Monday, May 31, 2010

Elle Lopez - 13

He loves me. He really loves me! Pero bakit kailangan pa niyang umalis? Bakit kailangan pa niyang sabihin sa akin na hindi niya ako mahal at hindi na niya ako gustong makita pa? Bakit?

Ang dami kong tanong sa isip ko. At pagod na pagod na rin ako na nananatiling unanswered ang mga yun. So sinundan ko siya.

"Ryan!"

Alam kong narinig niya ako kasi hindi pa naman siya nakakalayo sa akin. Pero hindi siya lumingon. Nakita ko naman na binilisan niya ang paglakad niya.

"Ryan! Mag-usap tayo!"

Hindi pa rin siya nakining at tuloy-tuloy sa paglalakad na ngayon eh tumatakbo na talaga. Tumakbo din ako. Kailangan ko siyang mahabol.

Ano ba ang problema nito at ayaw niya akong maka-usap?

"Ryan tumigil ka!"

Wala pa rin. Takbo pa rin siya ng takbo. Ang bilis nga niya eh. Pero kailangan kong makahabol. Kung kanina eh konti lang ang pagitan namin, ngayon eh masasabi ko na malayo na talaga siya sa akin. Dumaan kasi siya sa hallway kung saan maraming tao so kailangan ko pang makisiksikan.

"Hi Elle---"

"Move! Ryan!!"

Napansin na siguro ng mga tao na nhinahabol ko si Ryan kaya bigla nalang silang pumunta sa sides para makagawa ng way at ng mabilis ko pang mahabol si Ryan.

"Thanks guys!" then tumakbo na ulit ako.

Hindi ko na makita ni anino niya pero hindi pa rin ako tumigil hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa main gate ng school. Lumabas naman ako. Pagtingin ko, I saw him at the other side of the road. Papasok na sana siya sa sasakyan nila ng tinawag ko siya.

"Ryan! Mag-usap tayo!"

Natigil siya sa pagpasok. Akala ko kakausapin na niya ako. Pero nakita ko nalang siya na pumasok sa sasakyan ng hindi man lang ako tinitignan at naiwan akong nakatanga habang nakikita ko ang papalayong sasakyan nila. He's gone.

"Bakit ayaw mo akong kausapin Ryan? Marami ka pang dapat ipaliwanag sa akin. Ang sabi mo, mahal mo ako. Pero bakit mo ako iniwan...?"

Nanghina na ako kaya bigla akong napasandal sa wall. Then may naramdaman akong pumatak sa pisngi ko. Akala ko umuulan pero pagtingin ko sa sky, maganda naman ang panahon. Tsaka ko lang narealize na hindi pala patak ng ulan yun kundi patak pala ng luha ko. Umiiyak na pala ako. Pero pinunasan ko agad yun. Hindi na ako iiyak.

"Alam kong may dahilan ka kaya ka umalis Ryan. Maghihintay ako sa pagbabalik mo. Kahit gaano pa katagal yun, maghihintay pa rin ako."

***

Time really flies fast. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Pero hindi. Because it had been years since that happened. Three years to be exact. And until now, naghihintay pa rin ako sa kanya.

Yes, naghihintay pa rin ako sa kanya. Bakit? Kasi may tiwala ako sa kanya na babalik siya. Alam kong babalik siya.

Kung sa pagbalik niya eh babawiin niya sa akin yung sinabi niya na mahal niya ako, okay lang. I wouldn't hold a torch against him. Masasaktan ako, oo. Pero masaya pa rin talaga ako na siya ang minahal ko.

By the way, Bachelor of Arts in Multimedia Arts (ABMMA) ang course na kinuha ko and third year college na ako ngayon. Hmm? Parang kahapon lang talaga noh na fourth year ako at iniyakan ko ng todo yung Ryan na yun. HAHA. :))

Yung lima pala, ayun, pareho kami ng campus na pinapasukan. Pero hindi nga lang talaga kami always nagkakasama kasi iba-iba yung fields na tinatahak namin. Si Justin, Bachelor of Arts in Consular and Diplomatic Affairs (AB-CDA). Si Dustin, Bachelor of Science in Business Administration major in Business Management (BSBA-BM). Si Daniel, Bachelor of Science in Information Technology (BS-IT) with Specialization in Game Design and Development. At si Rai naman, well, Bachelor of Science in Nursing (BSN) lang naman ang kinuha. Oo. Nursing nga ang kinuha niya. Nung nalaman ko at first, tawa ako ng tawa. I can't imagine Rai wearing that white uniform while addressing the needs of the sick. Parang hindi fit sa pagkatao niya. Eh baliw yun eh. :)

Kung iisipin, parang kagalang-galang na ang apat na yun. Sa mga course ba naman na kinuha, mapapaisip ka talaga. Pero sa totoo lang, nananatili pa ring kurimaw ang apat na yun. Wala pa rin pinagbago. Baliw pa rin. :)

Nagkatuluyan nga pala sina Claire at Justin. Gulat kayo? Ako hindi. Hihi. Pag-alis kasi ni Ryan, nag-usap kami ng masinsinan ni Justin. Tinanggap naman niya lahat ng explanations ko and hindi na nagpumilit pa. Kaya ngayon, he's so much in love with Claire.

Si Rai, may girlfriend na rin. Yep! Meron nga! And guess who. Si Jam! HAHA! Hindi nga kami makapaniwala lahat nung sinabi ni Jam sa akin na nililigawan siya ni Rai. Yung lalaki na yun sobrang daldal sa ibang tao pero pagdating kay Jam, wala! T-O-R-P-E. Hahaha! Pero hindi na siguro nakatiis kaya sinabi na niya and now nga, girlfriend na niya si Jam. :)

Si Daniel and Dustin naman, ayun, parating nag-iiba ang mga GFs. Playboy na playboy na talaga. Pero wala kaming magagawa kasi buhay nila yun at nag-eenjoy naman sila sa ginagawa nila. BOW. :)

Ngayon pala ang intrams ng Clarkson. So ngayon eh papunta na ako dun. Balita ko eh maraming kabatch namin ang pupunta. Kaya excited na akong makita silang lahat. Nakakamiss talaga ang high school days. :)

Pagpasok ko sa gate, ang dami kong memories na naalala sa school na yun. Yung mga friendships na nabuo, yung mga kababawan ng isa't isa, yung mga iba't-iba kalokohan at kasiyahan. Nakakamiss talaga.

Then bigla kong napansin yun. Weird. Pero bakit may mga ganun? Ngayon lang ata nangyari ito sa intrams ng Clarkson na may mga ganito na nagkalat sa paligid. Weird...

...pero and daming nagkalat na Red Rose petals sa paligid.

Marami nga ang tao, pero they weren't stepping on the petals. Pumupunta nalang sila sa sides para hindi matapakan. Kaya nagmukha tuloy akong ewan sa gitna ng mga tao. Kaya dali-dali akong pumunta sa sides. Weird talaga.

Hindi ko alam kung saan kami magkikita. Hindi ko rin naman sila macontact so naglakad-lakad nalang ako at inenjoy ko yung view.

Kung wala sanang bumabagadag sa akin na sundan ang path ng petals, mae-enjoy ko talaga ang view. Pero naman! Nakaka-curious talaga kung saan ito papunta. At dahil isa akong dakilang chismosa (kahit hindi halata. ΓΌ), sinundan ko yung path.

