naman ako. First time ko kaya makipagblind date na blindfolded all along.

I heard the song ‘Breathe’ by Faith hill play.

I can feel the magic floating in the air
Being with you gets me that way
I watch the sunlight dance across your face
And I've never been this swept away

Napakislot naman ako ng may humawak sa kamay ko.

“Shh.. don’t worry. We’ll just dance.”

He then guided me to the dance floor. With my arms on his shoulders and his hands on my waist, we danced.

All my thoughts just seem to settle on the breeze
When I'm lying wrapped up in your arms

Hindi ko alam kung bakit ganito yung epekto ng song sa akin. But I’m having goosebumps all over.

The whole world just fades away
The only thing I hear
Is the beating of your heart.

“Uh-uhm, pwede bang malam kung sino ka?”

Silence. After a few seconds,

“Sorry.”

“How about a clue?”

“I’m a student here at Clarkson.”

“Pero hindi pwede yan. Ang daming students dito sa Clarskon.”

“Yan lang ang sasabihin ko.”

“Kailan mo naman ire-reveal yung sarili mo sa akin?”

“Later, maybe.”

“Maybe?”

“Yeah.”

Naghintay naman ako na i-expound niya yung answer niya. Pero wala eh.

“Uhm, I’ll be honest with you. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sayo. I mean, I don’t know who you are. So…”

"Don’t worry. Ok lang naman kahit hindi ka na magsalita. Ok na sa akin itong makasama ka.”

“O-okay.”

“Congratulations nga pala. Ang galing mo.”

“Uhm, thanks. Nanood ka pala.”

“Oo naman. I watched all of your games."

All? Wait a minute…

“Stalker ka ba??"

I hear him laugh.

“Stalker? No, I’m not. Let’s just say that I’m one of your admirers.”

His laugh, bakit parang familiar sa akin ang tawa na yun? And why is it that it brought a feeling of warmth here in my heart?

“Alam mo, kahit natatakpan yung mga mata mo, ang ganda mo pa rin.”

Tinititigan niya ako? Yumuko nalan ako. Ewan ko ba. Nahiya ako eh.

I heard him chuckle.

“Hindi ka pa rin talaga sanay ano?”

Then nilapit niya katawan niya sa akin.

“H-hey. Idedemanda kita for sexual harassment!”

“Bakit? Ano bang ginawa ko?”

Ano nga ba?

“E-eh kasi…”

“Pwede bang kahit ngayon man lang eh makalapit ako sayo? Kahit ngayon lang. Ang hirap mo kasing lapitan.”

Pinabayaan ko nalang siya. Ewan ko ba. Hindi ako ganun kadaling ma at ease sa isang tao. Lalo na sa hindi ko pa nakikita. Pero sa kanya…

I sighed.

Weird, pero magaan yung pakiramdam ko sa taong ito. Para bang pwede kong ipagkatiwala yung buhay ko sa kanya.

We danced and danced hanggang sa umupo na kami.

“So tell me something about yourself.” Sabi niya.

“Bakit ako? Diba dapat ikaw kasi hindi kita kilala?”

“Kapag ginawa ko yun, makikilala mo na ako. And ayokong mangyari yun. Not yet.”

“Fine." Huminga naman ako ng malalim. “Akala ng halos lahat ng tao, ang swere-swerte ko at nasa aking na raw ang lahat. Pero hindi naman totoo yun eh. Siguro iniisip nila yun kasi yung mga gusto nila, nasa akin. Pero paano yung mga gusto ko? Hindi ko naman hiningi na maging ganito yung buhay ko. And honestly, naiinggit ako sa halos lahat ng tao dito sa mundo. Kasi sila, may nanay na nag-aaruga sa kanila at hindi itinakwil ng tatay nila.”

Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ako.

“9 years old ako nung maamtay yung mama ko. Nasagasaan siya ng sasakyan dahil sinagip niya ako nung bigla akong tumawid sa kalsada. May nakita kasi akong nagtitinda ng balloons nun. Isinisi sa akin ni papa ang lahat kaya itinakwil niya ako. Bata pa ako nung time na yun pero naaalala ko pa rin kung papaano sanibi ni paa sa akin na sana ako nalang daw ang namatay. Ang sakit-sakit. Nawalan na nga ako ng ina tapos mawawalan pa ako ng ama? Parang sobra-sobrang kamalasan naman ata yun. Idagdag pa yung guilt na nararamdaman ko kasi ng dahil sa akin, namatay yung mama ko. P-pinatay ko yung mama ko.”

Para akong maiiyak. Kahit matagal na panahon na ang nakalipas simula ng mangyari yun, sariwa pa rin sa akin ang sakit. Naramdaman ko naman na hinawakan niya yung kamay ko. Sa ginawa niyang iyon, parang sinasabi niya na naiintindihan niya yung mga nararamdaman ko. And amazingly, gumaan naman yung pakiramdam ko.

“Pero kahit ganun yung mga nangyari sa akin, ni minsan ay hindi ko inisip na unfair si God. Kasi kahit wala na akong mga magulang, nandiyan pa rin yung Tita Arnie ko na nag-aalaga sa akin. Kapatid siya ni mama and siya na yung itinuturi kong nanay. And andiyan din yung lima, including Dale. Sila yung pumupuno sa pagmamahal na hinahanap ko sa pamilya ko. Nakakalungkot nga lang at wala na si Dale sa mundong ito. Kilala mo ba siya?”

“No.”

“New student ka siguro. Dale’s my first love and my first boyfriend. But he died in cancer. Depressed na depressed ako nun. Pero tanggap ko na wala na talaga siya. Nalulungkot pa rin ako paminsan-minsan kapag naiisip ko siya. Pero alam ko naman na marami pa namang mga lalaki diyan. Hindi rin naman ako nagmamadali.”

“So single and available ka pala ngayon.”

“Yes and no.”

“Yes and no?”

“Single, yes. Available, no. hindi pa kasi ako ready na kalimutan yung taong mahal ko.” Sariwa pa yung sakit na dinulot ni Ryan sa akin. And mahal na mahal ko pa rin siya. Hindi pa ako ready.

Hindi naman siya nagsalita nun. Tapos narinig ko siyang bumuntong-hininga. Yung buntong-hininga na parang… sumusuko na? bakit naman?

“Elle…”

Para akong kinilabutan nung binanggit niya yung pangalan ko. I really don’t know why. There’s just something strange about the way he said my name.

Hinawakan naman niya ako at pinatayo.

“Hindi ko alam kung maaalala mo pa ba ang araw na ito pagdating ng panahon. Kaya para masiguro ko na you really won’t forget this day, I want you to have something.”

Naramdaman ko naman na may sinuot siyang necklace sa akin. And nung hinawakan ko yung pendant, it’s a ring.

