Thursday, September 16, 2010

Xandreia Yu - 17

"Good morning, Xandra..." I said to myself the moment that I realized that I'm awake. It's still 6:49AM. Ang aga pa talaga. Usually, late na akong nagigising kapag hindi maaga ang class ko. Pero ngayon, ewan ko kung bakit ako nagising ng maaga. Kinuha ko yung phone ko na nakacharge then inalis ko na sa saksakan. I turned it on and the moment that nagka signal na, I got a message from Edward.

'good morning miss sungit! :D' He sent the message at four in the morning. Tumaas yung kilay ko. Maaga ba talaga nagising ang isang 'to or hindi pa natutulog. Hmm... I'd go for the second guess. Sa isang tulad niya, malabong maaga nagigising ang isang tulad niya na late parati natutulog.

Nung nakaraang araw ko pa hindi nao-open yung phone ko. Natakot kasi ako na baka kung ano yung tinext ni Edward. Ewan. Feeling ko naman wala siyang ite-text na kakaiba eh. Pero OA lang kasi talaga ako kaya ayoko talaga. Bahala na kung sino man ang nagtext sa akin kahapon. Basta ayokong makabasa ng kahit na anong message galing kay Edward.

I know na kapag gusto mo ang isang tao, gustong-gusto mong malaman kung ano ba ang ginagawa niya ngayon and etc. Pero sa part ko, yeah, gusto ko rin yun. Pero kung ang gagawin ko na yun ang magiging dahilan para hindi ako matahimik, huwag nalang.

I got up from bed and nagpunta na ako sa kitchen. Gutom na ako eh. Naghanap ako ng makakain sa fridge but to my dismay, nakalimutan ko palang mag-grocery kaya ngayon, walang laman ang ref. Siguro kung pwedeng ipang-breakfast ang carrots, sure, why not? Pero hindi ako rabbit. That's why I decided to eat my breakfast outside nalang. No choice. Alangan naman hindi ako magbreakfast diba? So nagprepare na ako then pumunta na ako sa isang fastfood na kahit kailan eh hindi na siguro ako magsasawa sa kakakain dun, sa Jabee. Yey. ;)

"Good morning ma'am!" the crew greeted.

"Good morning." I replied.

Then pumunta na ako sa counter para mag order.
Pagkatapos kong mag-order, kinuha ko yung number ko then naghanap ako ng mauupuan. Kahit umaga pa lang, puno ang Jabee. Kaya medyo nahirapan akong maghanap ng mauupuan. Pero may lumapit sa akin na crew and tinulungan niya akong makahanap ng mauupuan. Yung table na nasa pinakadulo lang binigay niya. Nagpasalamat lang ako bago siya umalis

While waiting, nag-observe ako sa paligid. As usual, kahit umaga mafi-feel mo pa rin yung welcoming ambiance ng foodchain na ito. Maybe that's why marami ang kumakain dito kahit anong araw. Masarap naman kasi talaga ang food nila dito eh. Tsaka isa ito sa ma foodstores na pampamilya talaga.

After a few minutes, dumating na yung food ko. Pagka smell ko pa lang sa food, kumalam na agad yung tiyan ko. Kaya kinain ko na agad yung pagkain ko pagkaalis na pagkaalis ng waiter. Nasabi ko na ba sa inyo na mahilig akong kumain?

Tutok na tutok ako sa pagkain ko. Naalala ko noon nung sinabi ni Jen sa akin na kung kumain daw ako eh parang wala ng bukas. Keber. Wala akong pakialam kung ganito ako kung kumain. Eh sa nagugutom kasi talaga ako. Wala namang masama dun diba?

Tutok na tutok pa rin ako sa pagkain ko ng may naramdaman akong nakatingin sa akin. Lumingon ako sa side ko and I saw a lot of people eating. Pero nangibabaw ang isang mukha na kahit last Saturday ko lang nakita eh feeling ko sobrang tagal na ang nakalipas. Si Blue.

He's with a girl, but his eyes are on me.

I didn't know what to do. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiwas nalang ako ng tingin. All I know is that I just kept on watching him watching me. Sabi niya iiwasan na raw niya ako; na tatratuhin niya ako na as if hindi niya ako kilala. But why is he watching me now? And the look that he's giving me, ewan. Hindi ko mabasa kung ano man ang iniisip niya ngayon. Ang hirap basahin ng iniisip niya. Napaka-controlled ng emotions niya.

We stayed like that until mapansin ng girl na kasama niya na wala na sa kanya ang attention ni Blue. She looked at me and I immediately knew na nadagdagan na naman ang kaaway ko. Nilayo ko na yung tingin ko sa kanila and I just shook my head slightly. Pumunta ako dito para kumain at hindi para maghanap ng bagong kaaway. Kung bakit kasi iba-iba nalang ang babae ng lalaking yun. Hindi makuntento sa isa. Peste. Hay...

Nawalan na ako ng ganang kumain. So kahit hindi ko pa nauubos yung pagkain ko, tumayo na ako at umalis sa lugar na yun. Hindi ko na sila tiningnan pa. What for?

Hindi ganun ka ganda yung suot ko now pero hindi rin naman mukhang basura. So even though ganito yung suot ko at hindi pa ako naliligo, I wento to school. Maaga pa naman kasi so hindi pa ganun karami ang tao. I think.

Pumunta na ako sa school then dumiretso na ako sa fountain side. Hindi ko alam kung bakit nasa tagong part ang fountain na ito. Sayang at maganda pa naman. Umupo naman ako sa side nun then nilagay ko yung kamay ko sa tubig.

Hay... sabi sa isang movie, water teaches us acceptance. With my hand immersed in the water, will I learn how to accept the fact that Blue and I won't be friends again?

I sighed. I'm hopless. Kahit yung tubig, dinadamay ko sa problema kong ito. Am I miserable already? I don't know.

"Bakit ka umalis?" someone said.

Nagulat ako. Hindi ko alam kung bakit sinundan niya ako. Or sinundan ba talaga niya ako? Ang kapal naman masyado ng mukha ko para sabihin yun. But why is he here then? I composed myself bago ako humarap sa kanya.

He's standing in front of me with a sandwich in hand.

"What are you doing here?" I asked.

"Sinundan kita. Bakit ka umalis? You're not even finished eating yet."

"Says who? Busog na ako kaya umalis na ako."

"Hindi ka naman marunog mabusog ah."

I glared at him.

"Are you insulting me?"

"I'm not. But kung nainsulto man kita, I didn't mean to. I'm sorry."

"Shut up."

He chuckled.

"Why are you laughing?"

"Namiss ko lang yung pang-aaway mo sa akin."

Umiwas ako ng tingin.

"Akala ko ba iiwasan mo na ako? Bakit ka nandito ngayon ha? Umalis ka na nga lang kung pagkatapos nito eh iiwasan mo na naman ako. Gago ka. Parati mo nalang akong pinahihirapan."

Naramdaman ko naman yung paglapit niya sa akin.

"I told you that it's better if we'll just avoid each other. Yun nga yung ginagawa ko. But if ayaw mo akong iwasan, then don't. It doesn't matter anyway. Sinundan lang kita para sabihan ka na sana, huwag mong pabayaan yung sarili mo ng dahil sa akin. Ayokong madagdagan ang kasalanan ko sa mundong ito ng dahil sayo."

Okay sana yung first part eh. Agree kayo diba? Parang nagaalala talaga siya sa akin. Pero ayaw lang pala niyang madagdagan ang gma kasalanan niya ng dahil sa akin!!

"HOY! Antipatiko kang lalaki ka ah! Feeling mo naman at ipapahamak ko ang sarili ko ng dahil sayo? The nerve! Heh! Kapag nabuhay ang balot, tsaka ko pa siguro gagawin yun! And wait, kailan pa ba nabuhay ang balot? Nevah! Kaya nga balot na eh kasi patay na! Ang BUGOK mo! So that means na NEVER ko rin gagawin yun! Antipatiko! Diyan ka na nga!"

Alam kong kapag nagalit ako, kung ano-ano talaga ang lumalabas sa bibig ko na hindi na dumadaan sa utak ko. Nabuhay ang balot?? -.-"

Nagmarcha na ako papalayo sa lugar na yun. Pero wait, nagngingitngit talaga ang damdamin ko. Hindi ako makontento sa ginawa ko. Yun lang? Pinagsabihan ko lang siya?? NO WAY.

So binalikan ko siya and I stood in front of him.

"Bakit ka bumalik?" he asked.

I smiled my sweetest smile. Ganyan nga Xandra! Wohoo!

"Hmm? May nakalimutan lang akong gawin eh.." nagpacute naman ako.

"Ano yun?"

Bigla naman akong angseryoso.

"ITO."

Then sinipa ko ng malakas yung pinakaiingatan niyang part sa katawan niya.

"AAAAAHH!"

Then umalis ako ng tumatawa!

"Yan ang bagay sayo! Antipatiko ka kasi! HAHAHAHA!"

"Magbabayad ka sa ginawa mo Xandra! Hindi ko makakalimutan to! Aaaahh! TULONG! Magbabayad ka talaga!"

"Oh my goodness! I am SOOOO scared! Hahahahaha!"

Then iniwan ko na talaga siya na humahalakhak. Yan kasi! Ininis pa kasi ako. Huh! Tignan ko lang kung makakabuntis pa ba siya in the future. Sa lakas ba naman ng sipa ko. AJA! :DDD

***

Blue's POV:

"F*ck."

"Tol! Bagong tuli ka?" si Jessie

"Huwag mo akong inisin! Shit. Ang sakiiiiiit. Tol, magiging tatay pa ba ako nito?"

"HAHA! Ano ba kasi ang nangyari?"

"Sino pa ba sa tingin mo?"

"Hmm... wala naman akong babaeng kilala na mangangahas na sipain yang alaga mo. Kung meron man, well, si Xandra yun. Pero hindi naman pwede kasi war kayo. So sino?"

"Tsh. Kaya nga niya ako sinipa kasi WAR kami. Bwisit. Ang sakit tol. May cold compress kba diyan?"

"Sa clinic meron."

"Ang layo ng clinic. Aahh... ang sakit talaga."

"WOHOO! Ang galing ni Xandra ah!"

"Tigilan mo ako! Kuhanan mo na nga lang ako ng cold compress tol. Maawa ka. Ang sakit talaga."

"Tsk tsk. Kung hindi lang kita kaibigan, hindi talaga ako papayag. Aba. Ang sakit sa pride na utus-utusan lang ."

"Oo na, oo na. Babawi rin ako sayo. Pero please tol, cold compress.."

"Fine. Diyan ka lang. Kukuha lang ako sa clinic."

"Bilisan mo!"

"Huwag kang demandin tol! Hahaha!"

"Xandra, magbabayad ka talaga sa ginawa mo..." sabi ko sa sarili ko nung makaalis na si Jessie.

I was glad to see her this morning sa Jabee. Hindi ko gawain ang tumingin sa ibang babae kapag may kasama akong babae. Pero kanina, hindi ko talaga naiwasan. I missed her. And frankly, kaya ko siya sinundan kasi nagalala ako para sa kanya. She didn't finish her meal and alam ko na kung may bagay man sa mundong ito ang hindi niya uurungan, pagkain yun. Kaya nga kahit nagalit sa akin si Karla sa ginawa kong pagiwan sa kanya, umalis pa rin ako para sundan siya at bigyan siya ng pagkain. Alam kong umalis siya kasi nandun ako. Pero ano ang napala ko? Sinipa lang niya ako ng malakas at tinawag pa akong antipatiko. Alam kong kasalanan ko rin naman kung bakit niya ginawa yun. Pinalabas ko kasi na hindi ko naman gusto na sundan siya. Parang no choice lang. Ginawa ko yun kasi ayokong malaman niya na nagaalala ako para sa kanya. Hey, not in a romantic way okay? So yun nga, pinalabas ko na parang kasalanan pa niya kung bakit kinailangan ko siyang sundan and ang napala ko, eto, isang napakalakas na sipa. Gago. Nakalimutan ko na taekwondo black belter pala siya. Gago talaga.

"Heto na yung cold compress tol."

Tinanggap ko naman yun.

"Salamat."

"Anong gagawin mo diyan? Mababasa pantalon mo niyan."

"And sino naman ang maysabi sayo na sa pantalon ko ito ilalagay? Siyempre sa site mismo."