Siyempre hindi ako sa gitna dumaan. Sa sides lang ako. Sinundan ko yun ng sinundan hanggang sa mapansin ko na wala ng ibang tao ang lumalapit sa way ng petals. Gusto ko na sanang bumalik. Sinasabi ng utak ko na mali ang ginagawa ko. But there's a voice inside my heart that urges me to go on. So in the end, I followed my heart. Then nalaman ko kung saan papunta yun.

Sa Music room.

This time, nagkasundo ang mind and heart ko sa isang bagay. Ang pumasok sa room. And that's what I did.

Na-remember ko yung time na dinala ako dito ni Ryan. Yep. Si Ryan nga yun. Justin confessed. Pinakiusapan lang daw siya ni Ryan na magpanggap bilang siya. I don't know Ryan's reason. Pero kung ano man yun, maiintindihan ko. :)

Bigla nalang nagdilim ang paningin ko at napansin kong may nakatakip ng cloth sa eyes ko. Then I hear someone talk.

"Elle." Oh my god.

Friday, May 28, 2010

Elle Lopez - 12

***

Sometimes you have to be apart from the people you love, but that doesn't mean you love them any less... Sometimes it even makes you love them more.

- The Last Song

___________________________________________________________________________________

Sa loob ng one month pagkatapos mangyari yun, marami na ang nagbago. Ryan and I, just like what we've agreed, didn't talk to each other anymore. We don't even look at each other. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Getting used to the fact that our friendship is gone is just so hard. Tsaka,

marami na rin siyang babae.

Yep, Ryan Cortez is officially a playboy now. Sa nabalitaan ko, four times na siyang nagche-change ng girlfriend simula nung nag-usap kami. One month ago pa yun. So parang every week siya nagpapalit ng girlfriend. I didn't expect him to turn into that kind of person. Pero pinabayaan ko nalang. Wala rin naman kasi akong magagawa kahit tumutol pa ako. We don't have a relationship. We're not even friends. So that simply means that I have no right.

And by the way, Justin and I, well, we're hanging out. Hanging out as in we go out na kami lang dalawa. But we don't have a relationship and we're still friends. We go to certain places and dun, we spend time to get to know each other more. Kahit matagal ko na siyang kilala, I discovered na marami pa rin talaga ang hindi ko alam sa kanya.

I'm not in love with him and he knows that. Sinabi ko rin sa kanya na hindi ko alam kung dadating ba ang panahon na mamahalin ko rin siya katulad ng pagmamahal niya sa akin. But he said that it's perfectly fine with him. I know hindi yun fine. Ano ang naka-fine dun eh para ko siyang deliberately na sinasaktan. Sabi naman niya, hindi niya ako masasaktan kasi daw ok na sa kanya ang makasama lang ako. Ilang beses rin kaming nagtalo sa bagay na yun. But in the end, ako na yung sumuko. He looks so persistent in being with me. Kahit na hindi sa kanya yung puso ko, basta makita lang daw niya ako na masaya at makasama ko siya paminsan-minsa, okay na okay na daw yun.

As of now, wala naman akong pinagsisisihan sa decision ko. I'm totally contented with it. Or so I thought...

One day, bigla nalang pumutok and balita na aalis na raw ng bansa si Ryan. At first hindi ako makapaniwala. At hanggang ngayon, hindi pa rin ako naniniwala. I want to talk to him about that pero nahihiya ako. Parang ang kapal-kapal naman ata ng mukha ko para kausapin siya. We're not friends, remember? But still...

"Bakit siya aalis?" tanong ni Rai.

Nandito ako ngayon sa SB room kasama yung apat. Ang pinaguusapan namin, nila rather, is Ryan.

"I'm not sure. Pero ang dinig ko, yung mama niya ang nag decide na pumunta na silang lahat sa London at doon na manirahan. I don't know the reason though." si Dustin.

"Ang narinig ko naman, it was Ryan's decision to move there. Pero I don't know. Tanungin kaya natin si Jam? Di ba close yung dalawa? Baka alam nila."

Habang nag-uusap sila about that, naninikip ang dibdib ko. Ayokong isipin or marining man lang na mawawala na ng tuluyan si Ryan. Yes hindi nga kami nag-uusap. Pero at least andito siya, nakikita ko pa rin siya kahit patago lang. Okay na sa akin ang lahat ng yun. I just don't want him to go away. I want him to just stay...

"Tumigil na nga kayo. Kalalaki ninyong tao, napaka-chismoso ninyo." si Justin.

Napansin siguro ni Justin na hindi ako comfortable sa topic na yun. I held his hand and smiled at him.

"Thank you." sabi ko sa kanya ng mahina lang.

Naisip ko, kung si Justin siguro yung nagustuhan ko, hindi na siguro ako mamomroblema ng ganito. Hindi pa ako masasaktan ng todo. Kung pwedeng lang diktahan ang puso ko kung sino ang mamahalin, si Justin ang pipiliin ko. Pero hindi marunong mag-isip ang puso eh. Padalos-dalos nalang ng nararamdaman.

After that, pumunta ako sa garden para makapag-relax. Hindi ko na nagagawa yun these past few days. Maganda ang garden. The perfect place here in the school kung saan makakapag-relax ka talaga. Pagka-upo ko sa bench dun, bigla akong nagsisi. This is the place where Ryan and I went after ng acquaintance party. Ito yung exact place kung saan naranasan ko kung paano maalagaan ng isang Ryan Cortez. Naalala ko, that night was just perfect. And isa yun sa mga memories na aalagaan ko habang buhay.

Then I saw someone sat beside me. Pagtingin ko, nakita ko ang tao na laman ng isip at puso ko.

"Remember this place Elle?"

Nagtataka man ako kung bakit niya ako kinakausap, sinagot ko pa rin siya.

"Of course."

"This was the exact place kung saan ko pinangako sa sarili ko na poprotektahan kita kahit ano pa ang mangyari."

"Ryan... I told you---"

"Na hindi mo kailangan ang protection na sinasabi ko. Yeah. Ilang beses mo ng sinabi sa akin yan. Pero hindi ako nakinig. I want to protect you with all my life."

"Bakit?" I asked hoarsely.

"Because I want to, because I need to. Kung hindi ko gagawin yun, hindi ko alam kung ano'ng magagawa ko kapag may nangyaring masama sayo."

Yumuko ako.

"You're talking like I'm someone special in your life. Pero gusto mo naman na hindi na tayo mag-usap. Gusto mo na kalimutan na natin ang isa't-isa. Hindi kita maintindihan. Bakit ang gulo-gulo mo? Siguro, pinaglalaruan mo lang ako. Siguro, pagkatapos nito, pagtatawanan mo lang ako kasi minahal kita at nadala ako sa mga ginawa mo para sa akin. Tsaka siguro din---"

Marami pa sana akong sasabihin pero hindi ko na natuloy kasi naramdaman ko nalang na maingat na pinulupot niya ang mga braso niya sa akin tsaka pinasandal niya ako sa dibdib niya.

Tumulo na yung luha ko.

"Hindi totoo yan. I can't explain things right now Elle. Gusto kong magkalimutan na tayo kasi alam kong masasaktan ka lang. Alam ko kung ano ang mga bagay na makakasakit sayo. So ako na ang gumagawa ng paraan para hindi mo na maranasan pa yun. Kung kailangan kong umalis para hindi ka na masaktan, aalis ako..."

Tinulak ko siya palayo sa akin.