“Hindi ko sasabihin at walang magsasabi sayo kung sino ako. Pero sa pamamagitan ng kwintas na yan, malalaman mo.”

Alam kong malapit na malapit na yung mukha niya sa akin. Naaamoy ko kasi yung hininga niya.

“If I kiss you right now, Elle, would you resist?”

Hindi naman ako makapagsalita. Nababaliw na siguro ako kasi gusto kong halikan niya ako. May something kasi talaga sa taong ito na para bang walang mangyayaring masama kapag kasama ko siya kasi lahat tama. That’t why when his lips touched mine, I didn’t resist. But instead, I welcomed it. Pero nagulat ako. Bakit tumitibok ng ganito yung puso ko? Alam ko kung anong ibig sabihin nito. Pero diba dapat kay Ryan ko lang maramdaman ito? Eh bakit pati sa kanya? Pero hindi na ako nagkaroon ng chance na makapagisip kasi parang hinihigop ng lalaking ito ang kakayahan kong mag-isip. His kisses was just mind blowing. I answered him kiss by kiss. He’s holding my face and I’m also holding his. The kiss was wet, but it was sweet and romantic. Alam kong kailangan na naming tumigil but it was just so hard to stop.

Sa tingin ko, the kiss lasted for how many minutes. Ang tagal kasi eh. Tumigil lang kami nung parang alam na namin na dapat na talagang tumigil. Pero hindi niya inalis yung kamay niya sa mukha ko.

“Mahal na mahal kita, Elle. Mahal na mahal.” He said that in hoarse voice. “Pero hindi pwede eh. Hindi pwede. Kaya magpapaalam na ako. Kakalimutan na kita.”

I felt his tear fell. Hinahawakan ko pa rin kasi yung mukha niya. And my heart almost broke into pieces with the thought of him crying just because of me.

“But before I go, I’ll say this one more time,” he kissed my forehead. “I love you.” Then, he was gone.

Tinanggal ko agad yung blindfold ko at napaupo ako bigla. Apektadong-apektado ako sa mga sinabi niya. Ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya sa akin. Pero bakit hindi niya ako pwedeng mahalin? Hindi ko naman siya pinagbabawalan. I’m not that bad para gawin yun. Pero ang gusto ko talagang malaman eh, sino ba talaga siya?

Bigla naman akong napahawak sa kwintas. It was very beautiful. Lumabas agad ako ng room. Kailangan ko siyang makilala. Kailangan ko siyang mahanap.

“Jen, sino yung lalaki na nakapartner ko?”

Nagkatinginan naman sila ng mga kasama niya.

“I’m sorry, Elle. Pero hindi pwede eh. Kung pwede nga lang eh hindi ka na kailangan pang magtanong at kami na mismo ang mag sasabi sa iyo. Pero hindi talaga pwede, Elle. I’m sorry.

Nanlumo naman ako. Totoo pala talaga yung sinabi niya. Walang makakapagsabi sa akin kung sino siya.

“Pero malalaman mo kung sino siya sa pamamagitan ng kwintas na yan.”

“What do you mean? Sinabi rin niya sa akin yan. Pero hindi ko naintindihan.”

They all smiled.

“He has the same necklace that you have.”

With that knowledge, umalis ako agad at naghanap ng lalaking may kwintas na tulad ng sa akin. But to no luck, wala akong nakita. And hirap maghanap. Ang dami-daming lalaki sa school na may suot na kwintas. Paano ko pa kaya siya mahahanap? Hinawakan ko naman yung kwintas ko.

“Who are you?”

Thursday, May 14, 2009

Elle Lopez - 5

(I'll edit this page if ever that I'll have time. I'm just so busy at the moment. I'm so sorry guys. I hope you'll understand. :) )

"Hi Ryan! Pwedeng tumabi?" I'm in love with Ryan. Pero hindi ako katulad ng iba diyan na kapag nalaman nilang in love sila sa taong yun, iiwas sila. Kasi ako, mas lalo pa akong lumalapit kasi gusto kong mas lalong makilala ang taong minahal ko.

"Sure. Dito ka ata nag snack ngayon?"

"Gusto ko lang. Wala ka bang kasama?" Napansin ko kasi na mag-isa lang siya.

"Meron naman. May pinuntahan lang sila."

Inoffer ko naman sa kanya yung carbonara ko.

"Gusto mo?"

"Kung oo, susubuan mo ba ako?"

He then gave me a mischievous smile. Hindi lahat ng tao eh nabibigyan ng chance na masubuan yung taong mahal nila.Kaya I took the opportunity.

"Here, have some." Nilapit ko sa kanya yung fork ko.

"Baka magalit yung mga admirers mo niyan."

"They won't. Sige na. Pakipot ka pa eh."

He chuckled. Sinubo naman niya yung food.

"Masarap ba?"

Tumango-tango siya.

I smiled.

"Alam mo, matagal-tagal na rin since the last time na may nagsubo sa akin ng food..."

Nakuha naman niya yung ibig kong sabihin. Tinignan niya ako ng nakaloloko and then sinubuan niya ako ng macaroni niya.

"Masarap ba?"

"Heaven..." Ah... Mainggit kayo! :D

"Ano?"

"Sabi ko, masarap. Parang heaven."

He laughed.

"You're naughty."

"So are you."

Then nagtawanan kami.

"Nagseselos na ako Elle."

"Ako rin. Kahit kailan ay hindi mo pa ako sinubuan."

Nakita ko yung apat na kolokoy. Sinimangutan ko naman sila. Panira sila ng moment!

"Bakti kayo nandito?"

"Wala na kasi kaming makita na maganda." Nag beautiful eyes naman si Rai kay Ryan. "Hi pogi."

Nagtawanan sila. Ako lang ang hindi.

"You're gross, Rai."

"Ok lang. May pogi naman akong katabi."

Natawa na lang ako.

"Baliw."

"So, anong ibig sabihin ng eksenang nadatnan namin kanina ha?"

"Wala."

"Wala raw. Tol, kayo na?"

He just laguhed. Nanlumo naman ako. Masama ba ang maging girlfriend ako?

"Of course not." Oo na. Kasi si jam ang mahal mo. Tanggap ko naman yun. Wala akong choice eh. Pero hindi ko ide-deny na hindi ako umaasa na sana, mahalin din niya ako. Wala namang masama sa umasa diba?

"We're just friends. Nagbibiruan lang kami kanina."

"Oo nga. We're just friend. Just friends. Kaya huwag na kayong mag-isip ng kung ano-ano diyan. Ang malisyoso niyo."

"Ryan!"

Lumingon ako.

"Ryan na pala ang pangalan mo ngayon, Elle?" Sabi sa akin ni Dustin ng pabulong.

"Shut up."

He just laughed.

"Excuse me, may pupuntahan lang ako."

Sinundan ko naman siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa ibang table.

"You're in love with him, aren't you?"