"LOL! Magpipyesta ang mga chicks sa gagawin mo tol! Umagang-umaga maghahasik ka na ng lagim!"

"LOL! Hindi ako tanga para maghubad dito and gawing laughing joke ang sarili ko. Ano nalang ang iisip ng mga girsl?"

"So san ka nyan?"

"Sa CR siyempre. Sige tol. Salamat dito. Kita nalang tayo mamaya."

Umalis na nga ako dun at naghanap na ako ng CR. Nasa Engineering building ako and hindi ako familiar sa mga CRs dito. So naghanap talaga ako ng naghanap hanggang sa nakakita ako. Nung nakakita na ako, pumasok na ako sa nagiisang gumaganang cubicle and I placed the cold compress. Para akong nasa heaven nung nalagay ko na yun. Napapikit pa ako.

"Haaaay.."

Ang sakit talaga ng ginawa ni Xandra. Kaya kahit gaano ko pa siya namiss, magbabayad talaga siya sa ginawa niya.

I've been there for I think how many minutes. Hindi ko na napansin. I just loved the feeling of the cold compress on my 'thing'. Kaya nagulat ako nung narinig ko yung pag ring ng bell. Means that 5mins nalang before nagsta-start na ang klase ko. Kinuha ko yung cold compress and inayos ko yung sarili ko. Lalabas na sana ako ng bigla akong nakarinig ng pagtatawanan ng mga babae.

Wait, BABAE?! You mean, I'm here in the girls' CR right now?? F*CK!!! At dito ko pa talaga ginawa yung act na yun! F*CK!

"Shucks! I saw Blue recently and he looks so hot in his blue shirt." a girl said.

"Kailan pa ba hindi na hot si Blue? Kahit pa siguro basahan ang suotin niya, hot pa rin siyang tignan. Yummy!"

"Haha! Mukha pa lang, ulam na."

"Yeah. And take note, mukha pa lang yun. Kapag dinagdag mo na ang katawan, shucks! Nakakabaliw talaga!!"

I admit, may advantage pa rin pala ang makulong sa girls' cr. But what the heck? HOW DID I END UP HERE?? SHIT! Sana lang walang makaisip na mag CR talaga kasi kung meron man, wala na talaga akong kawala nito. Kung bakit kasi isang cubicle lang ang gumagana! Lord, I promise kapag walang nag-CR dito ngayon, hindi ko na pagbabayarin si Xandra sa kasalanan niya. Promise po talaga! Basta ilayo niyo lang po ang mga tao dito sa CR na ito. Please!

"Halika na. Magsta-start na yung class."

"Wait, call of nature. Kailangan kong ilabas to."

SHIT!

"May tao pa."

"Una ka na lang. Hihintayin ko nalang na matapos."

"Kanina pa yan ah."

No way.. Napansin na nila.

"Katukin mo kaya."

NO! Don't do that! SHIT!

Nakarinig naman ako ng mga katok sa pinto. SHIT! What am I gonna do??

"May tao ba diyan?" tanong ng isang babae.

Blue, mag isip ka! Shit! Anong gagawin ko??

Nakarinig ulit ako ng katok sa pinto.

"May tao ba dito?"

SHIT!!

Then may naisip ako.

I silently cleared my throat and pinaliit ko yung boses ko.

"Yes..."

F********CK!

SO GAY!!

"Ano raw? Yes?" tanong ng isang bababe sa mababang boses. Pero narinig ko pa rin. Alangan naman hindi eh nasa labas lang sila ng cubicle naguusap.

"Yes daw. Sige na. Maya nalang ako magsi-CR. Kaya pa naman eh." sabi ng isa sa mababa din na boses.

"Pero narinig mo ba yung boses niya? Parang bakla!"

Then narinig ko silang humagikgik then nawala.

Nasapo ko yung noo ko.

Thank god at nawala na sila. I waited for a minute then naglakad ako ng mabilis palayo sa lugar na yun. Bago ako lumayo, tinignan ko muna yung sign sa door. Shit! Pambabae talaga! Shit!

Trust me, hinding-hindi na ako babalik sa part na yun ng building!

Kung hindi niya ako sinipa, hindi ako masasaktan ng ganito and hindi sana nangyari sa akin ito.
Kasalanan niya itong lahat.

"Xandreia Yu, magbabayad ka talaga sa ginawa mo sa akin."

***

Wednesday, August 11, 2010

Xandreia Yu - 16

Blue's POV:

"Xandra..." I said to myself.

My mind knows that she's beautiful. Guys are after her but she doesn't give a damn about them so she doesn't know. But now, my eyes saw how beautiful she is. So much beautiful...

"Crush mo siya?"

I looked at Jessie and I saw him looking at her too.

"Sino?" kaila ko. Although alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"That girl." then tinuro niya si Xandra.

"Huwag ka ngang magbiro, tol. Hindi nakakatawa." I don't have a crush on her. I can't have a crush on her. Iba kasi siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Gusto kong i-retain kung ano man itong nararamdaman ko para sa kanya. She's special. I consider her as someone close to my heart. I respect her a lot. Kaya nga iniiwasan ko na siya kasi ayoko na siyang saktan.

"Nag deny ka pa. Ano ba ang nangyari sa inyo kahapon? Lahat kami nagtataka. Close na close kayo kahapon ng umaga. Pero pagbalik niyo galing sa drop off, para kayong binagsakan ng langit at lupa. Ang hirap niyong lapitan dalawa kahapon. Lalo na si Xandra."

"Kung ano man ang nangyari sa amin kahapon Jess, sa amin nalang yun."

Gusto ko pa rin suntukin ang sarili ko kapag naaalala ko ang mga nagawa kong kasalanan sa kanya.

I said to myself before that I will stop looking at her as an object of my pleasure. As I said, mataas ang respeto ko sa kanya. Kaya kahit mahirap, pinilit kong kalimutan kung gaano ko siya kagustong makuha. The feel of her lips made me feel something that I have never felt in my entire life. Pero nung nasa speed boat na kami, hindi ko na napigilan ang sarili ko. I could have taken her right there and then kung hindi lang niya pinutol yung ginagawa namin. I was losing my control and thank god at nagawa niyang putulin yun. Kung hindi, kahit na ang makuha siya ang gusto ko, buong buhay ko talagang pagsisisihan yun.

With her, I saw a friend. A real friend. I made a promise to her na hindi ko pa nagagawa sa kahit kaninong tao. Kahit kakakilala lang namin and kahit hindi maganda ang naging simula ng pagkakaibigan namin, I still feel like she's the best person in the world. That's why gustong-gustong ko ng saktan ang sarili ko nung nakita ko kung gaano ko siya nasaktan nung nagpapaalam ako sa kanya kahapon. I wanted so much to hug her; to take her into my arms. I wanted to make the pain that she's feeling go away. And nahihirapan akong tanggapin na ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ng ganoon. So decided to stay away. Ayoko na siyang saktan pa.

I lost the chance of having someone I can lean on when I feel like giving up.

"In love ka ba sa kanya tol?"

Gulat na napatingin ako kay Jessie.

"Ano bang pinagsasabi mo? I met her just recently tapos sasabihin mong in love ako sa kanya? No. I'm not in love with her."

'I can't be in love with her.' sinabi ko sa isip ko.

Gustuhin ko mang malaman kung ano ang pakiramdam ng nagmamahal, hindi pwede. Sasaktan ko lang ang babaeng mahal ko at sasaktan ko lang ang sarili ko. Besides, hindi ako karapatdapat na mahalin. Ang dami ko ng nasaktan at ginamit na mga babae. Pero kung dadating man ang araw na magmamahal nga ako, sisiguraduhin ko nalang na hinding-hindi ako mamahalin ng babeng mahal ko. Her love is something that I can't have. It's too much. And I'll just hurt her. Ayokong saktan ang babaeng mahal ko. Di bale na kung ako ang masaktan. Huwag lang siya.

I looked at Xandra.

Ayoko nga siyang masaktan. But that doesn't mean na in love na ako sa kanya. Papatulan ko ang lahat ng babae dito sa mundo, but not her. Iba kasi siya. And complications lang ang makukuha ko kapag nagkagusto ako sa kanya.

"Bahala ka nga sa buhay mo. Alis na ako. May klase pa ako." then he left.

Naiwan akong nakaupo dito sa mga bleachers habang tinitignan si Xandra.

She's not the prettiest among the girls that I have met. Pero may something talaga sa kanya na nakakuha ng attention ko. Gustong-gusto ko siyang tignan. Gusto ko siyang makita parati.

Then an idea got in my mind.

I told her that I'll stay away. But that doesn't mean that I won't look at her. And to look at her from afar is the best thing that I can do. My looking at her is harmless, right? I won't hurt her in any form. I just want to see her... in any way that's possible.

Nakaharap siya sa akin so it'll be so much easy in getting the job done.

Naghanap lang ako ng magandang angle and I readied it. I waited for the right moment and when I saw her smile, I did the job and umalis na ako dun para hindi niya ako makita.

I smiled to myself.

I may not be able to talk to her again or see her all the time. But at least, I have this:

my stolen picture of her. :)

***

Monday, August 9, 2010

Xandreia Yu - 15

"AYOKOOOOOOOOO!" Hinding-hindi ako magpapakita sa kanya! I like him. Totoo yun. And gusto ko na hanggang diyan lang ang lahat. Baka kapag nakipagkita ako sa kanya, umusbong pa ang 'like' na yun into that four letter word na sobrang complicated.

"Huwag mo akong sigawan!"

"BASTA AYOKOOOOO!"

"FINE! Just don't shout okay? Baka akalain pa ng mga kapitbahay mo eh ni-rape kita! Hindi kita pag-iinteresan!"

Ouch.

"ANO?? At bakit ha? I'm attractive!"

"Attractive nga siguro pero ang lakas-lakas naman ng boses! Baka masira pa ang eardrums ko sa lakas ng boses mo!"

Ang sakit naman magsalita ng unggoy na ito!

"Hindi "siguro"! Attractive talaga ako!"

"Oo na! Just quit shouting! Para tayong magpapatayan!"

"Hindi kita papatayin!"

"OO NA NGA!"

I took a deeeeeeeeep breath.

"Huh! Ang dami kong inaksayang hangin dun ah!"

"You could have said it to me softly. Hindi yung singawan mo pa ako."

"Sorry na. Nagulat lang naman ako."

"I bet puno na ng laway mo ang phone mo."

Tinignan ko naman yung phone ko. Wala naman eh!

"Ang sama mo! Wala kaya!"

"Sus, nagpalusot ka pa. Huwag ka ng magsinungaling. Alam ko yung totoo."

"Che! Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin. Pero hindi ako makikipagkita sayo!"

"Bakit nga?"

I can't tell him na ayokong makipagkita sa kanya kasi ayokong ma in love sa kanya. Haller? Hindi pa kao nababaliw!

"Baka ma rape lang ako ng wala sa oras!"

Ma-rape? Oh well. Okay ng reason yun.

"I told you, hindi kita pag-iinteresan! I can perfectly get any woman I want. Yung hindi na kailangang pilitin pa."

WHAT??

"You mean... HINDI KA NA VIRGIN??"

My! bakit parang nagulat ako?? And why is it na gusto kong sabunutan yung mga babaeng nakasama na niya sa kama? Shots!

"Andreia! What am I going o do with you??" he sounded like gusto niya akong sakalin.

"Bakit? Ano ba ang sinabi ko?"

Baliw ata itong lalaking ito ah. Wala naman akong sinabing masama ah!

"I'm already 19 years old and you expect na virgin pa ako sa lagay na ito? Ano ka ba! Ang sarap mong sakalin!"

Tama nga ako. Gusto nga niya akong sakalin.

"Malay ko ba ha! Hindi naman lahat ng tao inaamin kung virgin pa ba sila or hindi na!"

"Alangan naman sa first day of meeting pa lang sasabihin ko na, "Hi miss. I'm Edward. By the way, hindi na ako virgin." magisip ka nga! Baka masampal lang ako ng wala sa oras."

Silence.

..

..

..

"HAHAHAHAHAHA!" Humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. Oo nga noh? Ang pangit pala talagang pakinggan!

"So ngayon, tatawanan mo ako." nagtunog nagtatampo siya. sus!