"Hindi kita maintindihan! Akala mo, hindi ako masasaktan kapag umalis ka? Hindi totoo yan! Masasaktan ako, at masasaktan ako ng sobra! Sinasabi mong ayaw mo akong saktan pero ginagawa mo naman! Gulong-gulo na yung utak ko sa kakaisip! Pagod na pagod na akong marinig ang mga explanations mo na hindi ko naman maintindihan! So please, tama na! Tama na..." tapos napahagulgol na ako ng iyak.

Niyakap naman niya ako ng mahigpit.

"Sinabi ko nga sa sarili ko noon na po-protektahan kita ano man ang mangyari. Pero hindi ako nag-expect na ako pa pala ang mananakit sayo. Ako pa pala ang magiging dahilan kung bakit ka nasasaktan. At ako pa pala ang magiging dahilan ng mga luha mo ngayon. Hindi ko na kaya Elle. Hindi ko na kaya ang makita ka na nagkakaganyan. Kung alam mo lang, ayokong makita kang umiiyak, na nasasaktan. Ayokong makita ka na nagsa-suffer. Gusto kong nakikita kita parati na nakangiti. Na masaya. Pero ano'ng ginawa ko? Sinaktan lang kita. So aalis na ako Elle. Pupunta na kami nina mommy at daddy sa London. Dun na kami maninirahan para hindi ka na masaktan..." naramdaman ko na unti-unti na siyang lumalayo sa akin hanggang sa yumuko siya sa harap ko. Then hinawakan niya ang mga kamay ko. "I'm sorry Elle. Pero kailangan kong gawin 'to kasi---"

"Kasi ano ha? Ano na naman ang sasabihin mo? Pagod na pagod na ako sa mga excuses mo!"

Natigilan naman ako kasi pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya. Then he smiled. A smile that didn't reach his eyes. A smile that's somewhat... sad. Then he kissed me in the forehead.

"Kasi mahal kita." then he let go of my hand and left.

Wednesday, May 26, 2010

Elle Lopez - 11

Pagkatapos ng kanta, pumalakpak naman yung mga tao. Ang lakas nga eh. Thankful naman ako at nagustuhan nila.

After nun, hinanap ko si Ryan. I want to talk to him. Pero hindi ko na siya nakita. So pinabayaan ko na muna. But hindi ako makakapayag na hindi ko siya makausap.

For the next hour or so, nag stay lang kami dun habang nagkakantahan na yung ibang classmates ko. Naki-join ako sa kanila kanina. Pero umalis ako at ngayon, andito ako sa bar at umiinom ng mag-isa. Pero konti lang naman.

"Bakit ka umiinom ng mag-isa?"

"Justin."

Umupo naman siya sa tabi ko at nag-order na rin.

"You did well kanina you know."

"Thanks. Kinabahan nga ako ng sobra eh."

"Hindi naman halata."

And for the next 30 minutes or so, nag-usap lang kami ni Justin na parang wala lang. And I liked it. Pero bigla nalang niya sinabi na,

"About dun sa sinabi ni Ryan..."

I froze for a minute. But then I realized na kailangan talaga namin pagusapan ang tungkol dun. So I tried my best to talk to him about that stuff.

"So ikaw pala talaga yun."

I didn't get a reply.

"Hindi ako nag-expect na ikaw yun alam mo. Kasi naman, for the past years, ni hindi pumasok sa isip ko na may gusto ka pala sa akin..."

I heard him sigh.

"I'm sorry Elle kung hindi ko sinabi sayo. I just thought that it was for the best. Na mas maganda talaga na itago ko nalang. Nag-attempt ako sa sabihin sayo noon, pero nalaman ko naman na may gusto si kuya sayo. And knowing his condition, pinaubaya nalang kita sa kanya. And when he left us, ang ilap-ilap mo naman sa mga tao. Kaya ni-respeto kita. Sabi ko sa sarili ko, someday, masasabi ko rin sayo. Na may tamang panahon para dun. So I stayed by yourside. I took care of you, and I've secretly loved you. Contento na sana ako dun and hindi ko na sana ipapalaam yung feelings ko sayo. Pero naging masyado ka kasing observant eh. Kaya wala na akong nagawa kundi sabihin sayo ang totoo."

"Just, I'm really sorry kung nasaktan kita. Hindi ko sinasadya yun. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na masaktan ka diba? I'm really, really sorry."

"Shh... wala ka namang kasalanan eh. So don't feel guilty about it okay?"

Tumango nalang ako.

"Pero Elle, may gusto lang akong itanong sayo."

Tinignan ko naman siya.

"Ano yun?"

He looked at me straight in the eyes.

"May pag-asa ba ako sayo?"

I was caught off guard by his question. I didn't expect him to ask me that. So medyo natagalan bago ko siya sinagot.

"I don't know..."

Yumuko naman siya.

"I really don't know. Ayokong saktan ka, pero alam mo naman kung sino yung gusto ko diba? Pero ayokong ring magsalita ng tapos. Wala rin naman kasing gusto sa akin si Ryan. So it's no use na mahalin ko pa siya. I want to forget him. And I'll try my best to forget him."

Hinawakan naman niya yung kamay ko.

"Elle, hindi ako mawawalan ng pag-asa na baka someday, mahalin mo rin ako. Maghihintay ako sayo Elle. Kahit gaano pa katagal yun, maghihintay talaga ako."

"Hey, may ibang babae naman diyan eh. Baka dahil hindi mo binigyan yung sarili mo ng chance na magmahal ng iba, hindi mo pa makita yung girl na destined para sayo."

"I'll take my chances. Basta maghihintay ako sayo. And wala ka ng magagawa dun. So huwag mo na akong pigilan okay?"

Napangiti naman ako sa tono ng pagkakasabi niya nun.

"Okay po." Then kinurot ko sa siya pisnge. "Ikaw talaga. Ang kulit!"

"Siyempre. Kaligayahan ko na yung nakasalalay eh."

"Haha! Oo na! Hindi ako sanay na ganyan ka sa akin."

"Pwes, masanay ka na. Dahil ngayon na alam mo na na may gusto ako sayo, hindi mo na ako mapipigilan na ipa-feel sayo yung pagmamahal ko sayo."

"Justin Contreras, ang corny ha."

He just smiled. I'm glad na unti-unti ng bumabalik yung dating kami.

"Akala ko talaga si Claire yung gusto mo."

"Front act ko lang yun. Para nga hindi ma-obvious na yung totoong gusto ko, eh yung babae na parati nalang akong binabalewala."

"Oy! Anong binabalewala? Hindi kaya!"

"Oo kaya. Pero alam mo, nalungkot talaga ako ng sobra nung mga times na hindi tayo nag-uusap. Namimiss kasi kita eh."

"Ako din naman eh. Pero ang awkward kasi Justin. Kaya pinili ko nalang na huwag kang kausapin. Hindi ko rin naman alam kung ano yung sasabihin ko sayo."

"Okay lang yun. At least ngayon, okay na tayo. Diba?"

I smiled at him. Then tumango ako at niyakap ko siya.

"I'm so glad na okay na tayo."

"Ako rin." :)

"Psst!"

Nung tinignan namin kung sino yung nag-psst,

"Rai and company. Anong ginagawa niyo dito?"

"Uy, Rai and company daw oh. Pwedeng pangalan ng banda diba?"

"Shut up. Ang pangit ng pangalan na Rai. Dapat, Dustin and company."

"Anong Dustin and company? Dapat Daniel and company!"

"Tumigil nga kayo! Haha! Ang feeling niyo naman na magkakaroon kayo ng banda."