"JUSTIN CONTRERAS!" Bigla naman akong napatayo. Siyempre nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko naman ide-deny eh. Nagulat lang talaga ako.

Nagtaka ako kung bakit biglang tumahimik yung paligid. Pagtinign ko, nge... Napalakas ata yung sigaw ko. Nakatingin kasi sila sa akin na para bang nababaliw na ako. Pati si Ryan. Nakakahiya... Tinawanan lang ako ng apat.

"Pasensiya na mga kapatid. Gustong-gusto lang talaga ni Elle yung pangalan ko kaya sinigaw niya. Actually, hobby nga naming lima yung tawagin ang pangalan ng isa't-isa.

Then ginaya niya yung ginawa ko kanina.

"ELLE LOPEZ!"

"DANIEL PEREZ!" Sabi ni Dustin.

"DUSTIN CHAN!" Sabi naman ni Daniel.

"Uh... RAI VALDEZ??" Sabi naman ni Rai. Nagtawanan naman yung mga tao. Siyempre eh wala ng partner si Rai. Kaya tinawag nalang niya yung sarili niya.

"Thanks guys." Sabi ko pagkaupo namin. Nagbalik na rin sa kanya-kanyang gawain yung mga tao.

"Ikaw kasi eh. Masyado kang nagpapahalata."

"Masyado ba talaga akong obvious?"

"With the way you look at him,"

"Talk to him,"

"Smile at him,"

"And follow him with your eyes wherever he goes,"

Nagkatinginan sila apat.

"OO."

"And you don't mind?"

"Of course not! We're happy for you Elle. Sa wakas ay naka move on ka na."

"We just want to see you happy, you know. And I'm 100% sure na yun din ang gusto ni Dale."

"Speaking of Dale, may hindi pa pala ako nasasabi sa inyo."

"Ano naman yun?"

"Last friday, while Ryan and I were dancing..."

Tinignan ko kung may nakikinig ba sa usapan namin. Mahirap na, baka sabihin pa nila na nababaliw na ako.

"Nagpakita si Dale sa katauhan ni Ryan."

Naibuga ni Daniel yung iniinom niyang tubig, dumulas yung siko ni Dustin sa mesa, napanganga lang si Justin, and hinawakan ni Rai yung kamay ko.

"Elle, alam namin kung gaano mo kamahal si Dale at kung gaano ka nagdusa nung mawala siya. Hindi lang namin inaasahan na hahantong sa ganito yung sitwasyon. Gumising ka, Elle. Gumising ka. Wala na si Dale at hindi na siya babalik pa. Huwag mong hanapin yung katauhan ni Dale sa ibang tao. Lalong-lalo na kay Ryan. I think it's better na magpa consult ka na sa Psych--"

Tinapik ko yung kamay niya.

"Ano bang pinagsasbi mo? Hindi ako nababaliw ok? You know I don't like making up stories, and hindi ko hinahapa si Dale sa ibang tao. Lalong lalo na kay Ryan. My heart chose to love him because he's him and not because I see Dale in him. Ni hindi ko pa nga malalaman na in love na ako sa ibang tao kung hindi pa nagpakita si Dale eh. My thoughts were filled with his memories kaya ideni-deny ng isip ko na in love na ako sa iba. Pero hindi ang puso ko. Because everytime I see Ryan, my heart beats like crazy. Corny na kung corny. Basta yung ang totoo."

Ang taas ng sinabi ko. Pero yun naman kasi talaga ang totoo eh. I've already moved on. And si Ryan na ngayon ang tinitibok ng puso ko.

Bigla na lang akong napatayo kasi kinuha ni Justin yung kamay ko at niyakap niya ako.

"I'm so happy for you, Elle. Finally, naka move on ka na talaga."

Nakiyakap na rin yung tatlo.

I know that we're already creating a scene sa canteen. But we don't care. I'm just so lucky to have friends like them.

"Ako rin. Masya ako at naka move on ka na."

"Ang tagal naming hinintay itong araw na ito alam mo."

"And don't worrym kapag pinaiyak ka ni Ryan, sabihin mo lang at bubugbugin namin siya."

"Huwag naman. Mahal ko yung eh. But thanks guys."

"Anytime."

"Ang mabuti pa, umalis na tayo rito. Ang dami na kasing tumitingin sa pagbobonding natin."

"Mabuti pa nga."

"Ryan! Tol!"

Lumingin naman siya.

"Una na kami sa iyo."

"Sa amin muna itong prinsesa namin ha?"

"Magbo-bonding muna kami."

"Mamaya niyo na lang ituloy yung pag-uusap ninyo. Sa amin muna siya."

Tumawa lang kami ni Ryan. Kung makapagsalita kasi sila eh parang kami na ni Ryan and humihingi sila ng permiso sa kanya kasi kasintahan ko siya.

"O, sige."

"Bye, Ryan. See you sa third period!" Then I smiled at him.

"Bye, Elle." Kumaway siya and he smiled at me too.

Ginulo naman ni Justin yung buhok ko at inakbayan nila ako ni Rai.

"Mamaya na siya."

"Kami muna ang asikasuhin mo."

"Baliw. Isusumbong ko kayo sa mga girlfriends ninyo."

"Anong girlfriends? Wala kami nun."

"And kung hindi matatanggap ng magiging girlfriend namin na ikaw ang prinsesa ng buhay namin, we'll break up with them."

"Huwag naman. Ang harsh niyo ha."

"Talagang gagawin namin yun, Elle. We'll choose youm our friend, over them. Mas mahalaga sa amin yung pagkakaibigan natin kaysa sa kanila. Marami pa namang mga babae diyan. pero ikaw, nagiisa ka lang."

Yun din naman yung gagawin ko. Kung hindi matatanggap ng magigi boyfriend ko na close na close talaga ako sa kanilang apat, I'll break up with him kahit gaano ko pa siya kamahal. I treasure my friends a lot. They've been wiht me through ups and downs. Subok na namin ang isa't isa. And I know na kahti uugod-ugod na kami kung maglakad, mananatili pa rin ang pagkakaibigan naming lima.

***

"Go out with me this Saturday."

Umangat yung ulo ko mula sa notebook ko.

"Ano?"

Tama ba talaga yung narinig ko? Niyayaya ba talaga ako ni Ryan?

"I said, go out with me this Saturday. Let's go to the mall or to the beach or anywhere else na makakapag-relax ka."

Niyayaya nga niya ako!

"Bakit?"

"Bakit?" Kinuha naman niya yung notebook ko. "Because you've been working your butt out since last month pa para sa intrams. Parati ka nalang nasa student buddy room at nagtatrabaho. Kung wala ka rito, nakikita kita na palakad-lakad sa corridor kasama iyang notebook mo na parati mong binabasa. After class, sumisibat ka na agada at nagpupunta sa kung saan-saan. Nakikita ko na ganyan din naman kabusy yung apat. But they find time to relax, eh ikaw? Parati ka nalang nagtatrabaho. Hindi na ako magtataka na kahit sa pagtulog mo eh kasama mo pa rin iyang notebook mo at nagsusulat ng kung ano-ano. Kulang na lang eh magpakasal na kayo nitong notebook mo para hindi na kayo magkahiwalay pa."