"Ikaw naman. Eh sa nag-reflect ako dun sa sinabi mo. At tama ka nga! Ang sagwa!" tumawa ulit ako.

"Oo na! Masagwa na! So let's just stop talking about me not being a virgin anymore okay? Baka mag change pa ang utak ko at pag interesan pa kita."

"ANO??"

"Joke lang!" and siya naman ang tumawa ng malakas.

"Huwag na huwag mo akong pag-iinteresan Edward ha at baka masipa lang kita!"

"Yeah2."

"Seryoso ako!"

"Oo nga! Ikaw, ilang beses mo na akong sinigawan sa araw na ito. Hindi ka ba napapagod?"

"Ikaw naman ang may kasalanan! Eh sa ginugulat mo ako."

"Fine. I'm sorry. Pero bakit ayaw mong magpakita sa akin?"

"Ayoko ngang ma-rape."

Maniwala ka nalang kasi!!

"I'm not dumb Andreia. Alam kong hindi yan ang totoong reason."

"At bakit ha? Naka-link ba ang utak mo sa utak ko at alam mo kung ano talaga ang tumatakbo sa isip ko ngayon?"

"Hindi. Pero may pakiramdam ako. And sinasabi ng pakiramdam ko na hindi yun ang totoong dahilan. So tell me, bakit nga ba?"

Hindi na siguro talaga ako makakapagtago ng kahit ano sa taong ito. Ang wais masyado.

"Ayoko kasi... hmm..." shets. Sasabihin ko ba? Urgh!"

"Kasi?"

"Kasi... N-natatakot ako..."

Ayan. Nasabi ko na. Wait, partly eh nasabi ko na.

"Natatakot ka saan?"

"S-sayo."

Silence.

"Edward?"

"Yeah?"

"Hindi ka na nagsalita."

He sighed.

"Bakit ka naman matatakot sa akin? Ganun na ba kasama yung mga pinapakita ko sayo Andreia?"

"H-hindi naman sa ganun. Kahit na parati mo nalang akong iniinis, nagustuhan ko lahat ng mga pinapakita at pinaparamdam mo sa akin. Per kasi..."

"Kasi ano? Just tell me Andriea. I promise, hindi kita pagtatawanan."

"Che! Pagtawanan mo ako at ihuhulog kita sa bangil!"

"Oo na. Pero bakit nga?"

"Uhmm... kasi..."

"Kasi?"

I took a deep breath.

"Ayokong maramdaman ito Edward. Pero ikaw kasi eh. Masyado kang mabait sa akin. Napaka thoughful mo pa. Tapos ikaw pa ang napagsasabihan ko ng mga problema ko. Nagkaroon ako ng confidante. Pero hindi nakuntento yung puso ko dun eh. Kasi... hay naku! Hindi ko sinasadya okay? Hindi talaga. Please don't say na I took advantage of your kindness or what. Hindi ko lang talaga napigilan. Tsaka, hindi naman ito love eh! Crush lang! Wait, no. Not crush. It's more that that. Ayokong makipagkisa sayo kasi I.. hmm... I l-like you. At natatakot akong ma in love sayo. Ayoko. Hindi pa ako handa. Yun. Sige! Pagtawanan mo ako at hindi na talaga kita kakausapin kahit kailan!"

Shots! Nasabi ko na! Nakakahiya! I never thought that I would actually have the guts to confess my feelings to someone! At kay Edward pa talaga!

I like him. Totoo talaga yun. Kahit na sa phone lang kami nagkakilala, it seems like our friendship is way better compared to other people na nagkakilala in person talaga. Pero... haist! Bakit ba kasi hindi napipigilan ang puso?? Ayan tuloy!

nagtaka ako kung bakit wala siyang reaction. Shet! Galit siguro siya kaya hindi niya kao kinakausap!

"Edward? Please naman oh. Sorry... hindi ko talaga sinasadya. Kung gusto mo, pipigilan ko 'tong nararamdaman ko. Huwag ka ng magalit sa akin. Sorry na.. Edward..."

Wala pa rin nagsalita.

"Edward uie! Magsalita ka nga! Kung hindi ka magsasalita, puputulin ko talaga itong call."

Wala pa rin.

"Fine! Kung ayaw mo, eh di huwag!"

Pipindutin ko na sana yung End button ng matigilan ako.

"Shets! Ang tanga ko!"

Tinabunan ko ng unan ang mukha ko.

Napahiya ako!

Hindi kay Edward but sa sarili ko!

Binato ko yung walang kwenta kong phone sa kung saan.

Shets!

Pero mabuti nalang at nangyari yun. Kasi hindi ko nasabi ang lahat kay Edward.

Pero...

Napahiya pa rin ako!

Kasi off na pala ang phone ko!! lech!

***

Thursday, June 17, 2010

Xandreia Yu - 14

On that night, the rain kept on falling..

And so as my tears. Basang-basa na yung unan ko sa kakaiyak. Nagulat nga ako sa sarili ko. I never thought that losing someone would make me cry this hard. Lalo kong napatunayan na marami na nga ang nabago sa akin. And ang lahat ng yun ay dahil sa kanya. Dahil kay Blue.

Bigla naman nagvibrate yung phone ko. Someone's calling. Ica-cancel ko na sana yung call kasi ayokong makipagusap sa kung sino man sa ngayon. But when I saw Edward's name on my phone's screen, nagbago ang isip ko.

"Hey." sabi ko pagkasagot ko sa call.

"Andreia." I froze. Why does his voice sound this way? I don't know. It sounded... different and... familiar. o__O

Bigla naman akong napatigil sa pagiyak ko ng dahil dun. I took a deep breath before ko siya kinausap ulit.

"May problema ba Edward?"

I heard him sigh.

"Nah. Just tired."

"Ganun ba.."

"Yeah."

"Bakit ka tumawag?"

"I don't know. But I guess I just want to hear your voice. Ang ganda kasi."

"Thank you. Pero sa tingin ko, may problema ka. Meron ba?"

"Wala. Pagod lang talaga ako."

I stayed silent for how many seconds.

"Andreia? Still there?"

"Yeah."

"Hindi ka na nagsalita."

"Hindi lang kasi ako sanay na ganito ka. Yung seryoso. Akala ko kasi parati kang masaya. Yung walang problema.."

"May problema ka ba Andreia?"

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"You sound different today. May problema ba? You can share things with me, you know. Gaya nung pagcoconfide mo sa akin ng problema mo noon."

I sighed.

"Wala 'to. Don't worry."

"Andreia.."

Napangiti naman ako sa tono ng boses niya nung sinabi niya yung pangalan ko. Para kasing alam niya na nagsisinungaling ako at gusto niyang sabihin ko yung totoo.

"Fine. I'm not okay. I lost a friend."

"Bakit naman?"

"I can't tell. Basta nawalan ako ng kaibigan. Yun na yun. And it's hurting me like hell."

"Bakit ka nga kasi nawalan ng kaibigan? Ang sama-sama mo siguro kaya inaway mo siya. Ang suplada mo pa naman."

"Hoy Edward, kung iinisin mo lang ako, then huwag mo nalang akong kausapin pwede? Wala ako sa mood."

"Wala ka naman talaga sa mood. Nasa earth ka 'day."

Huh?? o_O"

"B-bw-bw-bwahahaha! ANG CORNY MO!" baliw talagang itong tao na ito!

"Ikaw diyan ang baliw. Kani-kanina lang eh ang lungkot-lungkot ng boses mo. Tapos bigla ka nalang tatawa. Baliw ka talaga."

Oo nga noh? Iyak ako ng iyak kanina. Tapos bigla nalang akong napatawa ni Edward. :)

"Eh sino ba naman ang hindi gagaan ang pakiramdam 'pag kausap ka? Eh lahi ka kaya ng mga unggoy. Kaya nakakatawa talaga."

"Hoy, anong connect dun?"

"Hindi ka ba tumitingin sa salamin? Aba, mukha mo pa lang, nakakatawa na!"

"Ang sama mo! Para namang nakita mo na ako. Ide-demanda kita!"

"Hindi ko na kailangang makita ka para malaman ko na mukha kang unggoy! At ano namang kaso ang ide-demanda mo laban sa akin ha??"

"Verbal abuse!"

"Paano naging verbal abuse yun? Yun ang tinatawag na 'The truth hurts'."

"Hindi yun ang truth kaya hindi yun hurts!"

"Huh?"

"Wala."

"Seriously Edward, you need to update your grammar."

"Hindi na kailangan. Marami akong grammar."

"WHAT IN THE WORLD ARE YOU TALKING ABOUT?"

"You're so uncool Andreia. Wala bang joke sa baryo niyo?" -.-"

"Shut up and drive." huh?

"DRIVE??"

"You're so uncool Edward. Wala bang joke sa baryo niyo?"

"Ginagaya mo ako 'ne."

"Paki mo 'toy?"

"Akin yun eh. Plagiarism na yun 'ne."

"Hindi yung plagiarism 'toy. Totoy ka pa talaga. Ang dami mo pang hindi alam. Ilang taon ka na ba ha?"

"55."

"Hmm... hindi pala nagkakalayo ang mga edad natin."

"Bakit? Ilang taon ka na ba?"

"30."

"Marunong ka bang magbilang?"

"Oo. Bakit?"

"Hindi mo ba alam kung gaano kalayo ang 55 sa 30?"

"Hindi mo ba alam na joke yung sinabi ko?"

"Hindi mo ba alam na hindi nakakatawa ang joke mo?"

"Hindi mo ba alam na hindi naman kailangan na nakakatawa ang joke?"

"Mali! Kaya nga joke, kasi, funny!"

"Eh ang daming joke na hindi funny!"

"Eh sa funny talaga dapat ang joke!"

"Eh sa hindi nga lahat ng joke, funny!"

"OO NA! Tumigil ka nalang sa kakasalita mo please? Ang sakit na sa tenga 'ne!"

"Shut up totoy!"

"ANDREIA!!"

"Who you??" panggagaya ko sa text. "Text back!"

.

..

...

....

.....

"WAHAHAHAHAHA!" sabay pa kaming natawa.

"Ang corny nun Andreia!"

"Para namang hindi ka corny??"

"Oo na. Pero natawa talaga ako dun. Kaya nga gustong-gusto kita kausap eh. Kasi nakakalimutan ko na may mga problema pala ako."

"I feel the same. Sa totoo lang, kung hindi ikaw ang tumawag, hindi ko talaga sasagutin ang call. Thank you ha?"

"Hmm.." I heard him sigh.

"Ok ka lang?"

"I'm not. Pero kailangan kong maging ok. No choice eh.."

"Ano naman ang silbi ko? Kung pagod ka ng mag-pretend na ok ka, tawagan mo lang ako. Gaya ngayon, huwag ka munang mag-pretend na ok ka. Kung ano yung totoo mong nararamdaman, ilabas mo. Don't worry. Hindi kita tatawanan."

"Talaga lang ha." he sighed again. "I just wish that there will come a day... that I will be truly and completely happy. I don't want to live with this kind of sadness anymore. All I ever wanted is to be happy. But I guess, I just can't. And I will never be.."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natatakot ako na baka may mali akong masabi at mas masaktan ko pa siya. I don't know. With the way he said it, the feeling of sadness was overflowing.

Silence continued. Then I heard him sigh.

"Wala ka bang sasabihin, Andreia?"

"I don't know what to say.." I said softly.

I heard him chuckle.

"Hindi mo rin naman kailangang magsalita pa. Makinig ka lang sa akin, at ok na yun."

"Thank you, Edward."

"Para saan yan?"

"For opening yourself to me. I know hindi tayo close and all, pero pinagkatiwalaan mo ako. Sinabihan mo ako ng nararamdaman mo. That means a lot to me, you know."

"I should be the one thanking you. You came into my life and in some ways, you reminded me that life's not always sad and hurtful. You just have to experience those things so that you can be able to treasure every happiness that you can get."

I kind of reflected on what he said.

And tama nga siya.

Sometimes, kailangan mo talagang maranasan ang mga masasakit na bagay para mas maappreciate mo ang buhay: kung gaano ka ganda ito. Minsan kasi, akala natin liligaya tayo sa isang bagay kasi yun yung sinasabi ng mga isip natin. Pero ang hindi natin alam, mayroon pa palang ibang bagay diyan na hindi naman ganoon ka significant pero magpapasaya pala sa atin.