"Drummer ako kaya ako!" sabi ni Rai.

"Marunong akong mag-guitar!" Sabi ni Dustin.

"At ako yung vocals. Oh diba? Pwede!" sabi ni Daniel.

"Marunong kang kumanta tol?"

"Hindi. But I can still try."

Ginawa naman niyang mic yung baso ni Justin na wala ng laman.

"Kung ako nalang sana ang iyong minahal, di kana muling mag-iisa. Kung ako nalang sana ang iyong minahal, di kana muling luluha paaaa!!"

"Tol! Lumilindol!"

"Ang sama mo Justin! Malakas ka lang mangalaska ngayon kasi okay na kayo ni Elle!"

"Talaga."

"Sus. Eh nung not in good terms kayo, para kang binagsakan ng langit at lupa."

"Elle, oh Elle. Bakit mo sinaktan ang puso ko? Alam mo ba na matagal na kita sinisinta?" si Daniel. Ginagaya niya si Justin.

"Oh Justin oh justin, patawad at nasaktan kita. Pero huwag kang magalala, kasi ngayon, iibigin na kita!!" si Rai.

Sinugod naman ni Justin sina Rai at Daniel at pabirong pinagsususuntok.

"Mga baliw talaga."

"Oo nga. Pro aminin mo, nakakamiss din yung ganito tayo."

I smiled at Dustin.

"Yeah, tama ka nga."

***

Justin and the others were having videoke. Ako naman, I went to the sea side para magpahangin. The view was so beautiful. The moon was shining above the sky and the sea was reflecting its beauty. So wonderful.

Nung tumingin ako sa paligid, I saw a familiar figure. Nakaupo siya habang nakatingin sa dagat. It was dark on that part of the resort so medyo hindi talaga klaro yung mukha niya. But my heart perfectly knew who that person is.

So nilapitan ko siya.

"Hi!"

Nagulat ata siya sa akin.

"Elle! Anong ginagawa mo dito?"

"Nagpapahangin. Ikaw?" Tumabi naman ako sa kanya.

"Nag-iisip." mahina lang yung pagkakasabi niya nun pero narinig ko pa rin.

"Alam mo, nakakabaliw ang sobrang pag-iisip. Kaya kung ako sayo, kakalimutan ko muna ang mga problema ko and I'll just enjoy the view. Breathtaking isn't it?

"Yeah."

Paglingon ko sa side niya, hindi siya nakatingin sa dagat kundi sa akin. Nahiya naman ako kaya binawi ko agad ang tingin ko.

Ako ba yung tinutukoy niya? Hindi siguro. Ang feeling ko. May ibang mahal na siya eh. :(

"Hey, gusto ko lang sana itanong kung nag-usap ba tayo kagabi. Nung sa middle of the night na ata yun?"

Kahit hindi ko siya lingunin, alam kong tinititigan niya ako. Ano kaya ang iniisip ng isang 'to?

"Hindi. Bakit?"

"I had a dream kasi."

"What was your dream all about?"

"Can't remember that well. But I felt that iiwanan mo raw ako." pabulong na sabi ko.

I didn't hear a reply from him. I guess narinig niya. Kaya hindi nalang siya nag-comment. Haist...

"Sorry."

"Bakit ka nagso-sorry Elle."

"Baka lang kasi hindi mo nagustuhan yung sinabi ko."

"Hindi naman sa ganun. Hindi ko lang kasi alam kung ano yung dapat kong sabihin."

So ganun pala yun.

"Okay. Pero Ryan, yan din ba ang reason mo kung bakit mo ako iniiwasan these past days?"

Silence. After a few minutes,

"I guess."

"Alam mo, pwede mo naman akong prangkahin eh. Pwede mo naman akong diretsahin na wala ka talagang gusto sa akin. Mas mabuti nga yung ganun para hindi na ako umasa pa. Masakit rin naman kasi eh. Masakit sa pakiramdam kapag iniiwasan ka ng taong mahal mo."

"I'm sorry Elle. Na-guilty lang talaga ako."

"Bakit ka naman magi-guilty? Wala ka namang ginawa na masama ah."

"Meron. Nasaktan kita. Nung pinagtapat mo sa akin yung nararamdaman mo, na-conclude ko na ilang beses na pala kitang nasaktan. I swore to protect you. Pero ako pa mismo ang nanakit sayo."

"I told you before, hindi ko kailangan ang protection na sinasabi mo. I can perfectly take care of myself. Malaki na ako. Kayang-kaya ko ng lutasin ang mga problema ko. So you don't need to be guilty okay? Stop that na."

He sighed.

"Kalimutan mo na ako."

When I heard him say that, parang gumuho yung mundo ko. I know sinabi ko na gusto ko ng mag move on at sinabi ko sa kanya na prangkahin na ako. Pero iba pa rin pala talaga ang impact kapag harap-harapan ng sinabi sayo.

I tried my best na itago sa kanya na nasasaktan na ako. Kaya nakuha ko pang magbiro.

"Baliw. Hindi naman yun ganun kadali eh. Ikaw talaga. Huwag kang masyadong magmadali. Dadating din a-ako d-dun."

Pumiyok na talaga ang boses ko. Kaya mo yan Elle.

"Wala kang mapapala sa akin Elle. Alam mo yan."

Nararamdaman ko na konti nalang at tutulo na ang luha ko. Pero kaya ko 'to. Hindi ako iiyak sa harap niya. Kaya mo yan Elle. Kayang kaya mo yan.

"Alam ko naman yun eh. Pero pwede bang hayaan mo nalang ako na mahalin ka? Hindi naman kita naiistorbo diba? Hindi rin naman kita inaabala. Mahal lang naman kita eh. Ok lang ba?"

Bakit ganito? Bakit kailangan pa niyang sabihin sa akin yun? Sana hindi ko nalang sinabi sa kanya na prangkahin nalang niya ako para hindi ko na maramdaman itong nararamdaman ko. Kasi ang sakit-sakit eh.

"Pwede ba Elle? Hindi kita mahal."

And that was the final blow. Siguro dahil hindi ko na kinaya pa at ang sakit-sakit na talaga, tumulo na yung mga luha ko. Mabuti nalang at madilim dun kaya hindi niya nakikita na umiiyak na ako.

"Ang sama mo naman. Para mahalin ka lang eh hindi pa pwede."

Pinunasan ko naman yung mga luha ko.

"After this night Elle, huwag mo na akong kausapin pa at hindi na rin kita kakausapin. Simula bukas, wala na akong kilalang Elle Lopez at wala ka na ring kilala na Ryan Cortez. Let's just avoid each other. It will be the best for all of us."

Alam kong alam na niya na umiiyak na ako. Pinunasan ko ng pinunasan yung mga luha ko pero wala pa ring silbi kasi patuloy pa rin ang mga yun sa pag-agos. Even though it was so hard to talk, I managed to say something.

"Kung yan ang gusto mo, okay. Kung totoo nga na it will be the best for all of us, okay. Pero bukas pa naman magsisimula ang lahat diba? Pwede ko pang gawin ngayon ang gusto kung gawin."

"Elle..."

Nag-transfer ako ng place at pumunta ako sa harap niya. Kaya ngayon, magkaharap na kaming dalawa. Then hinawakan ko yung dalawang kamay niya. Tinignan naman niya ako.