Uminit naman yung ulo ko sa sinabi niya.

"Ano bang problema mo ha? Pakialam mo kung ganito ako magtrabaho? Eh sa kailangan kong tapusin lahat ng ito para sa intrams!" Inagaw ko naman yung notebook ko mula sa kanya.

"Anong pakialam ko? Kasi kaibigan kita! Ayokong makita na nahihirapan ka!" Inagaw naman niya ulit sa aking yung notebook ko at itinapon sa kung saan. "Look at you!" Hinawakan naman niya yung mukha ko. "May eyebags ka na. You look so tired already. Sabi sa akin nina Justin, hindi ka na raw kumakain ng maayos kasi mas inuuna mo pa yung trabaho mo. Ano ba Elle? Don't try to kil yourself!"

Hindi ko maintindihan kung ano man ang sinabi niya. Kasi yung attention ko eh nasa kamay lang niya na nakahawak sa mukha ko. He was caressing my face. And damn! It feels so good! It was heaven! And yung tibok ng puso ko, ayun, umandar na naman. Habang tinititigan ko siya, nakikita ko yung puso ko na nagpapaalam sa akin at papunta rito sa lalaking nasa harap ko. Soon enoguh, ryan was already tracing the contours of my face. Ang lakaslakas na ng tibok ng puso ko sa ginagawa niyang pagtingin sa akin. It wa slike he was seeing right through me. I gasped when he touched my lips. And then slowly, his face was coming towards my face without breaking eye contact. I closed my eyes. And then, we kissed.

Hindi ako makapaniwala. We're really kissing. I've dreamed of this day to happen. I just didn't expect na magkakatotoo. Yes, he isn't my first kiss. But still, the feeling was mind numbing. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Will I respond to his kisses? Pero parang hindi tama eh. Kaya lang, hindi ko na talaga kayang hindi sagutin yung mga halik niya. It's just so sweet. So I kissed him back.

"Elle kukini---"

We immediately stopped.

"Jam!" Ryan bursted out.

She looked shocked. And hurt. Para siyang iiyak.

"I-I'm sorry." Then she run away.

"Jam! Wait! I can explain!" Sinundan naman ni Ryan si Jam.

Naiwan naman akong nakatanga. I was just to mesmerized of what had just happened. Pumunta si Ryan dito para pagalitan ako and then we kissed and then pumasok si Jam who looked hurt of what she saw and then sinundan siya ni Ryan nung tumakbo siya paalis. The kiss, did it really happened? Nung nakita ko yung notebook ko sa floor, alam kong naangyari talaga yun. If Jam didn't come, I'll definitely think na may gusto sa akin si Ryan. Pero sinundan niya si Jam. Bakit? And what's with her look? Does it mean na may feelings pa rin siya kay Ryan? Then why did she broke up with him? Ryan said so himself na may gusto pa rin siya kay Jan. But why did he kiss me?

"Hi Elle!"

Nagulat ako sa pagpaso ni Rai. Tsaka naman ako natauhan. Lumabas ako at sinundan ko si Ryan.

"Hey saan ka pupunta?"

Ayoko ng may maraming tanong sa isip ko. I want to know the answers of all my questions. And masasagot lang lahat ng yun kung makikita ko si Ryan. But I don't have the slightest idea kung saan siya pumunta. Takbo pa rin ako ng takbo hanggang sa makarating ako sa auditorium. I heard voices. Pagpasok ko, I saw Ryan. Lalapitan ko na sana siya ng marinig ko siyang may kausap. Si Jam.

"I transferred here to have you back. I want you back, Jam. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin."

I froze. Alam kong mahal ni Ryan si Jam. Sinabi niya sa akin yun nuon pa. Pero dahil sa attetion na binibigay niya sa akin, akala ko unti-unti ko nang napapalitan si Jam sa puso niya. Pero sa mga narinig ko ngayon, nagkamalipala ako. Gusto konang umalis at pumunta sa isang lugar kung saan mailalabas ko ang sakit ng nararamdaman ko. But I can't get myself to do it. Parang may sariling isip yung mga paa ko and they chose to just stay.

"Really huh? So ano yung nakita ko kanina? You and Elle were kissing!"

"Aaminin ko, I did kiss her. But.. "
Yumuko naman siya. "That was just it."

That was just... it? And here I thought that it was the most wonderful thing that ever happened to us. Pero hindi pala kami pareho ng nararamdaman.

"Anong that was just it? You can't just kiss her beacuse you just want to! You love her! Don't deny it!"

"I don't love her! Ilang beses ko bang sasabihin yun sayo?"

Alam ko naman yun eh. Pero masakit pa rin pala na marinig yun galing mismo sa kanya.

"Eh bakit parati kayong magkasama?"

"Because I'm protecting her! Pagkatapos kong malaman yung nangyari sa kanila ni Dale, naawa ako sa kanya. She's still suffering a lot. That's why I swore to myself na poprotektahan ko siya. Elle's really nice. Alam mo yan. She doesn't deserve to suffer like that."

"But that's not enough reason kung bakit hinalikan mo siya."

He sighed.

"I kissed her because..."

"Because?"

"I'm sorry if I'm being a jerk of what I'm gonna say. Suntukin mo pa ako kung gusto mo. But the only reason I can think of as to why I kissed her is because..." Yumuko siya. "Is because she's too beautiful."

Silence passed by. Para akong nabingi sa narinig ko.

"You can punch me."

"You kissed her because she's too beautiful?"

"Yes, I'm attracted to her, alright. Who wouldn't Jam? That's why I kissd her. But that's just it. I'm just attracted to her. I don't love her. It's you that I want. It's you that I love. Not her."

I've gone throught a lot of things. From the death of my mother, sa pagtakwil sa akin ng papa ko, and sa pagkamatay ni Dale. Hindi biro yung sakit na naramdaman ko nung mga panahon na yun. Kaya sibugro ngayon, dahil sa pagod na talaga akong pasaktan, my heart chose to just shut down and not feel anything. I'm just tired you know. So tired...

"E-elle," Lumingon pala si Jam sa direction ko.

Lumingon din si Ryan.

"Elle,"

When I heared him say my name, namalayan ko nalang na naglalakad yung mga paa ko patungo sa kanila.

Tinignan ko si Jam.

"Here,"

Inabot ko yung panyo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ko ito ginagawa. It seems like wala na akong control sa katawan ko.

She looked confused.

"My hanky. Punasan mo yung mga luha mo. I don't want to see my friends crying. And there's no reason for you to cry like that after all..." Pumiyok na talaga yung boses ko.