"Andreia..."

"Yep?"

"Magkita na tayo."

***

Wednesday, June 16, 2010

Xandreia Yu - 13

Hapon na nung dumating kami sa Manila at hinatid ako nina Jessie dito sa bahay.

Hindi na ako nagpahatid sa taong yun. Bakit ko naman gagawin yun? Eh wala namang ibang inisip yun kundi ang sarili niya.

Nandito ako sa couch at nakatingin sa labas ng bintana. Ang gloomy ng weather. Parang ano mang oras, uulan.

I sighed.

Parehas kami ng nararamdaman ng langit. Gloomy...

Nung nagbibiyahe kami papauwi, nagtaka yung mga kasama namin kung bakit hindi ako sa taong yun sumabay. Pero hindi na sila nagusisa pa kasi naramdaman siguro nila na may something bad na nangyari. And salamat talaga at hindi na sila nagpumilit pa.

Sobrang sariwa pa kasi ng sakit at ng kahihiyan na dinulot sa akin ng taong yun.

Ang tanga ko. Hindi man lang pumasok sa isip ko na baka may ulterior motive ang isang yun kaya naging malapit kami.

Ayoko na sanang isipin pa ang lahat ng yun.

Pero nahihirapan kasi ako.

Ang hirap paniwalaan na ang lahat ng yun ay kasinungalingan lang talaga.

May instinct na tinatawag ang mga tao. Kahit tignan mo lang ang isang tao, masasabi mo na talaga kung mabuti ba siya o mabait. Kung nagpapanggap ang isang taong masama na maging mabait, kahit ano pang pagtatago ang gawin niya, mararamdaman pa rin yun ng mga taong nasa paligid niya na masama siya.

Pero kay B--- sa taong yun, hindi ko naramdaman na nagpapanggap lang siya. Especially last night when he told me all those things. It was genuinity that I felt in his words.

Pero siguro nga, magaling lang talagang siyang magpanggap.

Umuulan na. And kasabay nun ay ang pagpatak ng mga luha ko.

Ang sakit-sakit. Ayun na naman yung pakiramdam na parang may mga kutsilyong sumasaksak sa puso ko.

Umasa ako na sana, mas maging fruitful pa yung pagkakaibigan namin. Pero wala palang mangyayari na ganun kasi hindi naman talaga totoo yung intention niya na kaibiganin ako eh.

Ang sakit-sakit din na inamin ko pa sa sarili ko na gusto ko siya.

Ibang klase pala talaga siya. Kaya pala talaga maraming babae ang nababaliw at naghahabol sa kanya. Eh ang galing niyang mangloko eh.

Pati ako, naloko niya.

Narinig ko naman na may kumakatok ng mahina sa gate. Pinunasan ko agad ang mga luha ko at tinignan ko mula sa mga bintana kung sino yun.

And nagulat ako sa nakita ko.

Andito siya.

Sa harap ng bahay ko.

At nagpapaulan.

Pinuntahan ko siya agad. Hindi ko na inintindi kung gaano pa kalakas ang ulan at kung mababasa ako.

Galit na kasi talaga ako.

"Ano ba ang problema mo at nagpapaulan ka?! At bakit pumunta ka pa dito? May bago ka na naman bang plano para mapapayag ako diyan sa gusto mo??"

Basang-basa na rin ito ngayon ng dahil sa ulan.

"Xandra..."

I helplessly sighed. Yumuko ako.

"Tama na... Please? Ayoko na eh... Tigilan mo na ako oh. Hindi pa ba sapat sayo na nasaktan mo ako? Hindi pa ba sapat yung kahihiyan na dinulot mo? A-ang daya-daya mo naman kasi eh." hindi ko na napigilan yung sarili ko na umiyak. Mabuti nalang at umuulan kaya kahit papaano, hindi ganun ka obvious. "S-sana, sinabi mo nalang yung totoo. Sana, h-hindi mo nalang ako niloko. At s-sana, hindi nalang ako umasa... Kahit kakakilala pa lang natin, tinuri na kitang kaibigan. Alam mo ba na si Jen lang at ikaw yung kinikilala kong kaibigan? Kaya nga ang saya ko nun kasi nakilala kita kahit na hindi maganda yung una natin na pagkikita. T-thankful ako sayo kasi sa tatlong araw simula nung magkakilala tayo, marami ang nagbago sa akin in a good way. P-pero nung nalaman ko na part lang pala ang lahat ng yun sa plano mo..." hindi ko na tinuloy yung pagsasalita ko.

Hindi ko na kaya eh.

Ang sakit-sakit kasi talaga...

Hindi nga siguro niya nakikita na umiiyak ako ng dahil sa ulan. Pero ayoko pa rin siyang tignan. Mas lalo lang kasing sasakit eh. Kaya nanatili lang akong nakayuko dun at tahimik na umiiyak.

"Umalis ka na... Please..."

Nakita ko naman na may inabot siya sa akin.

And mas bumuhos pa ang mga luha ko ng makita ko kung ano yun.

A white Rose.

"Kunin mo.."

Pero tinitigan ko lang yun. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yun o hindi.

Hinawakan naman niya yung kamay ko at nilagay dun ang Rose.

"May nadaanan akong flowershop nung papunta ako dito. I found that Rose beautiful kaya naisipan kong bigyan ka.."

Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lang ako sa Rose na nasa kamay ko. Kahit patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko, nakikita ko pa rin yun ng mabuti. It's so beautiful. Nakadagdag pa sa kagandahan nito ang mga patak ng ulan na nakadikit dito.

Then naramdaman ko naman yung kamay niya sa mukha ko.

Then I realized, he's wiping my tears.

Napatingin ako sa kanya.

He's smiling at me. Pero hindi yun umabot sa mga mata niya. His eyes conveyed sadness and... guilt. Matinding guilt ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon.

At mas lalo pa akong napaiyak.

"Hey, don't cry. Bakit mo iiyakan ang isang gagong katulad ko? I'm not worth your tears so huwag ka ng umiyak." pinunasan na naman nito ang mga luha ko.

Bakit ganito ito? Bakit sinasabi nito ngayon ang mga yun? Deep inside me, alam kong totoo ang mga pinapakita niya sa akin. Hindi siya nagpapanggap. Alam kong hindi.

"Alam kong mahirap paniwalaan pero thankful ako at nakilala kita. Thankful ako at may nabuo akong memories kasama ka. Kahit na nasira ang lahat ng dahil sa kagaguhan ko, thankful pa rin talaga ako. Kaya huwag kang mag-alala. Pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin pa. Ayokong nakikita kang umiiyak. So, huwag ka ng iiyak ha? Kasi hindi na talaga kita guguluhin pa.."

I saw him smile. Pero parehas pa rin yun sa smile na binigay niya kanina. Punong-puno pa rin ng kalungkutan ang mga mata niya.

Then nakita kong unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin.

And again, bumuhos na naman ang mga luha ko sa ginawa niya.

He kissed my forehead.

"Thank you, Xandra. And.. I'm sorry."

Then umalis na siya sa harap ko at pinaharurot palayo sa akin yung sasakyan niya. Nanatili lang akong nakatayo dun at tinitigan yung papalayo niyang sasakyan. Hindi ko inintindi ang buhos ng ulan. Mawawala na siya sa buhay ko. Dapat maging masaya nga ako diba? Pero hindi ganun yung nararamdaman ko. Mas lalo akong nasaktan. Mas masakit pa ito kaysa nung ginawa niya sa akin kanina.

Bakit ganito? Ayoko siyang mawala sa akin. Pero wala na eh. Tapos na ang lahat sa amin. He already apologized and napatawad ko na siya.

Yeah, napatawad ko na nga siya. Sigurado na ako ngayon na totoo yung mga pinakita niya sa akin sa resort. Wala ni isang pagpapanggap ang naganap. Genuine ang lahat ng pinakita niya. Hindi ko alam kung bakit hindi niya pinagtanggol ang sarili niya. Pero hindi na mahalaga sa akin yun ngayon. All I know is that wala ng manggugulo sa akin, wala ng mangiinis, at wala ng mangaasar. Pero hindi ko gusto ang lahat ng yun. Nasasaktan ako. :(

Napansin ko naman yung hinahawakan kong Rose. A white Rose means purity. Hindi ko alam kung alam ba niya yun, pero ng dahil sa Rose na yun, nalaman ko na totoo lahat ng pinakita niya. Babaero nga siya, pero kung kikilalanin mo lang siya, malalaman mo kung gaano kaganda ang pagkatao niya.

At yun and dahilan kung bakit ako nalulungkot ng husto. Kasi hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon para kilalanin pa ang totoong siya.

Nilagay ko sa dibdib ko ang Rose at niyakap ito. Napaiyak na naman ako.

"Blue..." :(

***

Monday, June 14, 2010

Xandreia Yu - 12

Nakasakay na kami sa speed boat papunta sa location ng drop off. Sabi ni Blue, mga 30 minutes daw ang time travel papunta dun. So malayo pala talaga.

Siyangapala, si Blue ang nagda-drive sa speed boat at kaming dalawa lang ang nandito. Kahit hindi siya part ng crew sa resort na yun, pwede siyang mag guide sa tourist papunta sa drop off. My certificate na kasi siya na nagbibigay ng authorization sa kanya na mag ganun. Ang cool nga niyang tignan kahit na likod lang niya ang nakikita ko. We're wearing this black wetsuit kaya natatakpan talaga ang whole body namin at bakat na bakat din sa body namin. Kanina rin nung first time ko siyang nakita na nakasuot ng wetsuit, napanganga talaga ako.

He's so gorgeous while he was walking his way towards me. May kasama pang smile. Nagmukha siguro talaga akong ewan nung time na yun habang nakatingin sa kanya. Kasi naman, ang ganda ng katawan niya. Complete with muscles all in the right corners. Then nung napatingin ako sa lower part ng body niya, muntik ko ng batukan ang sarili ko sa nakita.

Kasi naman eh!

Bakat na bakat din yun "ehem"!

Ramdam na ramdam ko talaga nung time na yun yung panginginit ng mukha ko. Nag-iwas agad ako ng tingin at hindi ko pinahalata sa kanya yung pagba-blush ko.

Nakita ko rin kanina kung paano niya tinignan yung katawan ko. Binatukan ko siya agad. Nakita ko na naman kasi yung way ng pagkakatingin niya sa akin nung naabutan niya ako na naked sa bathtub. Siyempre nahiya ako at naging uncomfortable ako kaya ko siya binatukan.

Now, dahil nakatalikod siya, kitang kita ko kung gaano ka sexy ang likod ni Blue. Especially his butt. It's so cute! Ilang minutes siguro akong nakatingin sa butt niya. Then naisip ko na para na akong pervert na ginagawa ko. Kaya nag iwas nalang ako ng tingin habang namumula.

Ano kaya ang itsura ni Blue kapag wala siyang suot?

Pinilig ko yung ulo ko para mawala sa isipan ko yung mga iniisip ko.

Iba talaga ang epekto kapag HOT ang kasama mo. Nagiging hot din kasi ang paligid.

Wohoo! Bigla talagang uminit ang paligid kahit mahangin naman talaga. Tsk, tsk.

"Andito na tayo." sabi ni Blue.

Tumigil na yung speed boat. Para kaming nasa gitna ng kawalan. Wala akong ibang nakikita kundi ang dagat lang talaga.

Napahawak naman ako sa railings ng speed boat.

"Ahm... dito nalang ako. Hihintayin nalang kita dito."

Natawa ito ng mahina.

"Akala ko na napagkasunduan na natin ito? You trust me, right? O baka naman hanggang salita lang ang lahat ng yun?"

"Tumigil ka nga! May tiwala ako sayo. Pero sa sarili ko, wala."

Lumapit siya sa akin at umuklo na naman sa harap ko. Pero this time, hindi na niya hinawakan ang kamay ko. But instead, nilagay niya yung mga kamay niya sa mga tuhod ko.

Saglit akong natigilan.

No guy has ever touched me on that part. It's so simple yet intimate. And dahil doon, hindi ko na naintindihan yung mga sinasabi niya. Naka-concentrate lang yung attention ko sa mga kamay niya na ngayon eh nasa legs ko nga. Our bodies are completely covered with this wetsuit but I still can't help but feel goose bumps all over.