"Masakit. Masakit na masakit. Pero alam mo, wala akong pinagsisisihan ni isa sa mga yun. Masaya nga ako kasi nakilala kita. Nagpapasalamat din ako at tinuruan mo ako na magmahal ulit. Thank you talaga. Thank you talaga ng sobra s-sobra..."

Huminga nalang ako ng malalim para kahit papaano eh mabawasan ang puot na nararamdaman ko ngayon.

"Promise, I'll do my best p-para makalimutan ka. But before I do that,"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya then I slowly brought my face closer to his until our lips are almost touching.

"before I that, I just want to say that,"

I crossed the distance of our faces and brought my lips to his. I kissed him with all my heart. Then I told him what my heart wants him to know.

"I love you." then umalis na ako.

Tuesday, May 25, 2010

Elle Lopez - 10

Hindi ako makapaniwala na si Justin yung guy na yun. It's too impossible. I felt something towards that guy. A feelings that's above normal. Kung hindi sinabi sa akin ni Ryan na si Justin yun, iisipin ko talaga na may possibility na baka si Ryan yung guy na yun. What I felt that day was almost the same as what I feel for Ryan. Pero sa sinabi ni Ryan...

"Elle."

Pagtingin ko, ang lapit-lapit na ng mukha ni Justin sa akin. Napaatras naman ako bigla. At biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit ganito??

"D-don't come near me."

Sa sinabi ko, alam kong nasaktan ko siya. Kitang-kita ko sa expession ng mukha niya.

"J-justin. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang sabihin yun. A-ang lapit-lapit mo lang kasi sa akin. Medyo nagulat lang ako."

Tumango lang siya.

"I guess you're not ready to talk with me as of now. But if ready ka na, lapitan mo lang ako." Then pumunta siya dun sa pinakadulo ng room at humiga.

Si Ryan naman, napahiga na rin sa sahig.

"H-hey, huwag kayong matulog diyan. May kama naman oh..."

"Ikaw na diyan sa kama. Okay na kami dito."

"Pero Ryan..."

"Sige na. Matulog ka na. Sa tingin ko, hindi nila tayo pakakawalan hanggang bukas."

I sighed. Bakit ba nangyayari sa amin 'to? Tsaka bakit parang ayaw ko talagang maniwala na si Justin yung mystery guy na yun?

Nung tinignan ko ulit si Justin, wala talaga eh. Hindi ko ma-feel yung something na naramdaman ko nung time na yun.

Nung tinignan ko naman si Ryan... Haist, yung heart ko..

Siguro dahil gusto ko na sana si Ryan na lang yun kaya hindi ko matanggap. Haist... Impossible rin ata na si Ryan yun. Wala siyang gusto sa akin. Tanggap ko na yun. So hindi na dapat ako umasa pa.

Pumunta na lang ako sa bed at humiga na ako. Bahala sila kung ayaw nila dito sa kama. Pagod na akong isipin ang ibang tao. Sa ngayon, sarili ko muna yung iisipin ko. Inalok ko na rin sila na dito sila sa kama, pero binalewala nila yun. So hindi ko na kasalanan kung manakit man yung mga likod nila bukas pagkagising nila. Basta ako, comfortable sa hinihigaan ko. Pero, haist...

Ano kaya ang mangyayari bukas?

***

I was awaken by something smooth that touched my face. Pagdilat ko, it's still dark outside. Then I saw Ryan so close to me. And that something smooth was his hand. He was caressing my face. Am I dreaming?

"Ryan..."

"Shh... you go back to sleep now."

Napapikit ako ulit. His touch felt so good. Muntik na sana akong makatulog ulit but I felt his hand moved away from my face. Weird, pero feeling ko talaga iiwinanan niya ako kaya pinigilan ko siya sa kamay.

"Don't leave me Ry..."

Then I saw him smile. The kind of smile that's full of sadness.

"You have Justin now. So don't be sad okay? I'm sure na hinding-hindi ka niya iiwanan at sasaktan. Hindi kagaya ko. Mas kaya ka niyang pasayahin Elle. Kaya sa kanya ka nalang..."

I felt a tear escaped my eyes. Pero pinunasan kaagad yun ni Ryan.

"Don't cry Elle. Ayokong nakikita ka na nasasaktan. Trust me, this is the best for all of us."

Napapikit ulit ako. Panaginip lang ba talaga 'to or totoo talaga? Kasi kung ako ang masusunod, sana panaginip nalang. Kasi kung totoo, ayokong mawala si Ryan. Okay lang kahit hindi niya ako mahal. Basta ayoko talaga na mawala siya. Ayoko...

"Sleep tight my love..."

Then I felt his lips on my forehead. He kissed my forehead. And because of that, I fell asleep.

***

Bigla akong napabangon. Umaga na pala. Then I instantly remembered my dream. Or was it really just a dream?

Hinanap ko si Ryan para sana i-confirm kung dream lang ba talaga yun o totoo talaga. Pero wala na sila. Then may narinig akong kumatok sa door at bumukas yun.

"Good morning."

"Good morning din Claire."

"Kakagising mo lang ba?"

"Yeah."

"Alam mo, kahit bagong gising, ang ganda-ganda mo pa rin."

Hindi ko nalang pinansin yung comment niya.

"Nasaan sila?"

"Sina Ryan and Justin? Kanina pa umuwi."

"Bakit hindi niyo ako ginising?"

"Eh sabi po kasi nila na pabayaan ka na raw muna namin na matulog. Kaya ayun."

Ang daya nila. Iniwan nila ako dito.

"Elle, may continuation pala yung birthday ko. But this time, sa beach na. Gusto mo bang pumunta?"

Parang natakot na akong umoo sa invite niya. Baka kung ano na naman ang mangyari sa amin doon. Mahirap na.

"Don't worry Elle. Wala na kaming plano ngayon na gawin ulit sa inyo yung nangyari kagabi."

"Ikaw ang may pakana nun?" medyo tumaas yung boses ko. I mean, sino bang normal na tao ang gugustuhin na makulong sa isang kwarto kasama ng mga tao na iniiwasan niya?

"Actually, kami ni Rob. Sorry Elle... Nalulungkot lang kasi kami sa nangyayari sa inyo ni Ryan. Especially sa inyo ni Justin. Sorry talaga."

Nakonsensya naman ako sa pagtaas ng boses ko. Iniisip lang naman pala nila yung kalagayan namin nina Ryan at Justin, tapos nagsungit pa ako.

"Sorry Claire kung napagtaasan kita ng boses. And thank you din sa concern. Ako rin nalulungkot sa mga nangyayari ngayon. Sana nga eh bumalik na sa dati ang lahat. Pero mukhang malabao ng mangyari yun eh."

"Hayaan mo Elle, kung pupunta ka sa party ko mamaya sa beach, mage-enjoy ka talaga tsaka tutulungan kitang kalimutan yung mga problema mo kahit ngayong araw lang. So ano? Pupunta ka ba o hindi?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Thank you Claire. And yeah, pupunta ako sa party mo mamaya."

***

Plano ko sanang makisabay kina Dustin papunta doon. Pero naisip ko na baka andun din si Justin. So wala nalang. Paalis na sana ako nun ng tinawag ako ni Tita Arnie.

"Elle, wala ka bang kasama papunta dun?"

"Hmm, tita, dun na po kasi kami magkikita-kita."

"So magco-commute ka lang?"

"Opo."

"Naku. Hindi ako makakapayag niyan. Eto ang susi sa sasakyan ko. Dalhin mo yan papunta dun. Marunong ka naman mag drive diba?"