"E-elle..." Tumulo na naman yung luha niya.

"Sige, goodluck to the both of you." Pero kay Jam lang ako nakatingin. Pinigilan naman ako ni Ryan sa kamay nung papaalis na ako.

"Elle," Yumuko naman ako nun. Ryan... Pano mo ito nagawa sa akin?

"Ilang besses na akong nasaktan. Ilang beses na rin akong umiyak. Sa dinamirami ng problemang pinagdaanan ko, I've grown tough. Tinuruan ako ng panahon kung paano maging matatag. Kaya kong kalimutan lahat ng nangyari noon. Mahirap pero kaya ko. Kaya hindi ko kailangan ang tulong mo. Hindi ko kailangan ang protection na sinasabi mo. At higit sa lahat," Binawi ko naman yung kamay ko. "Hindi ko kailangan ang awa mo."

Then umalis na ako.

I know that I should be mad at him. Pero wala eh. My love for him is too strong para magalit ako sa kanya. Alam ko na sa pag-alis ko sa lugar na ito, tuluyan ko ng iiwan yung puso ko sa kanya. Masakit, masakit na masakit. Sa sobrang sakit, wala na akong maramdaman. But I want him to be happy. And I know that in his dictionary, his definition of happy is Jam. Unlike with me, magiging masaya talaga siya sa piling ni Jam. Unlike with me, hindi siya magkakaroon ng maraming problema kapag si Jam ang kasama niya. But unlike with Jam,

Hindi niya ako sinundan katulad ng ginawa niya kay Jam.

Tuesday, April 28, 2009

Elle Lopez - 4

"Elle bumaba ka na diyan! Male-late ka na sa appointment mo!"

"Opo tita!"

Dali-dali ko namang sinuot yung sandals ko and then kinuha ko na lang yung white purse at dress ko.

"Ma, pa, alis na po ako. "Sabi ko sa lola at papa ko nung makababa na ako. Tumango lang sila. I sighed. They never cared about me at all.

"O Elle. Halika na at baka ma-traffic pa tayo."

Then sinundan ko na yung tita ko sa kotse niya. Namatay na yung mommy ko nung bata pa lang ako. And since then eh si Tita Arnie na kapatid ni mommy ang tumatayong ina ko.

"Huwag mo ng intindihin yung mama at papa mo. Wala lang sila sa mood."

Tumango na lang ako. Parati naman silang wala sa mood kapag ako yung concern.

"Thanks tita at sinamahan niyo po ako Pero hindi naman po talaga kailangan. Kaya ko naman po eh."

"Sus, ayan ka na naman. Gusto kong samahan ka. Siyempre gusto kong makita kung gaano kaganda yung pamangkin ko. Although maganda ka pa rin kahit walang make-up."

I smiled.

"Thanks tita." Kung wala yung tita ko, baka matagal na akong lumayas sa bahay.

In a couple of minutes eh dumating na kami sa salon.

"Pretty Elle! Kumusta ka na? Ang taray mo naman! Lalo ka yatang gumaganda ah!"

Hinalikan ko naman si Mimi. Siya ang official na nag-aayos sa akin kapag may mga ocassions. Close na rin kami niyan. Kaya nga "Pretty Elle" na yung tawag niya sa akin.

"Ok naman. Eh ikaw? Lalo tayong sumiseksi ah."

He's gay, alright. Pero talbog pa niya yung ibang babae sa kaseksihan.Kung hindi lang siya magsasalita, mapagkakalaman mo talga siyang babae.

"Ay siyempre! Para mas maraming papa! "Nagtawanan naman kami.

"Make her the most beautiful girl in town, Mimi."

"Ay, hindi lang in town, ma'am, kundi in the whole world pa talaga!"

Napailing na lang ako.

Sinimulan na akong lagya ng make-up no Mimi. Light lang naman. Pagkatapos ng make-up eh inayos yng hair ko. He just blowdried my hair. Mas maganda raw kasi na nakalugay nalang yung hair ko. Tutal maganda naman daw yung buhok ko. And believe me or not pero natural na maypagka reddish, brownish, and blackish yung buhok ko. Afetr that, sinuot ko na yung dress na binili ni Tita Arnie. Sabi ko nga sa kanya na sana eh nanghiram na lang kami para hindi dagdag gastos, pero sinuway lang niya ako. When I looked at the mirror after kong suotin yung dress, weel, mukha pa naman akong tao. I thanked Mimi and then umalis na kami.

6:00pm pa yung party and 5:30pm pa lang. So I think hindi ako male-late sa lagay na yan. Nung nakarating na kami sa harap ng gym kasi pinasok ni tit yung car, ano pa ba ang makikita ko kundi mga tao na naka formal attire?

"O sige, pumasok ka na at magsisimula na yung party."

"Thanks, tita. Ingat." Then I kissed her on the cheeks.

"Enjoy."

Paglabas ko ng kotse eh nagtinginan yung mga tao sa akin. Oo na, wala nga akong partner. Pero pumunta pa rin ako. No one can stop me.

Nakit ako naman sina Justin and Claire na papalapit sa akin. Sila pala ang magkadate?

"Elle! You look gorgeous!"

"Thanks Claire. Ikaw din. Bagay na bagay kayo ni Justin."

Tumawa lang si Claire nun and tinignan lang ako ni Justin.

"San yung date mo?"

"I don't have one."

"Ngee, tinuloy mo talaga yung balak mo ha."

I just smiled.

Pumasok na kami sa gym nun dahil magsisimula na yung party. Sa may unahan yung table namin kasi doon uupo yung mga student buddy members kasama yung mga dates nila.

Pasimple naman akong lumilingon para hanapin siya. Pero hindi ko talaga siya nakita. Nag-short program nun, nagkainan, and then, pinatay yung mga ilaw at nagsimula na yung dance.

Sinayaw ako ng apat, ng iba kong classmates, at ng ibang yearlevels. Nag-eenjoy naman ako pero sumasakit na yung paa ko kaya tinanggihan ko muna yung mga nag-aalok. Nag-play naman yung "So Close" ni Jon Mclaughlin. Ang dami ngang pairs sa dance floor eh. And sweet nilang tignan. And honestly, naiinggit ako. Kung andito lang sana si Dale...

"Can I have this dance with you, Elle?"

I looked at him. He was offering his hand to me. Madilim nun poero dahil sa ilaw na nililikha ng mga disco lights, nakita ko kung gaano siya kagwapo.

Inabot ko yung kamay niya and pumunta kami sa dance floor. Nilagay niya yung kamay ko sa balikat niya and yung kamay naman niya sa baywang ko. And then we danced.

You’re in my arms
And all the world is calm
The music playing on for only two
So close together
And when I’m with you
So close to feeling alive

Ang ganda talaga ng kanta. Hindi ko ma-explain ng mabuti. Parang may magic kasi yung kanta. Ang ganda talaga.