Nakakabaliw.

Nakakatakot.

"Xandra?"

"H-ha?" concern was written all over his face.

"Ok ka lang?" pinisil niya ang legs ko.

I softly gasped.

"Y-yeah. P-pero pwedeng bang pakitanggal ang k-kamay mo sa l-legs ko? Ahm... hindi kasi ako maka-concentrate." para akong mabuubusan ng hininga sa ginagawa niyang paghawak sa legs ko.

Pero hindi niya ginawa yung sinabi ko. Tinitigan lang niya ako sa mga mata. And again, I gasped when I saw what his eyes are telling.

Biglang nag-iba ang atmosphre sa paligid ng mabasa ko ang sinasabi ng mga mata niya. Biglang naging hot.

He wants me.

He still wants me.

"B-blue..."

Hinawakan niya yung mukha ko and I felt him touch my lips. Punong-puno ng emotion ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"I want to kiss you again. I want to taste your lips and I want them to taste mine. I missed kissing you. I love kissing you. I want to touch you and feel you against me. Ngayon ko lang naramdaman ito. Wanting a woman so badly. I want you so much."

He doesn't need to tell me that. I can clearly see it in his eyes.

And natatakot ako.

"B-blue, akala ko, lagpas na tayo sa stage na yan? W-we're friends na diba?"

"Yeah. Pero kahit kailan hindi ko sinabi na nawala na yung desire na nararamdaman ko para sayo. I still want you. And I want you so badly."

The look that he's giving me took away my capability to speak. Maybe that's why hindi na ako naka-resist nung dahan-dahan na lumapit yung mukha niya sa akin. Then I closed my eyes when I felt his lips on mine.

And there, naramdaman ko agad kung gaano ko rin na-miss ang mga halik niya. Kaya siguro when our lips met, the kiss was immediately hard and deep. Ramdam na ramdam ko ang hunger sa bawat halik na binibigay niya. Sa bawat haplos niya sa mukha ko, andun yung passion. Sa bawat pagbanggit niya sa pangalan ko in between his kisses, andun yung desire.

I can't help it already. Sinagot ko yung halik niya with the same intensity na binibigay niya sa akin. Then the already deep kiss got even deeper. And when I felt his tongue inside me, dun na nagsimulang maglakbay ang mga kamay ko sa katawan niya. From his face, to his neck, to his incredible chest, to his back then back to his face. It's like I want to touch every part of his body. I don't understand why I'm feeling this way. I know it's not lust. It's something more than that. More powerful than that. There's just something between us that we're sharing while we're kissing each other, feeling each other. Something so strong that I don't even understand why I was able to not touch him when we're with each other when in fact, for him to touch me was all I want right now.

I felt his sensitive touch all over my body. And I can't help but moan with the feeling that he's building up inside me. It's so good. And I'm having a hard time to resist.

I don't have plans to resist.

He let his fingertips travel from my shoulders down to my arms. But when I felt his hand cupped my breast, it took all my energy to pull back and break the kiss.

"S-stop it!"

We were both panting. Napahawak ako sa dibdib ko. I can't believe what had just happened.

And kahit naputol na yung halik, I can still feel his hot breath in my neck. Ang lapit-lapit pa rin kasi niya sa akin. I want to pull him closer to me and feel him again, kiss him again. Pero hindi pwede.

Ngayon ko lang din napansin na nakaluhod na pala siya and my legs are entwined in his body. So he's in between my legs. What the?!

Sa wakas, nagawa ko na rin magsalita.

"What are you doing, Blue? Don't kiss me and touch me just like that!"

Tinignan niya ako.

"C'mon Xandra. I can feel that you want me too. Why don't you just give in to the feeling and enjoy it?"

Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig.

"Nababaliw ka na ba? I won't let you have me!"

He sighed. Tumayo ito at tumabi sa akin.

"Bakit ayaw mo?"

"Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin ng reason, Blue. I'm not the type that settles for short term relationships. Yung gusto ko, pang matagalan. Okay lang naman sa akin kahit hindi kami maglas forever as long as alam ko na minahal namin ang isa't isa ng totoo. And I will give myself to that person who can let me feel that he truly loves me and respects me. And that person also has to be a person that I love. You're none of the above, Blue. Kaya ayokong ibigay sayo ang sarili ko."

Hindi ito umimik. Pero tumango lang ito.

"Can I ask you something?"

Tumango lang ulit ito.

"Yung kabutihan na pinakita mo sa akin kahapon and kanina, ginawa mo lang ba ang lahat ng yun para makuha ang loob ko at pumayag ako na gawin yun kasama ka?"

Tumingin ito sa ibang direction at hindi sumagot.

Para namang may sumaksak sa akin na hindi ko maintindihan. Ginamit lang pala niya ako.

"I'll take your silence as a yes. Walanghiya ka talaga ano? Kahit ano pala handa mong gawin makuha mo lang ang gusto mo. I never thought that you could be this cruel. Tinuri pa naman kitang kaibigan. Akala ko totoo lahat ng pinakita mo sa akin, but it was all part of the plan. Ang galing mo Blue. Naloko mo ang isang Xandreia Yu."

Humingi ito ng malalim at tinignan ako na may inis sa mukha.

"Just tell me what you want and I'll give it to you."

Hindi ko akalain na hahantong sa ganito yung inakala kong 'pagkakaibigan' na nabuo sa pagitan namin sa loob lang ng ilang araw. What we had was a lie. And I believed in that lie. Masakit, pero yun ang katotohanan. He used me for his own personal pleasure. Nabiktima ako ng isang Blue Sanchez.

And as cold and emotionless as I can be, sinagot ko siya.

"Bring me back to my house."

***

Xandreia Yu - 11

"Xandra, scuba diving tayo! May drop off dito. Maganda dun. 50 feet. Marami kang makikita." sabi ni Blue.

Nandito ako ngayon sa swing at nagpapatunaw ng mga kinain habang tinitignan ang dagat.

Yes, I love looking at the sea. But I didn't say that I want to dive on it.

"Drop off? Talaga? Wow. Ang ganda naman. Pero kasi, baka maging Red Sea yung dagat kapag lumusong ako."

Grabe Xandra. Ang gandang palusot iyan ah. Red Sea? Coward!

"Wala ka naman ngayon ah."

Na-impress ako kay Blue. May ibang lalaki kasi talaga na hindi makaintindi sa mga terms ng mga babae kapag may menstruation period. Pero siguro dahil sa sobrang exposed na siya sa mga babae, eh exposed na rin siya sa sobrang dami ng terms tungkol dun.

"Paano mo nalaman aber? Nakita mo ba ha? Meron ako uy!"

Maniwala ka na Blue!

Umuklo naman ito sa harap ko.

"Umalis ka diyan at baka matamaan ka pa kapag naisipan kong palakasin ang pag-sway nitong swing."

Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. Sa halip, tinitigan lang niya ako sa mga mata ng matagal. Umiwas ako ng tingin. Sobra naman kasi siya kung makatitig. Para bang inaalam talaga niya kung totoo ba yung sinabi ko o hindi.

"Takot ka ba sa dagat, Xandra?"

PAK!

"Ako? Matatakot sa dagat?" tumawa ako ng malakas. "Nababaliw ka ba?"

Shet! Observant talaga ang mokong!

"Hindi naman. Yun lang kasi ang sinasabi ng mga mata mo."

"Marunong ka na palang magbasa ng mga mata. Perfect." I said sarcastically.

"Oo. So sagutin mo ako, takot ka ba sa dagat?"

I stayed silent for how many seconds. I guess there's no use denying it.

I sighed.

"Yeah."

Akala ko pagtatawanan niya ako sa sinabi ko. Pero nakatingin pa rin siya sa akin katulad ng pagtingin niya sa akin kanina pa.

"Bakit?"

"Natatakot kasi akong malunod." mahinang pag-amin ko.

Marunong akong lumangoy. Kaya lang eh, sa swimming pool lang. Name me a stroke and I can definitely do it. Huwag mo nga lang ipagawa sa akin yan sa dagat at hindi talaga ako marunong. Para sa iba, walang difference ang pool at dagat. Pero sa akin meron. Malaki nga eh. Sa pool, kahit gaano pa kalalim yun, may dead end pa rin at safe. And madali ka lang mare-rescue kapag nalunod ka. Pero sa dagat, may dead end nga pero sobrang lalim at hindi pa talaga safe. May ibang creatures na nangangain at nangangagat ng tao ang andun. Paano kapag naisipan nilang kunin yun katawan ko at gawing hapunan?

NO WAY!

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Blue ang dalawa kong kamay. Then he looked at me straight in the eyes.

"Tell me honestly, kung hindi ka lang takot malunod, papayag ka bang mag scuba diving kasama ko?"

Alam ko ang sagot dun.

"Yeah. I love the idea."

"Now, do you trust me na hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo?"

I thought about it for a second. The I realized na kahit na kakakilala lang namin dalawa, deep inside me alam kong pwede kong ipagkatiwala ang buhay ko sa kanya.

"Yeah. I trust you." mahinang sabi ko.

He smiled. And muntik na naman akong mapatulala sa kagwapuhan niya. Hindi na ata talaga ako masasanay.

Naramdaman ko naman na hinigpitan niya yung paghawak niya sa mga kamay ko. Pero hindi naman masakit. Comfortable nga sa feeling eh. Parang secured na secured ako habang hawak ni Blue ang kamay ko.

"Then will you go scuba diving with me Xandra?"

Napatulala na naman ako sa kanya. Why? Ibang klase yung way ng pagkakasabi niya nun sa akin. Para bang sa invitation na yun eh nakasalalay ang future ko. Isang maganda at makulay na future. Corny na kung corny at exagg na kung exagg, pero yun yung nararamdaman ko.

So hindi na ako nagtaka sa sagot ko.

"Yes."

He smiled at pinisil na naman niya ang ilong ko.

"Thank you, Xandra."

Pinilig ko yung ulo ko. Hindi pwede na makaramdam ako ng ganito. Sure ako na ganito din ang ginagawa niya sa mga babae niya kaya nakukuha nito ang gusto nito.

"Kaya pala maraming nagkakagusto sayo. Ibang klase naman kasi talaga ang charm mo."

Nag-iba naman ang expression sa mukha niya. Parang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.

"Sinasabi mo ba na nagkakagusto ka na rin sa akin?"

Agad ko siyang binatukan.

"Pwede ba? Huwag ka ngang feeling! Wala nga akong gusto sayo!"

Pero habang sinasabi ko yun, ramdam na ramdam ko na gustong magwala ng kalooban ko dahil sa sinabi ko. Wala nga ba talaga ako gusto sa kanya?

Then nakita kong nagliwanag ang mukha niya.

"Good. Basta tandaan mo na hindi ka pwedeng magkagusto sa akin. Kasi kapag nangyari yun, iiwasan talaga kita. Maliwanag?"

"OO NGA!"

Ginulo naman nito ang buhok ko.

Inakbayan naman niya ako nung papunta na kami sa room para mag-prepare.

Tinignan ko naman yung kamay niya na nasa balikat ko.

Okay. Wala naman talaga akong gusto sa kanya eh. Don't worry. Wala akong gusto sa kanya, wala akong gusto sa kanya, wala akong gusto sa kanya!

Shet!

Ang lapit-lapit ng katawan ko sa kanya. And naaamoy ko yung pabango niya. Sobrang bango. And ang ganda ng feeling habang nakaakbay siya sa akin. Ang broad ng shoulders niya. Parang ang sarap humilig dun. Shet. Bakit ba ang hot niya?

WALA AKONG GUSTO SA KANYA!

Hot lang talaga ang unggoy kaya ko ito nararamdaman. Yun lang yun!

"Uy! Xandra at Blue? Kayo na?"

Gusto kong batukan si Jen sa sinabi niya.

"Jen, tigilan mo kami ha." ang ganda naman kasing isipin na kami nga. Wait, wala nga pala akong gusto sa kanya!

"Ay Xandra. Nagtatanong lang po! Blue? Kayo na ba?"

Ginulo naman ni Blue ang buhok ko.

"Huwag mong guluhin ang buhok ko!"

"Hindi kami. Close lang talaga kami nito. Ewan ko nga kung paano nangyari yun eh. Diba Xandra?"

Bakit parang hindi ko gusto yung sagot niya?