"P-pero tita---"

"Wala ng pero pero. Sige na. Umalis ka na at baka naghihintay na sa iyo ang mga kaibigan mo."

"S-sige po. Thank you po."

Kahit na sobrang nahihiya ako, sinunod ko nalang si tita. Ayoko rin kasi na magalit siya sa akin kapag sinuway ko siya. Pero, ang gamitin ang car niya? WHOA.

Ng-drive na ako papunta dun. Medyo malayo pero okay lang. Para tamang-tama na pagdating ko dun, marami na yung tao. Hindi yung konti lang kami or worse, ako lang mag-isa. Nakakahiya naman.

Pagpasok ko sa entrance ng resort, naghanap lang ako ng place kung saan pwede kong i-park yung sasakyan tsaka nagpunta na ako sa main venue.

Actually, malaki yung place at sobrang ganda din. Marami na rin ang mga tao.

"Elle!"

"Rai." then sinimangutan ko siya.

"Oh, huwag ka ng magalit sa akin Elle. Dare sa akin yun. Wala akong magagawa."

"Ang sabihin mo, ginusto mo talaga na mangyari sa amin yun."

"Medyo." Then tumawa siya. Hinampas ko naman siya ng malakas sa braso.

"Nakakainis ka!"

"Oo na." then tumawa ulit siya.

"Hey, sino yung ibang tao na nakikita ko? Hindi kasi familiar yung faces nila."

"Ah, sila ba? Family at relatives ni Claire. Chosen nga lang na classmates at batchmates ang ininvite niya."

"Ganun ba."

Kaya pala konti lang yung nakikita ko na kilala ko. Although marami-rami rin, pero unlike kahapon, konti lang.

"Elle!"

"Hi Claire!"

"Thank you at dumating ka ha?"

"Ikaw talaga. Wala yun. Ang ganda ng place."

"Talaga? Family ko ang may-ari nito pero sila kuya na ang nagpapatakbo."

"Wow. Ang ganda talaga."

"Thank you. Halika. Doon tayo sa loob."

Sumunod naman kami ni Rai sa kanya. Pagpasok namin sa main venue talaga, halos lahat ng tao napatingin sa amin. Inannounce ba naman ang pagdating namin? May stage kasi sa gitna mismo. May banda rin na tumutugtog. I love the ambiance the music is creating. Nakakarelax.

"Hija, ikaw na siguro yung kinikwento ni Claire sa amin." Sabi ng isang babae.

"Elle, mommy ko. My, si Rai tsaka si Elle. Si Elle yung kinikwento ko sayo. Ang ganda niya noh?"

"Aba oo. Kay gandang bata nga."

"Nice meeting you po ma'am."

"Thank you hija. Oh siya, kumain kayo. Ang daming pagkain doon. Huwag kayong mahiya ah? Enjoy." Then umalis na yung mama niya at nakipagusap sa kung sino na hindi ko kilala.

"Ang ganda ng mama mo Claire."

"Oy Rai, mama ko yun ha."

"Ano ka ba? Masama bang mag appreciate ng beauty? Eh totoo naman talaga na maganda talaga ang mama mo ah. Diba Elle?"

"Yep. Batang-bata tignan."

Tumawa lang si Claire.

Kumuha lang kami ng pagkain ni Rai at nagpunta na kami sa isang table tsaka kumain na kami.

"San nga pala sina Dustin at Daniel?"

"Papunta na raw."

Hindi ko na hinanap pa si Justin. Kasi naman, nakita ko na siya. Kasama yung iba naming batchmates na lalaki. Andun sila sa refreshment area. Andun din si Ryan.

"Elle, pwede bang humingi ng birthday gift?"

"Ay, yung lalaki ba? Hindi pa rin ako nakakakita. Itong si Rai na lang. Gwapo naman ito. Hindi nga lang macho."

"Ang sama mo Elle. May mucles naman ako ah!"

"Che. Tumahimik ka nga diyan Rai. Anyway, hindi lalaki ang hinihingi ko sayo Elle. Hmm... medyo matagal-tagal na rin kasi yung last time na narinig kitang kumanta. So..."

Oh god...

"Gusto mo akong kumanta??"

"Yep!"

"Nge."

"Haha! Nge ang sagot mo?"

"W-wait lang Claire. Parang nakakahiya naman ata..."

"Bakit ka naman mahihiya eh ang ganda-ganda kaya ng boses mo."

"Eh ano naman ang kakantahin ko?"

"Kahit ano. Pero love song ha?"

"Nge."

"Haha! Basta tatawagin nalang kita mamaya kapag oras mo ng kumanta. Okie? Thank you Elle!" then umalis na siya.

"Kakanta ka talaga?"

"I-I think. Rai, baka mag collapse ako dun sa stage. Nakakahiya."

"Over ka Elle. Huwag kang mag-isip ng negative kasi negative talaga ang kinalalabasan. You can do it. I know you can. Trust yourself."

Sa sinabi ni Rai, medyo gumaan yung pakiramdam ko. Pero kinakabahan pa rin ako... Ang daming tao...

After how many minutes, narinig nalang namin si Claire na nagsalit gamit ang mic.

"Hi everyone! I hope you're enjoying the night. Anyway,this time, someone important to me is gonna sing to us all. Actually, yung girl na 'to, idol ko talaga sa halos lahat ata ng bagay. Kaya I'm so thankful na pumunta siya dito ngayon. So now, help me welcome, a good friend of mine, Elle!"

Narinig ko naman na nagpalakpakan ang mga tao ang tinitignan ako. It's my turn to sing na! Pak!"

"Rai, kaya ko to diba? Kaya ko to!"

"Oo. Kaya mo yan. Go!"

Pumunta na ako sa gitna. Medyo nanginginig pa nga ako papunta dun eh.

"Claire, I don't think this is a good idea."

"Kaya mo yan Elle. I trust in you."

Na-encourage naman ako sa sinabi ni Claire. So kinuha ko nalang yung guitar tska umupo na ako sa chair sa gitna. Then I saw all of the people in the venue looking at me.

Kaya ko 'to.

Then nagsimula na akong mag-intro gamit yung guitar.

"Hmm...
Ooh... ooh..."

Then I heard everyone clapping.

"All I hear is raindrops, falling on the rooftop
Oh baby, tell me why'd you have to go
'Cause this pain I feel, won't go away
And today I'm officially missing you"

Then hinanap ng mga mata ko si Ryan. Then I saw him standing while looking at me.

"I thought that from this heartache, I could escape
But I've fronted long enough to know
There ain't no way
And today I'm officially missing you

Ooh, can't nobody do it like you
Said every little thing you do, hey, baby
Said it stays on my mind
And I-I'm officially..."

I can see that everyone is clapping their hands. Pero wala akong narinig. Kasi nakatingin lang ako kay Ryan habang kumakanta. I just want him to feel how much I missed him. The Ryan that I used to know.

"All I do is lay around, two years full of tears
From looking at your face on the wall
Just a week ago you were my baby
Now I don't even know you at all, I don't know you at all

Well, I wish that you would call me right now
So that I could get through to you somehow
But I guess it's safe to say, baby, safe to say
That I-I'm officially missing you

And I-I'm officially"

I want him to feel...

"Well, I thought I could just get over you, baby
But I see that's something I just can't do
From the way you would hold me
To the sweet things you told me
I just can't find a way to let go of you"

...how much my heart aches for him.

"Ooh... can't nobody do it like you

And I-I'm officially... "

And I want him to feel...