"Are you enjoying the night?"

"Of course. Ikaw?"

"I do. Pero hindi pa complete yung gabi ko."

"Bakit naman?"

"Because I haven't danced with her yet."

Alam kong si Jam yung tinutukoy niya. Hindi ko alam kung bakit pero medyo sumama yung loob ko. Kaya tumango na lang ako.

A life goes by
Romantic dreams will stop
So I bid mine goodbye and never knew
So close was waiting, waiting here with you
And now forever I know
All that I wanted to hold you
So close

"Thank you nga pala sa ginawa mo the other day."

"You already said that."

"Still, gusto ko pa rin magthank you."

"Okay. You're welcome."

So close to reaching that famous happy end
Almost believing this was not pretend
And now you’re beside me and look how far we’ve come
So far we are so close

"By the way, you look exceptionally beautiful tonight."

Maraming nagsabi na ang ganda ko raw ngayong gabi. Pero yung cmpliment lang ni Ryan ang na-appreciate ko ng husto.

I smiled at him

"Thanks. Ikaw din."

"You mean, maganda rin ako?"

"Oo." I smiled.

He smiled too. And muntik na akong hindi makahinga. He's just so handsome.

Nung last, last year na acquaintance party, na-play din yung "So Close" na song. And si Dale yung kasayaw ko nung time na yun. Natatandaan ko na ang saya-saya ko nung time na yun. Being in his arms while dancing to the flow of the music felt so great. It's like ayoko nang matapos ang gabi na yun. I wanted to experience that feeling forever. And now, si Ryan na ang kasayaw ko. And I'm feeling what I felt with Dale. Tama ba ito?

I sighed.

Yumuko ako. And nung inangat ko yung mukha ko para tignan siya, I stpped right dead.

"Dale..."

He smiled at me. Yung smiled na parati niyang binibigay sa akin noon. The smile that I've learned to love. Panaginip lang ba ito? Nung hinawakan ko yung mukha niya, he felt so warm, so real. Then hinawakan niya yung kamay ko.

"Elle, ayoko ng makita na nahihirapan ka. It's been two years already. It's time for you to move on. I want you to move on. Gusto kong makita ka na nakangiti. Na masaya. Find another guy na mamahalin mo at mamahalin ka rin. Although sa tingin ko ay nakita mo na siya. Basta tandaan mo, I'll always be here by your side watching you and guiding you. And remember," He kissed my forehead and touched the tip of my nose. Just like what he always do before. Then napapikit ako. "I'll always love you."Then tumulo na yung luha ko.

"Dale..."

"Elle?"

Pagdilat ko, wala nang Dale. But instead, Ryan is looking at me with concern in his eyes. Tumibok na naman yung puso ko. And this time, alam ko na kung bakit. Beacuse I've fallen in lovw tih him. Minahal ko siya ng hindi ko namamalayan because I was so caught up with what happened to Dale. But now na nagpakita pa talaga si Dale para lang sabihin na kailangna ko ng mag-move on, nagising na ako. Nagising ako sa katotohanang wala na si Dale at umiibig na ako kay Ryan. I really don't don't know how that happened. Occupied yung isip ko kay Dale pero yung puso ko pala eh iba na ang tinitibok. Kaya pala kahit noon pa man eh nararamdaman ko na itong nararamdaman ko ngayon. Kaya pala nasaktan ako nung nalaman ko na mahal pa niya si Jam. Kasi kahit noon pa man, mahala ko na si Ryan.

"Hey, why are you crying?"

With the concern that I'm seeing in his face right now, alam kong hindi nagkamali yung puso ko sa pagpili sa susunod kong mamahalin. Masaya ako na nakamove on na ako ky Dale at si Ryan na ngayon ang tinitibok ng puso ko. Pero, hay, may mahal na siyang iba.

"N-nothing. I-I just remembered someone."

"Sino?"

"Si Dale."

"Huh? Dale? Yung kapatid ni Justin? Bakit? Anong ginawa niya sayo? Sabihin mo! Sinaktan ka ba niya? Ano? Uupakan ko talaga siya Elle!"

Nakikita ko na seryoso talaga siya sa sanabi niya. I just gave him a weak smile.

"You can't."

"He's already dead.
"

***

"Ryan? Gising ka pa ba?"

"Yes, ma."

Pumasok naman sa kwarto ko si Mama t umuo sa tabi ko.

"Did you enjoy the party?"

"Yeah."

"Mabuti naman. Did you dance with Jam?"

"No."

"Bakit naman?"

"Uhm, something came up."

My mother just gave me a smile.

"O, sige na. Matulog ka na. Madaling araw na."

"Goodnight, ma."

Goodnight Ryan.

Pagalis ni mama eh nahiga ulit ako sa kama at tumingin sa kisame. Hindi mawala sa isip ko si Elle at yung mga sinabi niya. Pumunta kami sa garden pagkatapos naming sumayaw at doon niya ikinuwento and tungkol sa kanila ni Dale.

She met Dale nung first year pa lang siya. Third year na si Dale nun. Pareho silang nasa varsity ng badminton team. Kapag may mixed doubles na laro, sila yung pinagpapartner parati. Nagpa-practice din sila together. Pero mailap si Dale sa mga girls. Pero dahil gusto talaga siya ni Elle, ginawa ni Elle lahat ng paraan para makalapit at maging kaibigan si Dale. Lapit siya ng lapit pero iwas naman ng iwas si Dale. Hanggang sa sinabi ni Dale yung reason kung bakit siya umiiwas sa mga babae. He was sick. May cancer siya. Ayaw niyang ma-in love at ayaw niyang may ma-in love sa kanya. She thought that what he said was stupid. Sinabi niya na wala siyang pakialam kung may sakit man siya. Aalagaan daw niya ito. And ngayong nalaman daw niya na may taning na ang buhay nito, mas hindi daw talaga siya iiwas. Ang katwiran niya, kung ganyang konti na lang pala ang natitira sa buhay nito, she should make the most out of it while he's still breathing. Sa konting panahon daw na iyon, gusto niyang mas makilala ng mabuti si Dale. At nung sinigaw ni Elle sa buong school kung gaano niya kamahal si Dale, duon na daw natapos ang kanilang habulan. Because the moment that Dale threw his arms around her, nalaman niya na mahal din siya ni Dale. Natatakot lang daw ito na masaktan ang babaeng mahal nito. Sa dalawang taon na magkasama sila, wala na silang ibang hiningi kundi ang dugtungan pa ng diyos ang buhay ni Dale. Pero hindi nangyari yun. Because Dale died. Ang masakit, he died in her arms. At nakita ng lahat ng tao sa school kung paano niya iniyakan ang pagkawala ni Dale. Nasaktan daw siya ng sobra kasi wala siyang magawa para sa lalaking mahal niya. Since then, she had been distant sa mga tao. Epecially sa mga boys. Ayaw kasi niyang marinig na pinaguusapan nila yung tungkol sa pagkamatay ni Dale. Ayaw pa niyang mag move on. Hindi pa niya kaya. Pero naging malapit pa rin naman daw siya kina Justin, Dusting, Daniel, at Rai. Magkakabarkda raw
kasi sila ni Dale. And while we were dancing, nagpakita si Dale through me saying that she should already move on. Na ayaw na nitong makita na malungkot si Elle. Since first day, alam kong may malaking problema na dinadala si Elle dahil sa lungkot na nakita ko sa mga mata niya nung nagkaklase kami and dahil sa pagkamailap niya sa mga tao. Now I know why.