Ginulo na naman niya ang buhok ko.

"Sinabi ng huwag mong guluhin ang buhok ko!"

Tumawa lang ito. Ang sarap-sarap pa rin pakinggap yung pagtawa niya kahit na hindi ko nagustuhan yung sinabi niya.

"Parang miracle ah. Kahapon lang eh para na kayong magpapatayan. Tapos ngayon, tsk, tsk. Ang gulo ng mundo."

"Oo nga. Sige, alis na kami Jen." sabi ni Blue.

"Saan kayo pupunta?"

"Sa drop off. Magscu-scuba diving kami."

Tumawa ng malakas si Jen.

"Nagbibiro ka ba Blue? Eh takot sa dagat yan!" tumawa na naman siya ng malakas. Haist.

"Huwag mo na ngang ipagdiinan pa!" nakakainis. Nakakahiya.

"Andito naman ako para bantayan siya eh. So ok lang. Diba Xandra?" he winked at me. Hindi na ako nakasagot.

"Sama ako!"

Nilingon ko naman si Jen.

"Hindi."

"Sungit mo Xandra! Blue, pwede ba?"

"Next time nalang kayo Jen. Kami na muna ni Xandra. Sige, una na kami sayo."

"Bakit hindi ka pumayag?" tanong ko nung nakalayo na kami kay Jen.

"Sabi mo hindi diba? Tsaka, kapag sumama siya, hindi na kita mababantayan ng maayos. And ayoko nun. Gusto kong nasa iyo lang ang attention ko mamaya."

Hindi na ako nagcomment at hindi ko na siya kinausap pa nung nagpe-prepare na kami para sa scuba diving namin mamaya.

Sinasabi niya na ayaw niyang ma in love ako sa kanya. Pero ginagawa naman nito ang mga bagay na nagbibigay sa akin ng reason para ma in love ako sa kanya.

Kung iisipin, hindi talaga mahirap mahalin si Blue. Andyan na sa kanya ang halos lahat eh. Napaka sweet, caring, thoughful, gwapo, cool, hot, sikat, and whatever. Ang dali-dali lang talaga ma in love sa kanya. Pero hindi pwede. I treasure our friendship. I wouldn't risk it ng dahil lang sa nararamdaman kong ito.

Yes, may gusto nga ako sa kanya.

But I'm not in love with him. And hindi ko hahayaan mangyari yun. Alam ko rin na kapag minahal ko siya, masasaktan lang ako. Kasi siya na mismo ang nagsabi na hindi niya kayang i-return yung love na binibigay sa kanya ng mga babaeng in love sa kanya.

Hindi ko hahayaang maging isa ako sa kanila.

And I'll do everything for me to be not one of them.

***

Sunday, June 13, 2010

Xandreia Yu - 10

Is it possible to wake up because you felt that someone's watching you?

I guess possible nga. Kasi yun ang nangyari sa akin. When I opened my eyes, I saw Blue looking at me.

I smiled at him. What a wonderful sight to start my day.

"Good morning Blue."

He smiled at me too. Pinisil din niya yung ilong ko.

"Good morning din."

"Kanina ka pa ba nagising?"

"Nope. Kakagising ko lang actually."

"Anong oras na?"

"7:30am"

"Ang aga pa pala."

"Yeah. So, wanna have some breakfast with me?"

"Sure."

Then sabay nga kaming pumunta sa restaurant ng resort. While going there, maliban sa mga employees ng resort na yun, wala na akong nakitang iba pa. Tulog pa siguro ang lahat. And did I mention na pina-close itong resort para sa birthday ni Jessie? Yep. Pinaclose nga. So kami-kami lang talaga ang nandito.

Papunta na sana kami sa isa sa mga tables sa loob ng resort ng makita ko ang view sa labas. Nasa mataas na bahagi ng resort at ng dagat.

"Blue, doon nalang tayo sa labas mag-breakfast. Ang ganda naman kasi ng view. Ang sarap panoorin."

Tinignan naman niya.

"Oo nga noh? Sige, magre-request lang ako ng mg tables at chairs at oorder na rin. Dito ka lang. Sandali lan ako."

Tinignan ko naman siya habang papalayo siya sa akin hanggang sa may isa na siyang kinakausap na crew. Ang laki ng nag-bago sa pagitan namin dalawa. Sa loob ng tatlong araw, naging kaaway ko siya, kaasaran, kasagutan, katawanan, karamay, at ngayon, kaibigan. Hindi ako makapaniwala na tatlong araw lang ang lahat ng yun. Yung friendship at closeness na nabubuo ng ibang magkakaibigan sa loob ng ilang buwan o taon ay tatlong araw lang sa amin ni Blue.

Ano pa kaya ang mangyayari sa pagkakaibigan namin in the future?

Pero mamaya na muna yun. Gutom na ako.

"Ok daw. Halika, punta na tayo sa labas." sabi niya pagkatapos niyang makipagusap sa isang crew doon.

Nasa itaas na bahagi kasi ng resort ang restaurant na yun kaya kitang-kita talaga ang buong resort at kung gaano kalawak at kaganda ang dagat. It's so blue... And ang ganda tignan ng araw habang dahan-dahan itong sumisikat at nagbibigay ng liwanag sa mundo. Ang lalim naman ata ng naisi ko. :)

"Beautiful isn't it?" tanong niya.

"Yeah."

Dumating naman na yung pagkain. May pancakes, bacons, hotdogs, eggs, bread, and orange juice. Ang bango ng mga pagkain. Lalo akong nagutom. Pero may kulang.

"Wala bang rice?"

"Nagra-rice ka sa umaga?"

"Oo naman. How will I start my day right if I wouldn't eat right?"

"Oo na. Miss, dalawang platter ng rice." sabi niya dun sa babaeng nagbabantay at nginitian ito. Ngumiti din yung crew kay Blue. Ibang klase talagang ang isang ito. Ang aga-aga, nagfli-flirt na agad.

"Coming, sir."

"Oy, ang aga pa. Pakainin mo muna iyang mga alaga mo sa tiyan bago mo asikasuhin ang alaga mo sa... kung ano man yun."

Tinignan naman niya ako na parang nababaliw na ako.

"Huh? What are you talking about?"

"Wala." kunwari pa na hindi alam. Sus.

"Akala ko, nagda-diet ka kaya hindi na ako nag-order ng rice."

"Anong diet? Hindi ko alam kung ano iyan."

Sinubo ko naman yung isang buong hotdog na maliit.

He chuckled.

"Yeah. Pansin ko nga."

Dumating naman yung rice.

Nakita ko na naman na nginitian ni Blue yung Crew. Ganun din yung ginawa ng girl. Nainis ako. Kaya tinapakan ko yung paa niya sa ilalim ng table.

"Aray! Bakit mo ginawa yun?"

"Huh? Ang ano?" painosenteng sabi ko.

"Tinapakan mo lang naman ang paa ko." tinignan niya ako ng masama tapos tinignan yung nasaktang paa. "Nadumihan tuloy ang paa ko ng dahil sayo."

"Oops. Hindi ko sinasadya. Para kasing may something na gumapang sa paa ko. Kaya I stomp it hard para mawala. Hindi ko naman alam na matatapakan ko pala yung paa mo." I gave him my sweetest smile.

"Kumain ka na lang diyan." masama pa rin ang tingin nito sa akin.

"Uy Blue, hindi ko naman talaga sinasadya eh. Huwag ka ng magalit sa akin." paglalambing ko. Pero kunwari lang. Duh?? :)))

Naniwala naman ang mokong. Ha!

"Oo na. Ikaw talaga. Alam mo ba na ayoko sa lahat eh tinatapakan yung paa ko? Nadudmihan kasi. Ang pangit tignan."

Inabutan ko siya ng tissue.

"Ayan oh, punasan mo ang paa mong nadumihan."

Tinanggap naman nito iyon.

"Salamat."

"Walang anuman." binigyan ko naman siya ng isang nagpapa-cute na smile.

Nginitian din ako ng mokong. Ha! Ganyan nga! Maniwala ka sa lahat ng sinasabi ko! Kung bakit kasi tumitingin ka pa sa iba eh ako ang kasama mo tsong!

'Nagseselos ka ba Xandra?' sabi ng isang maliit na tinig sa isipan ko.

'At bakit naman ako magseselos?? Wala akong gusto sa ulol na yan!'

'Wala nga ba?'

"WALA NGA!"

"Huh? Anong wala?" tinigtignan na ako ngayon ni Blue na parang ang weird ko.

Nyaks. Naibulalas ko na pala ang laman ng isip ko ng hindi ko nalalaman. Pahamak ka talaga Xandra.

"Ahm, wala. Trip. Gusto ko lang sabihin yun."

"Sigurado ka?" diskumpiyado pa rin kasi ang tingin na binibigay niya sa akin.

"Oo nga!"

"Fine. Kumain ka na diyan at baka lumamig na ang pagkain."

At kumain na nga kami. Tamhimik lang kami habang kumakain. Walang nagsasalita. Pero hindi naman dahil sa hindi namin alam kung ano ang sasabihin. Hindi rin naman awkward ang atmosphere. Wala rin naman reason para maging awkward. Tahimik lang talaga kami. And makuntento na kayo doon. :)

"Uuuy! Guys, look who's here! Ang mga mortal na magkaaway, ngayon eh magkasamang nagbe-breakfast! Ang gandang sight!"

Parehas naming hindi nilingon si Jessie at nagpatuloy lang kami sa pagkain.

"Huwag mo kaming guluhin, tol."

"Oo nga. Kumakain pa kami."

"Kayo talaga. Bagay nga kayo. Parehas kayong masungit. Kayo na ba?"

Natigilan naman ako sa pagsubo ng food at ganun din siya. Tinignan ko ang and tinignan niya ako. Then bigla niya akong binelatan at nag make face ako sa kanya.

"I guess that answers my question. Hindi kayo."

"Oo nga. Tsaka pwede ba? Hinding-hindi ako papatol sa lalaking iyan. Ang yabang, ang sungit, ang taas ng pride---"

"Oo na! Huwag mo ng ipagdiinan pa. Ayoko rin naman pumatol sa isang amazona."

"Gusto mong tusukin ko iyang mga mata mo gamit itong tinidor ko?"

"Joke lang! Ikaw talaga, hindi na mabiro." nginisihan niya ako. Damn! HE IS HOT!

"Che." sabi ko nalang para hindi ko na isipin yung naging comment ko kanina. Hot? Yeah. Superb.

"Guys, dito nalang kami sa labas kakain ha? para sama-sama tayo."

"Bahala ka." sabay namin na sabi ni Blue.

"Gaya-gaya ka Xandra."

"Hindi ako gaya-gaya. Parehas lang talaga ang takbo ng mga utak natin. And hindi ko kasalanan yun."

"Fine."

Napapansin ko na lately, hindi na siya yung dating Blue na hindi sumusuko sa isang argumento. Ngayon kasi, kung ano ang sabihin ko, naniniwala na siya or naga-agree. Hmm.

Dumating naman yung ibang kasama namin at sama-sama nga kaming nag-breakfast. Ang dami namin kaya magulo. Pero masaya naman. Hindi pa rin nawawala yung asaran namin ni Blue. Pero healthy naman na yun. Hindi gaya ng dati na sineseryoso talaga. And I guess isa yun sa reason kung bakit kami nagka-close dalawa ng ganun kadali. :)

***

Saturday, June 12, 2010

Xandreia Yu - 9

"Hatsuu!"

Pinunasan ko yung ilong ko.

"Peste ka talaga sa buhay ko Blue. Binigyan mo pa ako ng sakit."

Nasa room na kami ngayon. And nakapagbihis na ako and all. Kaya lang, nakakuha naman ako ng sakit.

"Sipon lang yan. Hindi ka mamamatay ng dahil diyan."

"Hindi ka man lang ba magsosorry sa ginawa mo?"

Tinignan naman niya ako. Nakaharap kasi kami sa isa't isa habang naka-indian sit sa gitna ng bed. And sa gitna namin dalawa, isang box ng tissue paper.

"Di ba ikaw pa nga dapat ang mag-sorry sa akin?"

"Walang nangyaring masama sa mukha mo. Pero ako, nagkasakit ng dahil sa ginawa mo."

Yumuko naman ito habang nilalaro ang mga paa ko.

"Tigilan mo nga yan."