"It's official
Hoo, you know that I'm lovin' you, yeah, yes
All I hear is raindrops, oh, yeah
And I-I'm officially missin' you..."

...how much I'm in love with him.

Elle Lopez -9

Ayokong isipin na magkakatotoo yung sinabi ni Rai. Pero these past few days, hindi na ako kinakausap ni Justin. Kapag nagkakasalubong kami sa hallway, wala lang. Hindi niya ako kinakausap at hindi niya ako tinitignan. Para akong hindi nage-exist sa buhay niya. Kaya naisip ko na baka totoo nga yung sinabi ni Rai. Hindi ko rin naman masisisi si Justin. Kung ako siguro ang nasa situation niya, ganun din yung gagawin ko.

Pero nahihirapan na ako.

Hindi na rin kami nag-uusap ni Ryan. Mabuti na siguro yung ganito para madali ko siyang makalimutan. Although alam ko na kahit hindi na kami mag-uusap, mananatili pa rin yung feelings ko sa kanya for a long time.

Time. We all need time for our wounds to be healed.

Wednesday ngayon at nasa Sports building kami kasi PE period namin. Free period ngayon kaya magagawa namin ang kahit na anong gusto namin gawin. And as for me, naglaro lang ako ng badminton sa kahit kanino.

"Tama na yan Elle. Baka masobrahan ka na sa galing niya. Kanina ka pa naglalaro ah. Ni hindi ko nakita na nagpahinga ka."

"Okay lang ako Chris. Hindi naman ako pagod eh. I'm enjoying this game a lot. It's a form of stress reliever na rin."

"Ganun? Oh sige na nga maglaro ka na lang diyan. Mag practice ka ng mag practice para matalo mo na ako."

Natawa naman ako.

"Yabang mo!"

Tumawa lang siya.

Pinagpatuloy ko naman yung game ko sa isa kong classmate. At nung natapos na yung game, nilapitan ako ni Claire.

"Elle, birthday ko nga pala this Saturday. Magkakaroon ng party sa bahay. Tayo-tayo lang mag-batchmates at ibang friends ko na rin. Punta ka ha?"

"Sure Claire. Ano'ng gusto mong gift?"

"Yung kagandahan mo nalang."

Then tumawa kaming dalawa.

"Loka ka talaga. Pwede lalaki nalang?"

"Haha! Sure! Dapat macho gwapito ha?"

"Haha! Baliw!"

"Ah basta. Pumunta ka ha? Kapag hindi ka pumunta, naku, magsisisi ka!"

"Haha! Oo na po. Pupunta na po. Takot ko lang sayo."

"Thank you Elle! Basta aasahan kita this saturaday!"

For the next days, talk of the town ang party ni Claire. Kaya hindi na nakapagtataka na pagdating ko sa bahay nila, halos lahat ata ng batchmates ko, andun. Present ata halos lahat.

"Elle!"

"Claire, hi! Happy birthday!"

"Thank you! Oh, asan na yung gift mo sa akin na macho gwapito na lalaki?"

"Haha! Utang muna. Hindi ako makahanap eh."

"Asus. Oh sige na nga! Enjoy the party okay? I'll just entertain my other guests."

Yung bahay ni Claire, parang ginawang disco bar. The music was so loud kaya nagtataka ak kung bakit hindi nagrereklamo yung mga kapitbahay nila. Yung gma tao, nasa kung saan-saan. At siyempre, nasa gitna yung dance floor. Siksikan nga eh.

Medyo uhaw na ako kaya hinanap ko yung table ng mga drinks. Nakita ko naman. Pero nasakabilang side pa. And the only way to get there is to pass these people. Kahit ayaw ko, ginawa ko nalang.

"Hi Elle!"

"Sayaw tayo Elle!

"Elle! You're here!"

I just smiled to all of them. Hindi ko pinahalata na nandidiri na ako sa mga amoy nila. Beer plus sweat smells so awful. Urg.

Pagkarating ko sa table ng mga drinks, tsaka pa lang ako nakahinga. Uminom naman ako. Pero hindi alcohol ha. Juice lang. Wala ako sa mood na uminom ng alcoholic drinks ngayon.

Nakita ko naman si Rai na naglalaro ng kung ano man yun kasama sina Claire at yung iba pa namin na batchmates. Mukhang aliw na aliw nga sila eh. Parang truth or dare ata yung nilalaro nila. Nakaform kasi sila ng circle tsaka may bottle sa gitna. Ang enjoy nilang tignan talaga. Nakita ko rin na kinausap niya si Ryan tapos si Justin. Hmm... Ano kaya ang sinabi niya sa mga ito?

May mga lumapit naman sa akin at siyempre nagusap-usap lang kami ng mga bagay-bagay. For this night, hindi ko muna iisipin yung gma problema ko. I'm gonna enjoy this night no matter what happens.

RAI"S POINT OF VIEW

"Oh, Rai. Ikaw na! Yeah!"

"At tuwang-tuwa ka pa talaga!"

"Siyempre. Kasi may special task kami para sayo."

"Uy! Hindi pa ako nakakapili kung truth ba or dare!"

"Huwag ka ngang KJ Rai."

"Hindi ako KJ noh! Oh sige! Ano ba yung special task na yun at ng matapos ko na."

Nakita ko naman na nagngitian sina Claire and Rob. May masamang kutob ako sa ipapagawa nila ah...

"Okay. Here's the deal. Kapag nagawa mo yung special task na yun, magiging alipin mo si Jam for one month. Kapag hindi, eh di wala din."

Magiging alipin si Jam huh? Okay to ah.

"Eh ano nga yung task?"

Claire then smiled a mischievous smile.

"Simple lang naman eh. You're gonna lock Ryan, Justin, and Elle sa room sa taas. Yun."

"Huh?"

"Ano'ng huh? Ano, gagawin mo ba o hindi?"

"Teka-teka, bakit yun yung task?"

"Kasi gusto lang namin na makapagusap na yung tatlong yun. Akala mo wala kaming alam noh? Mali! Kasi mrami kaming alam. Kaya ano na? Gagawin mo ba o hindi?"

"Teka, pano kapag nagalit sa akin si Elle?"

"Problema mo na yun."

Kapag ginawa ko yun, magkakaroon nga ng chance na makapag-usap silang tatlo. At sa tingin ko, kailangan na kailangan nila yun.

"Fine. Deal. Pero walang ibang makakaalam nito kundi tayo-tayo lang na nandito okay?"

"DEAL!"

Tumayo na ako at hinanap ko sina Ryan at Justin. Sinabi ko lang sa kanila na kakausapin ko silang dalawa at hintayin nila ako sa taas. So far, effective yung drama ko.

Next is hinanap ko si Elle. Nakita ko naman siya malapit sa table ng mga drinks at nakikipagusap sa tatlong batchmates namin. Pinuntahan ko na siya agad.

"Excuse me."

"Oh Rai. May kailangan ka? Mukhang enjoy na enjoy ka dun sa laro ninyo ah. Truth or dare?"

"Hindi. Elle, pwede ba kitang makausap? Yung tayo lang?"

Nakita ko sa expression ni Elle na nagtataka siya. Kasi hindi naman talaga ako ganito ka serious usually. Pero part na ito sa plano ko. Kailangan kong magtagumpay.

"Bakit Rai? May problema ba?"

"Medyo. Hintayin mo nalang ako sa taas. Dun tayo mag-usap sa room sa pinakadulo. May aayusin lang ako."