I sighed.

I know she's still suffering a lot. Hindi man siya umiyak nung ikinukwento niya sa akin yun, ramdam na ramdam ko pa rin yung lungkot na nararamdaman niya. Kaya niyakap ko siya. And there, I suddenly felt na gusto ko siyang protektahan. Na gagawin ko ang lahat makita lamang siyang masaya. I don't know what made me want to do it. Maybe because having her in my arms felt so great. Nah. That's stupid. I can't possibly want to protect her just because of that reason. But I can't think of anything else.

I sighed again.

Yeah. Having her in my arms felt so great. So wonderful. So perfect. Nung first time na niyakap niya ako nung nireject ako ni Jam, nagulat ako. Not because of what she did but because of a certain feeling na hindi ko mapangalanan. And when I hugged her back, nawala lahat ng sakit na naramdaman ko. At kanina, nakatulog siya. And men! She slept in my arms! I felt so needed. So contented sa simpleng paghaplos sa buhok niya. So happy that she's in my arms. I felt so... so peacful. Yeah. Yung nga. And with that, nakatulog din ako. Nagising lang akotwo in the morning with Elle still sleeping in my arms. And when she opened her eyes and smiled at me, I felt my heart thumping like crazy. Natulala pa nga ako. I don't know why. Bigla ko na lang naramdaman yun. Then hinatid ko na siya sa bahay nila. And nung paalis na ako, tinawag niya ako and then she kissed me on the cheeks. She said thanks and then pumasok na siya. Siyempre nagulat ako. Kaya umuwi ako na lumulutang ang isip.

Until now.

I touched my cheek.

It wasn't the first time that I was kissed by a girl. But it was the most intimate kiss that I've ever expereinced in my entire existence. It was the sweetest too. Sa cheeks lang yun pero iba eh. Iba talaga. And with me touching my cheek while thinking about Elle, her hugs, and her kiss,

I fell asleep.

Saturday, April 25, 2009

Elle Lopez - 3

Dumiretso ako sa Gym pagalis ko sa SB. And right now eh naglalaro ako ng basketball ng mag-isa. Nag-eenjoy talaga akong laruin ang larong ito. Nakikipaglaro rin ako ng by team. Pero hindi always. Mas enjoy kasi ako ng ako lang. Pawis na pawis na nga ako eh. Dribble, then shoot. Dribble, then shoot. Nag-try akong mag 3 piont shot, and then,

Pasok!

"Nice."

Laro pa rin ako ng laro ng may narinig akong pumalakpak. Si Ryan. Mukhang kakatapos lang niya maglaro.

"You're good."

"Thanks."

"Bakit mag-isa ka lang?"

"I prefer to play solo kaysa makipagbungguan sa ibang players."

"Pero mas enjoy naman kung marami kayo."

Nagkibit lang ako ng balikat. Magkaiba kami ng opinion. So it's no use na ipaglaban ko pa yung sagot ko. Nag-shoot ako ulit. Pasok again.

"Can I play with you?"

"One on one?"

"Yeah."

"Okay."

"Great. So ano pang hinihintay natin? Let the game begin."

Then naglaro kami. Men! Mali yata na nakipaglaro ako sa kanya. Because there's no denying na magaling talaga siya. Pero siyempre, hindi ako papatalo.

Nakakainis lang minsan kasi kapag nasa akin na yung bola and he blocks my way, nginingisihan niya ako. Tuloy, nawawala ako sa concentration ko. Kaya naaagaw niya yung bola.

One minute to go nalang at tie na yung score namin. Yep. Tie. Sabi ko nga diba na hindi ako magpapatalo. I've been playing this sport ever since fifth grade.

Hindi ko lang inaasahan na yung time na magsho-shoot siya at tumalon ak para agawin yung bola, nadaganan niya ako pagkababa niya. Kaya napahiga kami sa floor. Naramdaman ko naman na sumakit yugn likod ko.

"Ow."

"Ok ka lang?"

Nagulat ako kasi nasa ibabaw ko siya ang ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Sisigaw na sana ako ng makita ko yung expression ng mukha niya. Concern was writen all over his face. Kaya natameme ako. And my, mas gwapo pala siya sa malapitan. I was looking at him ang he was looking at me. And andun na naman yung malakas na tibok ng puso ko. I don't knwo why pero gusto ko yung feeling habang tinitignan ko siya. There's something about it na hidni ko lang ma-explain. And it's a shock na hindi ako nagrereklamo sa bigat niya. I actually like it.

"Ehem."

Nagulat kami parehas kaya napalayo bigla yung mukha niya sa akin and tumayo na siya. Siyempre tinulungna din niya akog tumayo.

"I just want to remind you na bawal ang x-rated dito. "Si Rai.

Binatukan naman siya ni Daniel.

"Loko ka, bro. Nagkakahiyaan na nga sila, sinegundahan mo pa. "Alam kong namumula na yung mukha ko. Hindi dahil sa pagod kundi dahil sa nangyari.

"Nakakadalawa ka na sa araw na ito bor, Sumosobra ka na." Nag-attempt naman siya na batukan din si Daniel.

"Ano bang ginagawa ninyo rito?"

"Nakakaistorbo ba kami? Sorry. Sige, ituloy na ninyo yung ginagawa ninyo." Si Dustin. Then narinig ko yung binulong niya."Kung ano man iyon,"

"We were just playing."

"Okay."

Pero halata pa rin na hindi sila kumbinsido. They were all smiling like crazy now.

"It's true!"

"Ok nga. Huwag kang defensive. Nagpapahalata ka tuloy."

"Shut up Rai."Tumawa lang siya.

"Totoo yung sinabi ni Elle. We were just playing ng magkaroon ng aksidente. Kaya yun..."

Again, they all just smiled. Loko talaga ang mga 'to.

"So, ano na pala ang score?"

"It's a tie."

Tinignan ko siya.

Tinignan din ako niya.

Then yumuko kami parehas.

"I can smell something in the air..."