Tinignan niya ako and he smiled. Mabuti nalang at yumuko siya uli kung hindi, makikita talaga niya na namumula na ako ngayon.

Weird diba? I'm blushing just because he smiled at me.

Pero ang cute kasi niyang tignan nung nginitian niya ako.

"They're cute Xandra."

"Alam ko--- hatsuu! Haist! Kailan ba mawawala 'to?"

Inabutan niya ako ng tissue paper at pinunasan ko yung ilong ko.

"I'm sorry. Hindi ko alam na magkakasakit ka pala ng dahil sa ginawa ko. Kung alam ko lang, hindi na sana kita tinulak."

Natigilan naman ako. This is the first time na narinig ko siya na humingi ng sorry. And he sounded so sincere while saying it. Ibang iba ito sa Blue na nakilala ko.

"Uy. Natahimik ka na diyan."

"Marunong ka pala mag-sorry."

"Hindi naman ako ganun ka sama gaya ng iniisip mo. I admit babaero talaga ko. Pero may mga values din naman akong tinataglay."

"You can't blame me. Sa ginawa mo sa akin kagabi, maiinis talaga ako sayo."

"Hindi ako magso-sorry sa ginawa ko na yun."

"Bahala ka. Wala ako sa mood na makipagsagutan sayo ngayon. Hatsuu! Peste!"

He chuckled.

"Alam mo Xandra, kung hindi mo nadecode yung number ko sa P100 bill na yun, hindi talaga siguro natin makikilala ang isa't isa."

Gulat na napatingin ako sa kanya.

"Ano'ng sinabi mo?"

Tinignan naman niya ako na parang nagtataka.

"Hindi mo ba alam?"

"Na ano?"

"Na number ko yung nadecode mo sa P100 bill na nakita mo. Si Jessie talaga yung nagsulat nun. Hindi ko pa malalaman ang tungkol dun kung hindi nagtext sa akin si Chrisa."

Natahimik naman ako. So kay Blue pala yun. Sabi nga ni Chrisa, taga Roseville ang may-ari ng number na yun. Kay Blue pala.

"Bakit parang nagulat ka? Disappointed ka ba na sa akin and number na yun?"

"Why would I get disappointed? I don't care kung sayo yun. Hindi naman nagbago ang buhay ko nung nadecode ko yung number mo."

Sa totoo lang, ayokong mag-agree sa sinabi ko. Walang nagbago huh? I don't think so.

"Kung hindi kita hinalikan kagabi, aawayin mo pa rin ba ako?"

Hindi ko na kailangan pagisipan pa ang isasagot ko sa tanong niya.

"Yeah. Inaway mo naman kasi ako nung sinampal ka ng Janna na yun."

"Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit kita inaway."

"Whatever. Hatsuu!"

"Hey, bakit ka nga pala pumunta dun nung time na yun? Diba sabi mo ako ang kailangan mo?"

Bakit ba naalala pa niya ang tungkol dun? eh ako nga nakalimutan ko na eh.

"About that, gusto ko lang kasi magpasalamat sayo sa pagliligtas mo sa akin."

Kumunot ang noo nito.

"I don't remember myself ever saving you from something."

"Nakalimutan mo na pala eh. So huwag mo ng ungkatin."

Yumuko naman ako. Ayoko man aminin pero sumama ang loob ko sa sinabi niya. Kasi naman, yun yung first meeting namin. Ayoko nga sa kanya pero importante pa rin sa akin yun.

Hinawakan naman niya ako sa chin and dahan-dahan na pinaharap niya ako sa kanya. And I came face to face with the most handsome frowning guy in the world.

"Are you that girl na nakabangga ko sa Arts and Sciences building?"

"Y-yeah." hindi ako makapagsalita ng maayos. Ang lapit-lapit naman kasi ng mukha niya sa akin. Ang kinis ng balat niya. Walang mapipintas. And ang bango-bango pa ng hininga niya.

Lumiwanag naman ang mukha niya and then slowly, he smiled.

"So you're that girl. I remember."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Mabuti naman."

Nakita ko naman na natigilan ito. Pero agad din naman nagbalik sa normal yung expression ng mukha niya. Ano'ng nangyari?

"Ok ka lang?"

"Yeah."

"Ang weird mo."

"Ikaw din."

"Che."

Natahimik naman kami. Pero hindi naman awkward yung feeling. Normal lang. Then nagsalita siya.

"Bakit wala kang boyfriend ngayon?"

Nagulat ako sa tanong niya.

"At sino naman ang maysabi sayo na wala nga akong boyfriend?"

"Obvious naman na wala. Hindi na kailangan magtanong pa."

"Anong sinabi mo??"
"Totoo naman talaga ah. Kasi kung may boyfriend ka, hindi ka ganyan kasungit sa mga lalaki. At kung may boyfriend ka, hindi ka papayag na magkatabi tayong matutulog dito sa kama."

"Wala akong choice kundi ang pumayag. At alam mo yan."

"Fine. Scratch that one out. Pero obvious naman kasi para sa akin na wala ka talagang boyfriend."

"Bakit? Kasi babaero ka kaya kabisado mo na ang mga mukha ng kung sino ang may boyfriend at wala?"

Nagkibit balikat ito.

"Siguro."

"Wala akong boyfriend kasi wala namang nanliligaw."

Tumawa ito ng mahina.

"Bakit, kung may manliligaw ba sayo, sasagutin mo?"

"Hindi."

"Ang labo mo."

"Eh sa hindi naman talaga."

"Bakit nga?"

Bakit nga ba talaga?

"Hindi ko alam. Hindi ko lang talaga type ang magkaroon ng boyfriend ngayon. Paki mo ba ha? Ang dami mong tanong."

"Baka kasi hindi ka pa na i-in love."

"Hindi totoo yun."

"Hmm? Bakit? Have you been in love already?"

Pumasok naman sa isip ko si Edward.

Huh? Si Edward? Paano napasok sa usapan si Edward?

"No. Never pa akong nai-in love."

"But did you ever like somebody? Not in a friendly way. You know what I mean."

Naisip ko na naman si Edward.

Yeah, I think I like Edward. And not in a friendly way. :)

"Meron naman."

"So ano'ng nangyari? Bakit hindi kayo?"

"Kasi, bago pa lang namin nakilala ang isa't isa."

"Kakakilala niyo lang?" nag-act naman ito na parang nag-iisip. "Ako ba yung tinutukoy mo?"

Sinabunutan ko siya ng buhok.

"Huwag kang feeling! Hatsuu!"

"Nagtatanong lang naman ako. Tsaka hindi mo ako kailangang sabunutan ng buhok." inayos naman nito ang nagulong buhok.

"Ang arte mo. Huwag ka kasing feeling. Ako? Magkakagusto sayo? Huh!"

"Ipagpatuloy mo lang iyang hindi mo pagkagusto sa akin. Nakakasawa naman kasi na lahat nalang ng babaeng nakikilala ko, nagkakagusto agad sa akin."

"Alam mo ba na ang yabang mo?"

He smiled.

"Totoo naman diba? Tsaka ayoko rin na magkagusto ka sa akin. I know that you're the type that doesn't settle for short time relationships. And hindi ko kaya yun. Hanggang fling lang ako."

***

'Totoo naman diba? Tsaka ayoko rin na magkagusto ka sa akin. I know that you're the type that doesn't settle for short time relationships. And hindi ko kaya yun. Hanggang fling lang ko.'

'Hanggang fling lang ako.'

'Hanggang fling lang ako.'

'Hanggang fling lang ako.'

Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko yung sinabi ni Blue.

Hanglang fling lang daw siya.

Nasaktan ako sa nalaman ko. Kahit na babaero siya, he still deserves to love and to be loved. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit ganun, pero sabi niya next time nalang daw kasi babalik na siya sa party ni Jessie.

Hindi ako mapakali. Kaya ngayon, kahit 2am na, hindi pa rin ako makatulog kaaisip dun sa sinabi niya.

'Hanggang fling lang ako.'

Bigla namang bumukas ang pinto. Napaupo ako bigla at nakita kong pumasok si Blue.

Nagulat ito ng makita ako na gising pa.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Blue, bakit mo nasabi na hanggang fling lang ang kaya mo?"

Napailing ito.

"I was hoping that you wouldn't persist in asking me that question."

"Bakit?"

Tinabihan naman niya ako sa kama.

"It's complicated."

"I'm ready to listen."

"It's too long. Tsaka madaling araw na. Matulog na tayo."

"Hindi pa ako inaantok."

"Inaantok na ako."

"Don't lie."

Tinitigan niya ako.

"Hindi ka talaga susuko sa pangungulit sa akin noh?"

Umiling ako.

"Okay. Para matahimik ka na. Let's put it this way. I have two reasons. One is, I feel na hindi ako karapatdapat mahalin kasi marami na akong sinaktan at ginamit na mga babae. I use them for my own pleasure. Parati akong nagpapalit ng babae. I let them feel important kahit na yun nga, fling lang ang kaya ko."

"Kahit na sibihin mo pa na marami ka ng sinaktan at ginamit na mga babae, hindi pa rin enough yung reason na yun para ayawan mo na ang love."

"What you said leads me to my second reason which is, as of now, hindi ko pa pwedeng sabihin."

"Bakit? Handa naman akong makinig ah."

Tinignan niya ako. Nagitla ako sa lungkot na nakikita ko sa mga mata niya. Isang klase ng kalungkutan na nagmumula pa talaga sa pinakailalim ng pagkatao niya.

"Blue..." bigla kong hinawakan ang isang kamay niya. Ewan ko ba. Out of impulse lang siguro.

"I believe in love. Kahit na maraming nasasaktan ng dahil sa pag-ibig, yun pa rin ang reason kung bakit nagiging masaya ang isang tao. Kasi nagmahal sila. It will apply to almost everybody. But not to me."

Silence. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Believe me Xandra, kung may choice lang ako, hahayaan ko talaga ang sarili ko na magmahal ng totoo."

"Blue..."

Pinisil naman niya yung kamay ko.

"Ano ka ba? Ang drama mo. Hindi ako sanay na ganyan ka. Sigawan mo nalang ako. Makakaya ko pa yun. Hindi itong ganito ka."

"Will you promise na someday, sasabihin mo rin sa akin yung second reason mo?"

He didn't respond. But instead, tinitigan lang niya ako. Matagal. I can't read his mind. But I can feel that he's contemplating if he'll agree to what I've said or not. After how many minutes, nagsalita na siya.

"Okay. I promise."

***

Friday, June 11, 2010

Xandreia Yu - 8

"Xandra!"

Niyakap agad ako ni Jen pagkadating namin sa resort. Sinalubong din kami ng ibang mga kaibigan nila.

"Mabuti naman at maayos kayong nakarating dito. Late kasi kayong dumating kaya akala namin may nangyari ng masama sa inyo."

"Ang sabihin mo Jen, mabuti nalang at hindi ko napatay ang isang 'to."

Tinignan ko ng masama si Blue. Pero as usual, wala lang sa kanya yun.

And for the whole trip to Batangas, napuno ng diskusyon ang sasakyan. Nagtataka nga talaga ako kasi buhay pa itong isang ito eh. Dapat sana hinulog ko na siya sa bangil nung isang beses na nag-stop over kami para daw makapagpahinga siya.

"Blue, salamat at nagawa mong dalhin si Xandra dito. Matigas din kasi talaga ang ulo nito eh."

"No problem. Tsaka kaya ko naman i-handle ang katigasan ng ulo niya."

"Huwag kang magpasalamat sa kanya Jen. Hindi siya worth it ng gratitude mo. And hindi ko hiningi na makapunta dito. Pero ng dahil sa kanya, nasira tuloy ang plano ko para sa weekend na ito. Kaya wala kang dapat ipagpasalamat sa taong yan."

"Nagpapasalamat si Jen sa akin dahil dinala kita dito ng wala ni isang gasgas. Ang dami mo ng sinabi, simpleng pasasalamat lang naman ang sinabi niya."

"Kailan pa naging simple ang magpasalamat?"

"Simple naman talaga. Ikaw lang naman itong ang taas ng pride kahit 'thank you' eh hindi marunong."

"Baliw ka pala eh."

"See? Nagpaparinig na nga ako, hindi mo pa rin na gets."