"Okay. Bilisan mo ha?"

"Sige."

ELLE'S POINT OF VIEW

Hindi ko alam kung bakit gusto akong kausapin ni Rai. First time ko siyang nakita na ganun ka seryoso. Kaya medyo nataranta talaga ako at umakyat na ako sa taas. Sabi niya yung pinakadulo daw na room. Dun naman ako nagpunta. Pumasok naman ako sa room at nagulat ako sa nakita ko.

"Ryan? Justin? What are you two doing here?"

Nagkatinginan naman yung dalawa.

"Rai told us na gusto daw niya kaming kausapin ni Ryan ng masinsinan. Kaya nandito kami. Ikaw?"

"Yun din yung sinabi niya sa akin."

"Ano kaya ang gusto niyang pag-usapan natin. Bakit kailangan tayong tatlo pa."

Wala ng nagsalita pagkatapos ng sinabi na yung ni Ryan. Nagpunta nalang ako sa sulok ng room at doon ako umupo. Si Ryan, nasakabilang sulok at si Justin nasa kabilang sulok din. Hindi naman obvious na ayaw namin mapalapit sa isa't isa noh?

"30 minutes na tayong nandito ah. Bababa muna ako. Tatawagin ko lang si Rai."

Nagtaka naman ako nung bubuksan na sana ni Justin yung door, hindi niya mabuksan.

"Lock?!"

"I guess."

Sa sinabi na yun ni Justin, napatakbo kaming bigla ni Ryan sa kanya. Nung tinesting ko, lock nga.

"Bakit 'to nakalock?"

"Baka aksidente mong na lock yung door pagpasok mo kanina Elle." Sabi ni Justin

"Hindi. Sure ako na hindi ko nilock yung pinto."

"O baka naman pakana ni Rai ang lahat."

Natigilan naman kaming lahat sa sinabi ni Ryan.

Pwede. Kaya pala sinabi niya yun kasi may ibang plano siya. Pero bakit?

I sighed in frustration.

"Humanda sa aking ang Rai na yun pagkalabas ko dito." Justin said.

"Bakit niya gagawin sa atin to?" Ryan.

"Dahil siguro sa dare. Remember? Naglalaro sila nun kanina sa baba. Yun siguro yung dare sa kanya kaya ngayon, nandito tayong tatlo."

Sa sinabi ko na yun, natahimik kaming lahat. Napahiga nalang ako sa kama.

"Nakakainis." Bulong ko sa sarili ko.

Napaupo naman sa edge sa bed si Ryan. Tsaka umupo na rin si Justin sa sahig at sumandal sa bed.

And we stayed like that for I think 1 hour.

Walang umiimik. Pero hindi awkward yung feeling. Just plain silent lang talaga. Kaya medyo nagulat ako nung nagsalita si Ryan.

"Elle,"

"Yeah?"

"Natatandaan mo pa ba yung nangyari sayo sa intramurals? Yung sa music room?"

Sa sinabi ni Ryan, napabangon ako bigla. Nakuha na rin niya ang attention ni Justin.

"Yung lalaki na kasama mo nung time na yun, kilala ko siya."

Mahina lang yung pagkasabi ni Ryan nun pero dinig na dinig ko siya. At si Justin din ata.

"Ryan, huwag mong gawin 'to."

"Sorry Justin. Pero kailangan."

"Teka-teka, ano ba yung pinaguusapan niyo? Ryan, sino ba yung lalaki na yun?"

Instead na sagutin ako, may hinablot siya sa leeg ni Justin. Si Justin naman, nag attempt na pigilan si Ryan pero he failed kasi tinulak niya si Justin ng malakas kaya natumba siya sa sahig.

"Justin!"

Pupuntahan ko na sana siya. Pero pinigilan ako ni Ryan. Then may pinakita siya sa akin. Something that literally took my breath away.

"Diba sabi ko sayo na kilala ko yung mystery guy mo? Kilala mo rin siya. Actually, kilalang-kilala mo siya."

Hinablot din niya yung necklace na binigay sa akin ng mystery guy na yun sa leeg ko. He was holding my necklace with his one hand and the other necklace with his other hand. And again, what he did literally took my breath away.

"Pareho diba? Now what does that mean Elle? What did that mystery guy of your tell you huh?"

Natigilan naman ako at napaupo ako bigla. I froze ofr a minute then tinignan ko si Justin na nakayuko lang.

"Oh yes Elle. Tama ka nga. That mystery man of yours is no other than,

Justin Contreras."

Saturday, May 22, 2010

Xandreia Yu: You'll always be here in my heart

First love never dies.

"Pft. Who believes in that shit? I mean, no sane person would ever believe in that saying. It's for hopeless romantics, losers, morons."

"Oy Xandra, huwag kang magsalita ng tapos. Nasasabi mo lang yan because you've never been in love pa. So don't judge things that easily."

"I don't need to be in love para malaman ko na kalokohan lang ang saying na yun, Jen. Palibhasa kasi, ang daming tao ang nagbe-base ng mga opinions nila with their feelings and not their minds. Kaya nga ang daming tao ngayon ang bobo eh."

"Uy! Maghinay-hinay ka nga sa mga pinagsasabi mo. Baka may makarinig pa sayo at makakita ka pa ng away."

"I don't care."

"Kaw talagang babae ka. Ang tigas-tigas ng ulo mo. Bakit ba kita naging kaibigan ha?"

"Kasi matakaw ka rin."

"Oy, mas matakaw ka!"

"Whatever. Sige, alis na ako. Mag-start na yung class ko."

"Sige. Call me pagkatapos na class mo ha? Punta tayo ng Mizi Von Von. Miss ko na yung ice creams nila dun."

"Takaw talaga. Bye."

"Ewan. Basta tawagan mo ako."

While I was on my way to class, naisip ko na naman yung sinabi ng professor namin. First love never dies.

Ugh. Naiinis pa rin ako habang nagre-replay sa utak ko yung sentence na yun. It's just so... I don't know. I can't put a name on what I feel.

I pushed the elevator button up and waited for it to reach the ground floor. Pumasok na ako pagka-open and I immediately closed it kahit na may tumatakbo papunta dito para sumakay. Bahala sila. Ayoko lang talaga na may kasabay sa elevator.

Nasa 8th floor yung room ko so naghintay pa ako ng ilang minutes. Nung yumuko ako para sana i-check yung shoes ko kung malinis ba o hindi, may nakita akong 100 peso bill na naka stuck na shoes ko.

"Wew. I guess it's my day today."

Kinuha ko yun then may napansin akong letters sa back part nun. Weird, kasi ganito yung nakalagay: 0WAPMWGDAM1

Kung hindi siguro ako si Xandra, pababayaan ko nalang siguro yun. Pero ako 'to eh. Mahilig ako sa mga mystery. And no one would write this whatever-you-call-this-thing for no reason at all. So pagkadating na pagkadating ko sa room, I immediately copied it on my notebook. And I waisted half the period decoding it until i finally knew what it means. 0WAPMWGDAM1 actually means 09276943261, a cellphone number.

I smiled to myself for successfully decoding it. Sa wakas, alam ko na kung ano ang ibig sabihin sa nakasulat dun. Ang hindi ko lang alam is that pagka discover ko pala sa meaning nun, dun na pala magsisimulang magbago ang lahat...

Blog Template by YummyLolly.com - Header made with PS brushes by gvalkyrie.deviantart.com
Sponsored by Free Web Space