"Yeah, amoy pawis. Kaya aalis na ako bago pa ako himatayin sa mga amoy ninyo."ero hindi naman talaga totoo yun. Acutally, ang bango pa rin nilang lahat kahit pawisan na.

"Ang sama mo, Elle. Ang bango-bango ko kaya. Hmm... Amoy pawis!"

"Rai Valdez, kailan ka ba titino?"

"Hindi na. Kasi kapag nangyari yun, magiging boring yung mga walang kulay ninyo na mga buhay."

"Talaga? Hmm... Sabagay."

"Kaya bayaran na ninyo ako. Aba, ang hirap ata magpatawa. Kailangan ko ng talent fee. So, ano na? Bayad na."

"May bayad pala yun? Oh sige, promissory note muna. Wala na akong pera."

"Ako rin wala na."

"Same here."

"Ako meron. Kaso maghahanap pa ako ng bagong entertainer. Yung walang bayad. So wala na rin pala akong pera."

"Ang labo ninyo."

"Ikaw din naman ah!"

"Hindi kaya. At wala na kayong makikita pa na bagong entertainer. Nag-iisa lang ata ako."Then nag-pose siya na pinapakita yung muscles niya sa braso. Anong connect??

"May ganyan din ako! Mas malaki pa! See?"

"Oi, oi, oi. Ano yan? Muscle yan? Hindi yan muscle! Ito ang muscle."

At nagkanya-kanya na sila ng payabangan ng muscles. Except for Ryan kasi tinatawanan lang niya yung apat na kolokoy. Then tinignan niya ako.

"Don't expect me na mag-pose ng ganyan. Hindi pa ako nasisiraan ng bait."

He chuckled.

"I don't. I just can't believe na members sila ng student buddy. Ang gulo kasi."

"Kayong apat diyan. Umayos nga kayo. Narinig niyo yung sinabi ni Ryan? Baliw daw kayo."

"Hindi naman yan yung sinabi niya ah."

"Oo nga."

"Yun kaya. Bingi lang talaga kayo."

"Hindi kaya. 20-20 kaya yung vision ko."

"Anong connection?"

"Wala. Yun lang talaga yung gusto kong sabihin."

"Ewan ko sa inyo. Aalis na nga lang ako. Bye Ryan."

"Bye Elle."

"Paano kami?"

"Wala."

"Bakit??"

"Kasi cute ako."

"Ganun ba? Oh sige, umalis ka na."

"Mag-ingat ka sa daan ha?"

"Sumulat ka, Elle!"

"Mamimiss mo ako!"

And umalis ako ng gym na tumatawa. Napailing na lang ako. Sabagay, kung wala sila, hindi siguro akomakakatawa ng ganito.

Kinuha ko lang yung bag ko sa room then pumunta na ako sa CR at nagbihis ako. Matagal-tagal din akong nag-stay dun. Umupo lang ako sa lababo at nag-isip ng kung ano-ano. Paglabas ko, madilim na. Pero hindi ko pa rin naiwasang makita ang dalawang tao na nakatayo malapit sa mga lockers. Ryan and Jam. From this view, it was pretyy obvious that they were having a serious talk. Jam was the one talking and nakayuko naman si Ryan na tumango-tango. Hinawakan ni Jan yungmukha niya and then, she left.

I got curious. Lalo na nung sinandal ni Ryan yung braso niya sa wall at sinandal niya yung ulo niya doon. Nilapitan ko naman siya.

"Hey, ok ka lang? "Ano ba Elle. Obvious namna na hindi.

"No." Kita mo na?

"Sinabi mo sa akin nuon na gusto mo akong maging kaibigan diba? And tinuri na rin kitang kaibigan. Kung ok lang sayo, handa akong makinig. What are friends for naman diba?" Tinignan niya ako sandali. And then binalik niya sa pagkakasandal yung ulo niya.

"I've known Jam for a long time ago. Tulad ng sinabi niya noon, we're neighbors. We shared each other's secrets and problems. Naging sobrang close kami kaya hindi naiwasan na mahulog yung loob namin sa isa't-isa. So we got together. We were very happy back then. We were inseperable. I couldn't ask for more. But one day, bigla na lang siyang nanlamig sa akin. I confronted her. She said that she fell out of love with me. At that time naitanong ko sa sarili ko na, "Is that possible?". Parati kaming magkasama then bigla na lang mawawala yung damdamin niya para sa akin? Then she broke up with me. Yun na yung pinakamasakit na naranasan ko sa buhay. Pati pagkakaibigan namin ay nasira. Nag-transfer siya ng school and we wee avoiding each other. Kaya nga kahit neighbors kami, hindi kami nagkikita. I wanted to move on. Pero hindi ko kaya. So I transferred here because I want her back. But she's treating me like a stranger. Na parang wala kaming pinagsamahan. Kanina, I asked her to be my date sa party, but she rejected me."Bumuntong hininga siya tapos humarap siya sa akin. "I just don't know what else to do to win her back. Life without her is just so painful. I love her."

Habang sinasabi niya yun, damang-dama ko yung sakit na nararamdaman niya. And ayokong nakikita siyang nasasaktan. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan na makita siya sa ganitong sitwasyon. Kaya ginawa ko ang isang bagay na kahit sa panaginip ay hindi ko aakalain na magagawa ko.

I hugged him.

Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Pero pinabayaan lang niya ako.

"I know the feeling of losing someone you love so much. Kaya alam ko kung anong nararamdaman mo. Narinig ko na nakakapagpagaan ng pakiramdam ang isang hug. So kahit man lang saganitong paraan eh mabawasan yung sakit na nararamdaman mo. Ayokong makakita ng taong nasasaktan. Lalo na sa mga kaibigan ko. So, "Tinignan ko siya. "ayokong makita ka na nasasaktan. Just smile ok? Problema lang yan. Masosolusyunan din yan. Tutulungan pa kita. Then I smiled at him. He lookd like he's going to cry. And I find that cool in a guy. Then, he gently pulled me to him."

"Thank you."

***

Pagkaalis ko sa bahay eh dumiretso na ako sa kwarto ko at nahiga na agad ako. Hindi na ako kumain kasi wala akong gana.

"Did he really hug me?"

Naramdaman ko na naman yung mabilis na tibok ng puso ko. And uminit naman yung mukha ko. I love the feeling of being in his arms. I felt so peaceful, so secured, so proud na nung time na nangangailangan ng kaibigan si Ryan, nandun ako. I felt special too. Alam kong hindi ako dapat makaramdam ng ganito. He only did that out of gratitude. Pero hindi ko talaga magawang suwayin yung sarili ko. Hindi ko maiwasan na kiligin. After two years, ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong feeling. Ang sarap. Kaya after two years din, ngayon lang ulit ako nakatulog ng may ngiti sa mga labi. :)

Blog Template by YummyLolly.com - Header made with PS brushes by gvalkyrie.deviantart.com
Sponsored by Free Web Space