"Bakit kailangan mo pang magparinig? Pwede naman na sabihin mo na ng diretso sa akin!"

"Gusto mong marinig talaga? Sige. Ito yung gusto kong sabihin sayo." then tinignan niya ako sa mga mata. "Miss Xandreia Yu, hindi ka ba napapagod sa pakikipag-away mo sa akin? The whole trip papunta dito, inaway mo ako. Kahit ano nalang ang sabihin ko, kinokontra mo. Kahit walang sense, kumokontra ka pa rin. May problema ka ba sa akin? Kung meron, sabihin mo ng hindi na tayo magmukhang magpapatayan kapag nakikita natin ang isa't isa."
"Mister Blue Whatever---"

"It's Sanchez."

"Blue Whatever---"

"Sanchez nga."

"Hindi ko tinanong at wala akong pakialam kung Sanchez ang family name mo. Gusto ko yung Blue Whatever and wala ka ng magagawa pa dun."

"Gusto mong ipakita ko pa sayo yung birth certificate ko? It's SANCHEZ not Whatever."

"I don't care. At pwede ba? Patapusin mo muna ako sa pagsasalita?"

"No. Kasi sigurado naman ako na kokontrahin mo lang naman ang mga sinabi ko."

"Talaga!"

"See? Yan ang problema mo. Ayaw mo kasing magpatalo eh. Ang taas ng pride mo. Lagpas langit."

"Para namang hindi rin lagpas langit ang pride mo!"

"At least marunong akong magpasalamat."

"Marunong din naman ako!"

"Kung ganun, bakit hindi ka man lang nagthank you sa akin sa pagdadala ko sayo dito?"

"Because I didn't ask for it!"

"But you could just have said it! Two words lang yun! Kahit pakitang-tao man lang."

"Bakit? Tao ka ba? At hindi ako plastic."

"Bakit ba hindi ka nauubusan ng isasagot??"

Bakit parang familiar ata ang line na yun?

"Pinalaki akong gifted ng mga magulang ko!"

"Hindi na pagiging gifted ang tawag diyan. Pride na yan."

"Wala akong pakialam sa kung ano man ang gusto mong isipin."

"At kailan ka pa ba nakialam? Parati ka lang naman kumukontra!"

"Oh, Xandra, Blue, nag-aaway ba kayo? Kayo talaga. Baka kayo pa ang magkatuluyan niyan."

"SHUT UP!" sigaw namin dalawa kay Jessie.

Natakot ata si Jessie kaya umalis agad kahit sa tingin ko eh kakadating lang niya.

Ngayon ko lang napansin na nakatutuk na pala sa amin ang attention ng lahat ng tao sa resort.

I sighed.

"Hinding-hindi ako magpapasalamat sa pagdadala mo sa akin dito. Kasi kung ako lang talaga ang masusunod, sana hindi mo nalang ako sinundo sa bahay at sana pinabayaan mo nalang ako! At sana pala, hinulog nalang kita kanina sa bangil ng mag-stop over tayo para wala na sana akong problema ngayon!"

Then nagmartsa na ako palayo sa kanila. Nakaka-stress talag ang Blue Whatever na yun!

***

'nkkainis!!' text ko kay Edward.

Andito na ako sa room na inassign sa akin ni Jessie. It was big for a single person. Pero mabuti na ang ganito. Dapat nila akong tratuhin na parang prinsesa kasi napilitan lang akong pumunta dito!

'o andreia, bd trp k?'

'oo.'

'bkt nmn?'

'my mga impk2 kc sa paligd.'

'haha! eh d katayn mo.'

'qng pwde lng sna, mtgl q ng gnwa!'

'chill. ano bng gnwa ng impk2 na un sau?'

'iniinis lng nmn nya aq.'

'eh d inisn mo rn xa.'

'hndi q mgwa. nddla kc tlga aq sa sobrng inis q sa knya. bwisit un.'

'kya mo yn. ikw pa? eh kw na ata ang pnkamsmang tao na nkilala q sa mundong 2.'

'ANO??'

'haha! joke lng. smile k nmn dyn uy... :)'

'baliw k tlga. :)'

'ayn! ng smile kna. :)'

'hay naku. ikw kc. hehe. :)'

'andreia, txt nlng kta l8r ha? ok lng b? mdyo bc kc aq ngyn.'

'hmm... yeah. xur. cge, ingat ka. :)'

'ikaw dn. mg ingat sa mga impkto. :)'

Natawa ako sa last text niya. Mabuti pa si Edward, parati nalang akong pinapatawa. Yung Blue na yun, parati nalang akong ginagalit. Walang magawa sa buhay.

Sobra ang pagod ko hindi dahil sa biyahe kundi sa pakikipagaway ko kay Blue. Na-drain ang energy ko. I want to sleep. And yun na sana ang gagawi ko ng bumukas ang pinto at nakita ko ang dahilan kung bakit napagod ako ng ganito.

"What are you doing here, Blue?" sabi ko sa kanya sa inaantok na boses. Calm.

Nagulat ito pero nakarecover naman agad.

"This is my room too."

"Pero isa lang ang bed..."

"Magtatabi tayo."

"Okay. Dito ako sa right side..."

"O-kay."

Pinikit ko na ang mga mata ko. Inaantok na talaga ako...

"Xandra?"

"Hmm?"

"Bakit hind mo ako inaaway?"

"Inaantok kasi talaga ako. Tsaka gusto mo ba talaga na awayin na naman kita?"

"Hindi. Nakakapanibago lang kasi talaga na hindi tayo nagkakasagutan."

"Hmm..."

"Sige. Matulog ka na."

"Hmm..."

Naramdaman ko naman na parang may kung anong something sa side ko. Kaya napadilat ako.

I saw him standing at my side while looking and smiling gently at me.

"Sleeptight Xandra."

"Hmm..."

***

"Hmm..."

Ano yung mabango?"

"Hmm..."

Familiar sa akin yung amoy na yun ah.

"Hmm..."

I opened my eyes.

Huh?

I blinked once, twice, thrice, and many more.

Napaupo ako bigla.

Totoo ba itong nakikita ko?

Si Blue.

Nasa kwarto ko.

Nakahiga.

Sa kama ko.

Katabi ko...

Hindi pwede ito!

Hinampas ko siya ng malakas sa braso kaya nagising siya.

"Xandra?" naalimpungatan ito.

Napatulala naman ako. Kahit bagong gising, ang gwapo pa rin niya. Pero nakarecover naman agad ako.

"Bakit ka nandito sa kwarto ko? At dito pa talaga sa kama ko!"

"I told you, dito rin ang kwarto ko."

"Hindi mo sinabi sa akin yun!"

"Sinabi ko. Hindi mo lang matandaan kasi inaantok ka na nun. You were semi-conscious."

"Semi-conscious or not, bakit dito ang room mo? Dapat aking lang ito!"

Tinitigan naman niya ako. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"Huwag ka ng magreklamo. Wala ng ibang available rooms."

"Kay Jen nalang ako sasama."

"May kasama na siya. No choice ka. You're stuck with me."

"Kung ganun, sa sahig ka matutulog!"

Tinignan na naman niya ako ng matagal. Yung tingin na parang nanunuri.

"Don't look at me like that."

"Sana semi-conscious ka nalang parati para hindi mo na ako inaaway."

"Huh. Kahit semi-conscious pa siguro ako, aawayin pa rin kita."

Bumangon naman ito sa pagkakahiga ang umupo paharap sa akin. He smiled a mischievous smile.

"Hindi yan ang sinasabi ng mga halik mo kanina."

"Wha--? Hindi mo ako hinalikan!"

"I kissed you Xandra. And you kissed me back." Hinaplos niya yung mukha ko. "Your kisses were so gentle---" I shove his hand.

"Stop it!" kinikilabutan ako sa ginagawa niya. And hindi ko na kayang makarinig pa ng mga ganun!

"Why? Don't you want to hear how passionate---"

"I said stop it!" sinugod ko na talaga siya kaya napahiga siya at pumatong naman ako sa ibabaw niya at pinaghahampas ko siya ng unan.

"Aw! Stop that!"

"Ayoko! Hinding-hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabi na hindi mo naman talaga ako hinalikan!" pinaghahampas ko pa siya.

Pinipilit niyang hulihin ang mga kamay ko pero hindi niya magawa.

"Xandra---" hinampas ko siya ng malakas sa mukha. "NOT MAY FACE!"

Nainis na siguro ito dahil tinira ko siya sa mukha kaya kumuha na rin tio ng unan at pinaghahampas ako. Hindi naman ako nagpatalo. Pinaghahampas ko rin siya.

"Guys, nagsimula na ang party---" napatunganga lang sa amin si Jessie.

Huminti naman si BLue sa paghampas. Pero hindi ako.

"Aw! I SAID NOT MY FACE!"

"Hindi mo pwedng sabihan ang kalaban mo kung ano ang dapat at hindi dapat tirahin sayo!" then tumakbo na ako palabas ng room.

Narinig ko naman siya nagsalita.

"Jess, wala na ba talagang ibang rooms na available? Magbabayad ako ng kahit magkano. Hindi ko na talaga matagalan ang babaeng yun!"

Napangisi naman ako sa narinig. Sa wakas. Nagawa ko na rin siyang inisin.

Paglabas ko sa tinutuluyan namin, wow. Gabi na pala. And ang ganda ng place! You can really taste the elegance and simplicity in the atmosphere. You know what I mean? Ah basta. The place is simply awesome. Hindi ako nagkaroon ng time kanina na mag-observe sa paligid. But now... Ang ganda talaga.

Siyempre dumiretso na ako sa venue kung saan nandun ang mga tao. I don't know where. Pero may nakita kasi akong part ng resort na maraming tao. Kaya pumunta ako doon.

Sa part na ito ng resort, may malaking pool sa gitna. It looks so cool kasi nagre-reflect sa water ang lights na nililikha ng mga disco lights. Sa right side naman, may isang room na glass ang wall kaya kitang-kita yung mga tao sa loob nun na naglalaro ng Billiards at Darts. Sa kabilang side naman, may isang mini bar. Then sa opposite side ko naman is yung mga chairs and tables. Ang saya tignan ng mga tao habang naliligo, naglalaro, nagtatawanan, nagaasaran. Malapit pala sa mini bar is a DJ na nagpapatugtog ng kung ano-anong music. Ang ingay nga din niya eh. Nakikisabay naman yung mga tao sa kanya.

"All right! Xandreia Yu is in the house!!"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kaya ngayon tuloy eh halos lahat ng attention ng mga tao nasa akin. Yung iba kumakaway eh hindi ko naman sila kilala.

Tinignan ko ng masama yung DJ but he just winked at me and pinagpatuloy na niya yung ginagawa niya.

"Xandra!"

Tawag ng isang group sa akin na nasa pool. Nasa side lang kasi ako sa pool.

"Yeah?"

"JOIN US!"

Nakita ko na sasabligan na sana nila ako ng tubig pero biglang may humarang sa harap ko ang he covered me with his body. Pagtingin ko,

"Blue."

"Ok ka lang?" ang lapit-lapit niya sa akin. He's almost hugging me.

"Huh?" hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Nagulat kasi ako masyado sa biglaang pagsulpot niya sa harap ko. And... and gwapo talaga niya.

"Nabasa ka ba?"

"Hmm... no." I should be shouting at him right now kasi ang lapit-lapit niya sa akin. Pero hindi ko ginawa. Weird. But I liked the feeling na prinotektahan niya ako para hindi ako mabasa.

Nababaliw ka na Xandra.

"Hmm... sige. Alis na ako."

Pinigilan niya ako sa braso.

"At sinong maysabi na pwede ka ng umalis?"

"Ano naman iyang pinagsasabi mo?" binawi ko yung braso ko.

"May utang ka pa sa akin Xandra."

"Huwag kang feeling pwede? Bayad na ako dun!"

Ngumisi ito ng nakakaloko.

"Natatandaan mo pa pala yun. Good. Pero hindi yun ang tinutukoy ko."

"And ano naman yun aber?"

"I told you not to hit my face right?"

"Yeah. So?"

"Magbabayad ka sa ginawa mo."

Then bigla niya ako tinulak papunta sa pool.

"BLUE!!!!!"

Blog Template by YummyLolly.com - Header made with PS brushes by gvalkyrie.deviantart.com
Sponsored by Free Web Space